Claire's POV
"OMG! matagal pa ba? It's almost one and a half hour na tayong nagbabyaheng papuntang school na yun ah?" iritableng sigaw ni Trexie..
"Guys, we're almost there.. wait after 15 minutes." sabi ko..
Well, we're on our way to our new school. Yes, NEW.. Lumipat lang kami ng bagong school kasi TRIP lang namin.. Pano ba naman yung old school namin ay walang ka thrill-thrill.. I swear super boring talaga..
Ay, before anything else, magpapakilala muna ako. *Ehem!* Ako nga pala si Marie Claire Delos Santos, but my friends usually call me Claire.. Kaya kung di tayo friends, Get Lost, or wag mong harangan ang daanan ko!
okay! back to the reality..
Papasok na kami sa Main Gate, ng mahagip ng mata ko ang pangalan ng New school namin..
"weird, Secret Academy?" takang tanong ni Joy.
"We're here! we're here!!" sigaw ni Trexie na naging dahilan ng pagkagising ng barkada..
"Geezz.. Ano ba naman yan Trexie.. kahit kailan naman talaga oh!" sabi ni Rasheil sabay irap..
"guys, calm down, we're here na oh! stop it!" awat sa kanila ni Denise
Bumaba na kaming lahat ng sasakyan ng bigla akong may naramdamang kakaiba..
"Oh Claire, ba't ang tahimik mo?" tanong ni Jessa sa akin..
"Ah..Wa-wala, don't mind me so.. let's go to the principal's office?"
"YES!!" sigaw nilang lahat. napailing naman ako sa sigaw nila..
Habang naglalakad kami, hindi maiwasan ang lahat ng mga mata mapatingin sa amin. Hindi ko alam kung may problema ba, o ano, pero ang alam ko may kakaiba..
••PRINCIPAL'S OFFICE••
"so you are the new tranferees here.." sabi ng principal samin..
"tsk. Di ba halata?" narinig kong bulong ni Joy.. mag-katabi lang kasi kami kaya siniko ko siya..
"ah .. yes sir.." magalang na pagkakasabi ko
"Ok .. tomorrow is the first day of class for all of you.. Hope you'll enjoy our company here.." wika ni Sir Villaluz..
" ngayon ay i-totour kayo ng ating school's assistant. At alam ko din na alam nyo na , na ang school na ito ay boarding school. " dugtong nito..
"ok po.. " sagot naming lahat..
Nilibot namin ang buong academy.. Malaki ito ngunit medyo may kalumaan.. Ramdam ko ang mabigat na atmospera sa bawat sulok..
"Miss matanong ko lang po.. Ano po ba ang parteng yun?" Tanong ni Denise sabay turo sa parteng puro puno ang makikita at may isang fish pond sa gitna..
"Tara puntahan natin!" Excited na sabi ni Jessa. "Huwag!" Nagulat kaming lahat sa pagsigaw ng school's assistant.. Nilingon ako ni Kailee na para bang sinasabing may kakaiba ba..Hinarap ko ang parteng yun at muntik na ako mapasigaw dahil sa gulat. May nakita akong batang nakatayo sa gilid ng Fish pond, nakakatakot ang kanyang aura.. Binawi ko ang tingin ko dahil sa hindi ko na makayanan ang atmospera nung nagkatitigan kaming dalawa.."Okay ka lang ba Claire?" alalang tanong ni Nikki. "Ah... o-oo.. tara alis na tayo.." wika ko..
habang papalayo nilingon ko muli ang parteng iyon at laking pasalamat ko dahil wala na ang bata.. Gusto ko sanang tanungin si Miss Santos, pero natatakot ako.. Nanatili akong tahimik.. Mamaya nalang siguro
Natapos na naming libutin buong ang academy.. at papunta na kami ngayon sa aming dorm tig-aapat na tao lang pwede sa isang dorm.. kaya mag-kalahiwalay kami.. in-assign na kami ni Miss Santos kung sinong mag-kakasama sa kwarto ang makakasama ko naman ay si Trexie,Jessa at Kailee sa kabilang kwarto naman mag-kakasama sina Denise,Rasheil,Nikki at Christine..
"ok so I think ok na kayo dito remember wag na wag kayong lalabas ng mga kwarto niyo ok?.. so see you tomorrow girls!"sabi ni Miss Santos tsaka umalis
"shocks! bakit kailangan hatiin pa tayo.. this sucks!"maarteng pag-kakasabi ni Trexie
"alangan namang mag-siksikan tayo sa loob ng isang kwarto? hello four beds lang ang meron sa bawat room"sabi ni Christine tsaka umirap
"k.fine whatever"sabi ni Trexie tsaka umirap din
"haays! tama na yan mag-sipasukan na tayo sa loob ng mga rooms natin"sabi ni Jessa at nauna ng pumasok sa room namin
"well, see you tomorrow . Good Night girls"sabi ko at pumasok na rin sa room namin nag-sipasukan narin sila..
BINABASA MO ANG
School of Horror
HorrorReady ka na bang pumasok sa isang paaralang puno ng kababalaghan? sabay sabay nating hukayin ang katotohanang ibinaon na sa limot.. walang sikretong kailanma'y hindi mabubunyag ..