Chapter 1

17 0 0
                                    

Hiiiii! Newbie here! Haha! Wala lang akong magawa kaya nagtry lang ako gumawa ng story kaya sana magandahan kayo :D

--------------------------

Chapter 1

CESS POV

Nagising ako sa sikat ng araw. Kaya tumayo na ko para maligo at para mag ayos. Nakita ko si yaya inaayos yung kurtina ko dito sa kwarto kaya di ko kinausap o mag good morning manlang. Tinignan ko yung alarm clock ko

7:49 am

Tss late na ko. Hindi na ko nag abalang magmadali kasi late na rin naman at saka ako kaya batas sa school kaya ok lang haha :D

At saka pala, Ako pala si Cess Xylia White, ang war freak sa school, mabait sa harap ng parents, matalino, maganda, mistisa, model, mayaman at graduating palang ngayong year na nag aaral sa Tanhea High. 

Ang Tanhea High ay isang sikat na school at puro mayayaman lang ang makakapasok. Ang school na yun ay napupuno ng iba't ibang grupo ng studyante, gaya ng grupo ng mga bitches, fan girls, nerds, war freaks, JERKS at iba pa. At dun sa mga grupo na yun ay kasali ako sa mga war freaks. Actually, ako ang leader nila pero hindi ko alam kung bakit ako ang naging leader nila basta ako DAW.

Tss tama na nga ang dada. Tapos na ko mag ayos ng sarili at magbreakfast kaya papasok na ko sa school. Second day ngayon at ngayon palang ako papasok. Hindi ako pumasok kahapon kasi.... AYOKO lang, ehh sa timatamad ako ehh!. Pasakay palang ako ng kotse ng may nagsalita.

"Oh Cess papasok ka na ba?"  Tss si ate -,-

"Hindi ba obvious?" Sagot ko

"Haha! Ang taray talaga ng kapatid ko" Sabi nya sabay kurot sa pingi ko na maganda.

"Nu ba ate! Ang shaket!   Nasan na ba yung Cocoy na yun, ang tagal ah!!" 

"Hahahahahaaa!" Buset tumawa lang to si ate. 

Oh wag kayo! magalang ako sa ate't kuya ko! Medyo may pagmaldita lang talaga ako, hindi tulad ng ate ko na childish na ewan. Pangalan pala ng ate ko ay Celine Annika White. 

"Yow! Nagkakatuwaan kayo jan ahh! Anung oras na, lahat tayo late na haha!" Si kuya

"ANG TAGAL MO KASI!" Sigaw namin ni Ate 

"Lah?! Ako pa sinisi?! Tara na nga! Late na late na tayo." Kuya

Pagkasabi ni kuya nun ay pumasok na kami sa kotse. Siya ang nasa drivers seat, si ate sa passenger seat, at ako syempre sa likod -,-

Nag away pa nga kami ni ate kung sino ang uupo sa passenger seat, nag jack en poy pa kami at pagminamalas ka nga naman, nanalo ang ate ko kaya no choice sa likod ako umupo tss.

Hinatid ako ni kuya sa may gate lang ng school kasi daw late na late na daw sila ni ate kaya yun, pagkababa na pagkababa ko, humarurot na nang mabilis yung kotse. Name pala ng kuya ko ay Axel Coy White, sweet yang si kuya, mabait rin at gentleman. Sa iisang university lang sila ni ate nag aaral kaya sabay sabay na kami. Syempre ako ang baby girl kaya dapat alagaan nila ko at bantayan kasi nasa ibang bansa ang parents namin at busy sa mga business nila dun.

Naglalakad ako sa corridor at halos wala na kong makitang studyante kasi nga class hour na at late na ko.

"Xylia!!!" Natigil ako sa paglalakad nang may sumigaw ng pangalan ko. At alam na alam ko na kung sino yun.

"Oy Xylia! Tatayo ka nalang ba jan?!" Tss si Chaysie -,-

"Oh bakit Chaysie nandito ka pa? Diba class hour na?" Tanong ko habang papalapit sa kanya.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 04, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

War Freak Meets A JerkTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang