Luna's POV
KRING!! KRING!! KRING!! rinig na rinig ko na naman ang maingay kong alarm clock. grabe ayoko pang bumangon, sirang sira yung body clock ko nung bakasyon, puyat pa more! ngayon gsto ko pa matulog! WAHHHHH!!!
Ngayong araw kasi ang first day of school ko sa papasukan kong school, incoming grade 11 student kase ako, at nagtransfer ako sa isang MAARTEng school named Barnes University. Dito ako inenroll ng daddy ko dahil he graduated here and sobrang sikat nitong university na to sa Philippines because some board passers graduated here. Sinabi ko na maarteng university to dahil nung orientation, ang daming bawal. Hay nako! Kaya pala ang kauna unahang bilin sakin ni Daddy ay magpakabait. Sutil ba kong anak?
After ko tumulala sa kisame at harapin ang sumpa, charot! Naghanda na ako para pumasok sa school. Naligo at nagbihis na ako tsaka ako bumaba sa dining.
"Goodmorning! Ang ganda ganda ganda ko, kumpara sa umaga!!!" sigaw ko sa lahat ng tao sa bahay namin. hindi naman kami madami, well, si daddy, at mga maids lang namin yung nandito pero yamona. Next time na lang ako magkekwento, gutom na ko!
"Goodmorning anak. Yung bilin ko ha, be good. First day mo pa lang baka naman gumawa ka na naman ng kalokohan." paalala sakin ni daddy habang kumakain kami.
"Opo daddy, alam ko naman po kung kelan magbibiro at kung kelan hindi. Bait ko kaya!" pagmamalaki ko.
Pagkatapos ko kumain, sumakay na ako sa kotse na maghahatid sakin patungo sa school. Saglit lang naman ang byahe, 15 minutes lang, pero late yata ako hays. Napapaisip ako, diba minsan ang mga kaklase ko may possibility na magkakakilala na sila kasi baka magkakaklase sila ng grade 10 at kakaunti lang transferres? Nakakahiya omg!
* SCHOOL *
"Manong, salamat po sa paghatid! Ingat po!" sabi ko sa driver namin at nagdire diretso na.
Nung orientation pa lang ay nakuha ko na ang schedule ko kaya alam ko na ang section ko, pero hindi ko alam kung san yun hahanapin.
Nasan ka na ba, 11-Diligence?
"Ah hello po, excuse me po! Pwede ko po ba matanong kung san yung classroom ng 11-Diligence?" nahihiya kong tanong sa babaeng naglalakad.
"Oh, Transferee! Ah, diretsuhin mo lang yang building na yan sa left and then 3rd floor. Nandun ang room mo! Bilisan mo ha! You're late!" sabi nya sabay takbo.
Maubos ubos ang hininga kong nagtatatakbo sa field at papaakyat ng hagdan, kabadong kabado ako habang tumatakbo at pagkabukas ko ng pinto..
"Ah hehe! Hi ma'am! Sorry po, I'm late. Hindi ko po kasi alam kung san hahanapin yung room na to eh. I'm sorry po!.." myghad nakakahiya, pinagtitinginan ako dito!
"It's okay iha. You're a transferee naman! Anyways, come in and introduce yourself." napressure naman ako bigla yung hingal ko nawala, natanggal na puso ko sa kaba!
"Uhm, hello, I'm Luna Ysabelle Lopez, 16 years old. Just call me Luna, it's nice to meet you all."
"Okay, go ahead and take your seat uhm beside Mr. Gonzales, dun sa may likod. Wala na kasing ibang seat. Is it okay?" tanong ng teacher namin.
"Opo ma'am!" sabi ko naman may choice ba ko.
Sa left side ko ay may katabi akong tulog na tulog na lalaki na walang paki yata sa mundo kaya iniwasan ko na lang ng tingin. Sa right side naman meron akong katabing lalaki na ngiting ngiti naman sa akin na akala mo luluwa na yung ngipin nya. Sobrang cute nya siz!!!
"Hi transfer! Seven nga pala! Pede tayo maging friends! Harmless ako!.." nakakahiya naman to tignan, ang pogi at ang fresh nya! hUH!
"I'm luna, hi din hahaha thankyou sa offer mo, wala pa kasi akong kakilala rito eh.."
"Gusto mo mamaya i-tour kita pag vacant natin, promise mabait ako!" hahahaha anobanamanyan
"Osige, kung okay lang! Bakit ako tatanggi! Hahahaha!" may friend na akoooo! sana babae naman, bakit ayaw nila ko lapitan! I'm shy nga eh, pero pwede na tong Seven na to, funny sya.
Nung natapos na yung konting introduction namin about sa isang subject, breaktime na namin at meron kaming vacant na 1hour. Bale 1hour and 30mins din kaming pwedeng lumibot ni Seven.
"Luna! Ano tara na?" tumango naman ako bilang sagot sakanya habang sinusuot ang bag ko.
"Pre, una na muna ko! Ay Luna! Mga tropa ko nga pala! Si Joseph, Bryan and Abel, yang katabi mo."
sabi sa akin ni Seven."Hi Luna! Ang ganda mo naman! Nice to meet you!" bati sakin nung Joseph.
"Luna, Bryan nga pala! Wag ka mamula hahahaha ang cute mo!" pangaasar nya sakin.
Ang saya naman ng barkada na to kasama! Kaso mabubully ako.
"Tara na, gutom na ko!" sabi nung Abel sabay alis. nubayan, kapogi pogi di marunong bumati.
"Ah hehe! Tara na Luna? Hayaan mo yun! Galit sa tao!" hahahaha natawa na lang ako sakanya.
Nandito kami ngayon ni Seven sa rooftop. Mas kita daw lahat dito kesa ikutin ko talaga ang school nakakapagod daw yon kaya ituuro turo nalang nya habang kumakain kami. Bumili lang kami ng mga makakain sa cafeteria. Puro western foods kasi ang sineserve sa school na to. Dahil siguro sa may-ari. School nya to eh. Ade sakanya nya!
"Ang sarap ng hangin dito! Pano mo naman to nakita?" tanong ko sakanya.
"Dito ang tambayan naming apat, lalo kapag may brokenhearted! Masaya sila kasama, simula ng hndi pa kami tuli, kasama ko na ang mga yun, siguro maya maya nandidito na rin sila." HAHAHAHAHAHAHAHAHA ANO BANG KWENTO YAN
Maya maya pa, dumating na nga ang mga kaibigan nya.
"Hi Luna! Dito rin pala kayo." sabe sakin ni Bryan
"Hindi ah! Imagination mo lang ako!" hay nako talaga nga namang pilosopo Luna.
"Hi, ako nga pala bago mong seatmate! I'm Luna Ysabelle! Nice to meet you, Abel!" sabi ko sakanya sabay lahad ng kamay.
TINIGNAN NYA LANG AKO AT SINABING, SO?
"Ah hehe wala! Share ko lang." sabe ko ng alanganin
Tumayo na ko at sinabing "Maldita naman! Kalalaking tao, hmp sungit!" sabi ko sana di nya narinig..
Sinamaan nya lang ako ng tingin at nagpatuloy na sa pagkain.
Uwian na namin at napagalaman kong hndi ako susunduin ng driver namin dahil pinapunta yata sya ni daddy sa company. Kaya ko naman magcommute.
"Uh, Seven salamat nga pala sa kanina ha! Wag ka magalala babawi ako hehe! Thankyou, ikaw ang pinakauna kong naging friend dito. Thankyou talaga!" sabi ko na parang sobrang sabik.
"Arte" sabat naman ni Abel tsaka umirap. Papalabas na sana sya pero gumanti ako, binatukan ko sya.
Oo binatukan ko sya.
"ARAY NAMAN! ANO KA BA" sigaw nya sakin.
"Tao, ikaw panget!" Sagot ko naman. Di na sya pumatol at lumabas na. Nagayos lang ako saglit ng gamit at lumabas na rin ako.
BINABASA MO ANG
Given Chances
Teen FictionGaano karaming pagkakataon pa ba ang kaya ng puso mong ibigay? Gaano katagal at gaano mo pa kayang tiisin? Handa ka ba makasakit Makasira Magkamali Masaktan Para lang maibigay ang mga pagkakataong gusto mong ibigay?