Luna's POV
Tapos na ang first and second week sa school. Maayos naman, hindi pa gaanong mahirap. Me, Seven and the boys are getting close. Minsan, kasama ko sila gumala and maglaro pero syempre, ang kupal na si Abel ay hindi dahil pipe sya. Charot.
Maaga akong umalis ngayon sa bahay at maaga rin akong nakarating sa Barnes ng hindi tumatakbo. Since maaga pa naman, pumunta muna ako ng music room dahil sobrang tahimik dito. Nakita ko ito nung nakaraan pa habang dumadaan kami ni Seven papunta sa cafeteria.
"You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh" kanta ko habang nakaupo ako sa gitna ng music room."I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part.."Hays, walang duda. Miss ko pa rin sya. Tangina. sabi ko sa sarili ko nung pagtapos kong kumanta, tatayo na dapat ako ng may biglang pumalakpak sa likod ng piano at drums.. bat ba andidito tong anak ni Satanas ngunit Abel pangalan???
"Wow, ginising mo ko. Ansaya!" he said to me, sarcastically.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito? At ano ba ginagawa sa music room? Diba kumakanta? Kaya wag mo sabihin inistorbo kita" bara ko sakanya
"Tss. I'm sleeping and you disturb me." wow taray naman mare
"Mukha bang kwarto mo to at dito ka natutulog?! Doon ka sa clinic! Hndi yung nagrarant ka dito wala ka namang tama!" sigaw ko sakanya. bwiset eh, pangasar.
Nung nagbell na, pumasok na ako sa classroom at wala sa sariling naupo sa upuan ko at pumangalumbaba. Hays. Bat ko ba to naiisip? Nawawala na naman ako sa sarili. Sobrang na mimiss ko na sya. Ang sakit na ng puso ko.
"PSST! PSST!" rinig kong tawag sakin ni Seven.
"Ano bang nangyayari sayo? Bakit tulala ka ngayon? Makinig ka naman!" pabulong nya sa akin.
"Sorry, masakit lang ulo ko hehe." I lied.
"Class, magkakaroon ng pageant ang STEM STRAND department sa school natin. Bale, grade 11 and grade 12 stem students ang maglalaban. Kada section, may isang boy at girl na representative. The pageant is in two weeks, sinong ilalaban natin?" tanong ni ma'am. dumukdok na lang ako dahil hindi naman ako interesado, tsaka antok na antok ako kakabasa kagabi.
Abel's POV
"AY MA'AM TUTAL SYEMPRE GWAPO NAMAN TALAGA SI ABEL, SYA NA LANG ILABAN NATIN!" sabi ng kaklase ko na sinamaan ko naman agad ng tingin.
"Alam kong gwapo ako pero, nakakatamad." oo totoo naman, napasapo nalang sa noo ang adviser namin sa sagot ko.
"Osige ganito nalang, sinong gustong si Abel ang sumalang sa pageant?" nagtaasan naman ng mga kamay ang mga magagaling kong kaklase at si Seven, itinaas na din ang kamay ni Luna sabay tawa. Tulog ata ang pilosopong to.
"Oh pano ba yan Abel, ikaw na talaga. Tutal confident ka namang gwapo ka." pangaasar sakin ng teacher namin.
"Yeah, whatever." tangina talaga ng mga tropa ko. go na go naman!
BINABASA MO ANG
Given Chances
Teen FictionGaano karaming pagkakataon pa ba ang kaya ng puso mong ibigay? Gaano katagal at gaano mo pa kayang tiisin? Handa ka ba makasakit Makasira Magkamali Masaktan Para lang maibigay ang mga pagkakataong gusto mong ibigay?