Sandy's POV
" MARK JILL!!!" sigaw ko nang mapatingin ako sa mukha kong puno ng drawings. Alam ko kung sino ang may gawa nito at sigurado akong yung mokong na yun ang gumawa nito.
Nanghilamos muna ako saka ako bumaba at nakita ako ni Bill Crawford. OO, yung sikat na dancer, magkaibigan kami, 'kala niyo ah.
" Anyare sa mukha mo te?" sabi niya na halatang pinipigilan ang tawa.
" Asan si Mark?"
" Sa kwarto ata ni Ferdz."
Pumasok ako sa kwarto ni Ferdz at nakita ko ang baklang 'mahimbing na mahimbing na natutulog'.
" Hoy Mark Jill, ano bang ginawa mo sa mukha ko. Bumangon ka nga!" sabi ko habang hinahampas siya.
" Uhmmmm."
Tumayo ako sa higaan niya at tumalon talon para lang mapabangon siya.
" Ano bah?" mahinang sabi niya.
" Bumangon ka na't may kasalanan ka pa sa'kin!"
" 'Yoko nga! Inaantok pa ko eh. Sinira mo panaginip ko!"
" Ah ganun, hindi ka talaga babangon?"
Narinig ko siyang humilik at alam kong peke 'yun.
" Okay, madali naman ako kausap eh. Goodmornight!"
Mark Jill's POV
" Hayy sa wakas umalis na. Makabalik nga sa pagtulog." sabi ko at unti unti ng pinikit ang aking mata.
Wala pang dalawang minuto ng maramdaman kong basa na ang katawan ko. Napabangon ako at nakita ang mukha ng babaeng kinaiinisan ko.
" Ano ba?!" sigaw ko sakanya.
" Ayaw mo kasing bumangon eh, kaya ayan."
" Kaloka Sandy! Yung face mask ko! Ano ba 'yan sira na beauty rest ko."
Sandy's POV
" Kaloka Sandy! Yung face mask ko! Ano ba 'yan sira na beauty rest ko." sigaw niya habang nakatingin ng masama sa akin.
" Buti nga sa'yo! Gawin mo ba namang drawing book yung mukha ko. Tsaka gunggong! Rest lang walang beauty"
" Oh bakit? Ano masama dun? Dapat nga maging proud ka sa akin kasi napapakita ko yung talent ko sa pagdraw-drawing eh."
" Aba! Mukha ko pinagtripan mo tapos sasabihin mo maging masaya ako? Adik ka ba?!"
Tumawa lamang siya at bumangon na upang mag-bihis.
Pumasok naman si Ferdz at nagulat nang makitang basa ang kama niya.
Hala oo nga pala! Kama niya nga pala 'to. Ang tanga mo Sandy Padilla.
Third Person's POV
Tumingin si Ferdz sa dalawa ng masama.
" Kayo maglaba niyan. Taena! Pagalitan pa ako ni Aya!" sigaw ni Ferdz sa dalawa.
Nagkatinginan ang dalawa ng pumunta si Ferdz sa baba.
" Ikaw kasi eh, binuhusan mo 'ko ng tubig habang natutulog ako, hindi mo ba alam na kwarto 'to ni Ferdz at Aya?" sabi ni Mark Jill kay Sandy.
Sandy: Eh bakit kasi dito ka natulog?!
Mark Jill: Wala sila eh at tsaka bakit ako? Ikaw kaya diyan 'yung nambuhos.
Sandy: Excuse me, hindi naman kita bubuhusan ng tubig kung bumangon ka agad noh?!" Tama na 'yan. Itigil niyo na nga 'yang pagaaway niyo. Para kayong mga bata." singit ni Aya sa dalawa.
" Magbihis na kayo at kakain na tayo ng breakfast."
" Okay po mama!" sabay na sabi ng dalawa kay Aya/
Si Aya kasi ang nanay-nanayan ng grupo dahil sa kabaitan nito at sa pagka-maalaga niya.
Sandy's POV
Nasa kwarto ako ngayon. Habang nagbibihis ako, hindi ko matantsang hindi magdabog dahil sa baklang 'yon.
" Nakakainis! Inaamin ko ako nagbuhos ng tubig, eh siya naman kasi dahilan eh! Kung bumangon sana siya kaagad edi sana hindi ko 'yun gagawin. Buti nga sakanya 'yun! Drawingan ba naman mukha ko. Revenge ko nalang 'yun! Ehh nakakainis maglalaba pa tuloy kami! Bakit kasi dun siya natulog eh?!! Arghhh!! Bwiset talaga bwiset!!"
" Tapos ka ng ilabas sama ng loob mo sa akin?" sabi ni Mark Jill sa likod ko.
" Bakit ka nandito?!" gulat na sabi ko.
" Kakain na daw tayo. Halika na chewbacca!"
" Chewbacca mo mukha mo! Alis na! Sunod na 'ko baklang panot."
" K bye!"
Ayy oo nga pala. Magpapakilala lang ako saglit. Hi guyz! Welcome back to my channel, charot! Hi! Sandy Helena Padilla po at your service. Maganda po ako, sexy at mabait.... pero wala po akong boyfriend.
" Sandy Helena! Bumaba ka na!!!" sigaw ni Bill.
" Teka lang saglit! Panira naman eh! Nagda-drama pa ko!"
" Mamaya ka na magdrama! Kaloka!" sigaw naman ni Aya.
" Sige na nga! Atat niyo! Bababa na!" sigaw ko pabalik.
Mamaya nalang po ahh. Sig-
" Sino ba kausap mo diyan?" tanong ni Mark Jill.
" Ahh sarili ko ba't ba?"
" Para kang baliw, 'lika na nga!"
Pababa na kami ng hagdanan nang bigla akong matapilok. Buti nalang at nasalo ako ni Mark at hindi ako nahulog ng tuluyan.
Nagkatinginan kami pareho at.....
Third Person's POV
" Huy Mark Jill, Sandy Helena! Bilisan niyo!! Pinag-aantay niyo 'yung pagkain!" sigaw ni Ferdz.
Binitawan ni Mark Jill si Sandy na muntik nang masubsob ang mukha at halatang gulat pa rin.
Nauna ng bumaba si Mark Jill, sumunod na lamang si Sandy.
" Anyare sa inyo? Ba't ang tagal niyo?" tanong ni Aya.
" Ha? Wala. Eto kasing si Sandy ang slow masiyado magbihis."
" Ahh oo nga sorry!"
itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Romancea girl and a gay who are supposed to be enemies but eventually fell for eah other