•4•

9 0 0
                                    

Aya's POV

Papunta ako ngayon sa kwarto ni Sandy para sana gisingin ito.

Tok tok tok!

"Sandy! Gising na, tanghali na! Nakakaloka ka."

"Sandy! Ano baaa!"

"Gigising ka o kakalbuhin kitang babae ka?"

Nakakaloka naman talaga tong babae to. Kinatok ko ulit yung pintuan niya pero wala pa ring sumasagot, kaya naman napilitan akong buksan yung pintuan pero pagka-bukas ko, walang Sandy na tulog ang bumungad sa akin.

"Bill, nakita mo ba si Sandy?" baling ko kay Bill na kasalukuyang nagpa-practice para sa sayaw sana nila sa event mamaya.

"Hindi eh, kanina pa ako rito pero di ko naman napansing lumabas sa kwarto niya. Gumala siguro nang madaling araw, alam mo naman, kalahi yun ni Dora eh."

"Ah okay, salamat nalang."

Napakagala naman talaga. Di bale, baka may pinuntahan lang na importante ang bruha. Ay, oo nga pala. Nagka-sakit nga pala yung bakla, magising nga, tulog mantika pa man din ang bruho/a.

"Ferdie! Samahan mo'ko! Gisingin natin ang bakla nang makakain na!"

Third Person's POV

Nagising si Mark Jill na yakap yakap si Sandy. Napangiti siya nang maalala ang mga sinabi ni Sandy kagabi.

"Thank you, Sandy." sambit niya bago halikan sa noo ang dalaga. Sakto namang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mukha ni Aya at Ferdie na parehong gulat. Di naman napansin ng bakla ang dalawa.

Nabasag lamang ang katahimikan nang nagising si Sandy na naguunat pa.

"Oy bakla ka, pinagod mo ako kagabi ha." sambit ni Sandy habang yumayakap kay MJ na tila di pa napapansin ang presensiya ng mag-jowang sina Aya at Ferdie. Mas lalo namang lumuwa ang kanilang mga mata at parehong di makapaniwala sa sinabi at ginawa ng dalaga.

"Aya! Ferdie! Ba't ang tagal niyo namang gisingin yung bakla! Pinaghihin—- Oh My Ghad! Global warming na nga ata." sambit ni Bill habang tinatakpan ang kaniyang mga mata.

Pareho namang napalingon sina Sandy at Mark Jill sa kinroroonan ng tatlo nilang kaibigan na pareho din namang nagulat. Kung di pa siguro sumigaw si Bill eh hindi madaddaot ang moment ng dalawa haha.

Mark Jill: Hi mga bakla, uhmm ano? Uhmm kain na tayo hehe. Tara na Sandy naghihintay na sila oh.
Sandy: Tara na nga, oo, masamang pinaghihintay ang pagkain diba? hehe, tara na.

Sabay na bumangon ang dalawa at nilagpasan ang tatlo pang kaibigan na kasalukuyang nakatingin sa kanila.

"Mga bakla! Hali na kayo, uhmm ano, kain na tayo" sigaw ni Mark Jill mula sa kusina.


Nabasag lamang ang katahimikan nang mag-salita si Aya na may props pang flashlight na tinututok sa dalawa na parang may nagawa silang karumal dumal na krimen.

"Uhmmm, soo, ano yon? Anong nangyari ha? Ba't may payakap, Sandy Helena? Ba't sabay kayo natulog? May nangyari ba s——"

"YUCKSS! NEVER! Merlat?Lalo na ito? eww no way." pasigaw na putol ni Mark Jill.

"Grabe naman maka-react 'tong baklang to. Gusto mo masapak?" sambit naman ni Sandy.

"Ayan na naman kayo, ano ba talaga nangyari?" singit ni Ferdie.

Sandy: Okay ganito yon ha, inalagaan ko lang tong mokong na'to kasi nga diba nagka-sakit kagabi.
Bill: Eh ba't dun mo kailangang matulog? Ba't dun ka natulog?
Ferdz and Aya: Oo nga?
Sandy: Aba tanungin niyo 'yang baklang 'yan.
Mark Jill: Aba ba't ako?
Sandy: Ikaw kaya humatak sakin papunta sa tabi mo.
Mark Jill: Oh, bakit? Di ka din naman pumalag. Bet mo din kaya.

Habang patuloy na nag-aasaran ang dalawa ay wala namang magawa ang tatlo pa nilang kaibigan kundi ang magtitigan at halos lumuwa na ang mga mata dahil sa gulat.

Ferdie: Babe, wag ka masyado ngumanga baka malamon mo kami lahat.
Aya: Gusto mo ikaw unahin kong kainin?
Ferdie: Ay parang bet ko yan.
Aya: Tse! Manahimik ka.

Tanging si Bill lang ang walang maka-usap na pinag-papalitan ng tingin ang kaniyang mga kaibigan na nagbabangayan.

" MANAHIMIK NGA KAYO! SUMASAKIT ULO KO SA INYO NA DIMUNYU KAYU! EDI KAYO NA! AKO NA WALANG LOVE TEAM DITO! GINAWA NIYO 'KONG FIFTH WHEELER!" sigaw ni Bill nang di na matiis ang ingay na naririnig.

Nabasag muli ang katahimikan nang tumunog ang doorbell.

Ding Dong!

Ding Dong!

Ding Do——

"Ano ba naman 'yan! Palitan niyo nga tunog nag-iinit ulo ko diyan" usal ni Sandy na tinatakpan pa ang tenga niya.

"Ako na kukuha." sambit ni Mark Jill.


Isang lalaking naka-leather jacket at naka-shades ang bumungad sa mukha ni Mark Jill. Hindi ito kagwapohan pero malakas ang dating.

"Uhmm I'm looking for Sandy Helena?"


itutulog...

este itutuloy pala....






Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon