•2•

16 1 0
                                    

Third Person's POV

Habang kumakain, hindi maiwasan ng dalawang sumulyap sa isa't isa. Walang nagsasalita kahit ni isa sa kanila. Naiilang pa rin kasi sila sa nangyari kanina.

Bill: Ferdz, Aya bilisan niyo kaya dyan at baka malate tayo. Sige kayo! Di ko nalang kayo isasama. Mag-jowang 'to! Ang so-slow.
Aya:  Eto na eto na!
Ferdz: Nagmamadali naman eh!
Bill: MJ, Sandy, una na kami Babush!
Mark Jill & Sandy: Tek-

Bang! ( sinarado nila yung pintuan. wag kayong ano!)

Mark Jill: Hay nako! Tayo na naman dalawa naiwan. Bilisan mo diyan! Maglalaba pa tayo.
Sandy: Di marunong maghintay? Gutom ako! Mauna ka na. Nakakaloka!
Mark Jill: Eh sa gusto ko kasama kita eh. ( sabay kindat)
Sandy: Ewww yuck! Nakakasuka
Mark Jill: Tingin mo ikaw lang nandidiri? Yucks babae! ay teka, babae ka ba?
Sandy: Aba sira ulo 'to ah? Mukha 'kong bakla? Mukha 'kong bakla ha? Masasapak kita. Ano? Sagot!
Mark Jill: Bakit ako matatakot?! OO MUKHA KANG BAKLAAAA!

PAK! (sampal sound effect)

Mark Jill: Wala na finish na... Ang sakit 'non. Nakakadalawa ka na ngayong araw ah!
Sandy: Buti nga sa'yo! 'Lika na nga! Maghugas muna tayo.
Mark Jill: Kiss muna
Sandy: Yucks! Kiss mo pwet mo!
Mark Jill: Grabe ang hard! Porke wala kang pwet! Antayin mo Sandy Helena makakaganti din ako!
Sandy: Antayin ko 'yan Mark Jill.

Naghuhugas ng pinggan si Sandy habang nagwawalis naman si Mark Jill. (A/N: Huwaw! Good Citizenship! Palakpakan naman dyan mga dabarkads! Ay madlang pipol pala! Tularan niyo sila)

Napag-usapan nilang mamaya nalang maglaba pagkatapos ng ibang mga gawaing bahay. Pagkatapos gawin ang mga gawaing bahay (odiba redun-dunt hikhok), nagpahinga muna sila saglit. Iidlip mna sana si Sandy nang kinalabog ni Mark Jill ang pintuan niya.

Sandy: Who's banging my door?! Mark Jill! I can buy you, your friends, and this club!
Mark Jill: Iba 'yun! Move on!
Sandy: Ay iba ba 'yon? Sabagay ganun naman talaga, NAGHAHANAP NG IBA.
Mark Jill: Tsk. Ang drama mo! Halika na! Mag-laba na tayo, baka dumating na sina Aya.
Sandy: Mamaya pa 'yun! Patulugin mo muna ako.
Mark Jill: Pa'no kung ayaw ko?
Sandy: Sasapakin ulit kita.
Mark Jill: Apaka sadista mo talagang kulot ka. Sige na kasi... May lakad din ako eh.
Sandy: Anong lakad? May bagyo ngayon bakla sige ka.
Mark Jill: Eheee, concerned ka? Don't you worry, magdadala ako ng payong.
Sandy: Sige na nga!

Mark Jill: Oh 'yan na... Lalabhan natin 'yan lahat.
Sandy: Eto?! Ang dami naman!
Mark Jill: Huwag ka na ngang umarte. Nakakaloka. Bilisan na natin at baka pagalitan tayo ni Ferdz, ang sungit pa naman 'non.

Kinukuso ni Sandy ang mga labahan at natalsikan si Mark Jill. Halata din namang sinsadya niya.

Mark Jill: Ano ba?! Umayos ka nga.

Pinapatuloy ni Sandy ang ginagawa niya.

Mark Jill: Ah ganon? (sabay lagay ng bubbles sa ilong ni Sandy)

Gumanti naman si Sandy. Nagharutan sila hanggang sa marinig nila ang tinig ni Ferdz.

Ferdz: Nakakaloka! Akala ko ba mortal enemies kayo? Mukhang may global warming ata.
Aya: Para kayong mag-jowa dyan, daig niyo pa kami ni Ferdz tumigili nga kayo! Ako nalang tatapos diyan.

Tumigil naman ang dalawa. " Thank you Mama!" sabay nilang sabi at humahagikgik na pumunta sa kani-kanilang kwarto.

Mark Jill's POV

Haaayy nakakapagod 'tong araw na 'to. Hala! Oo nga pala, kailangan ko puntahan 'yung 'insan ko. Kailangan ko ng umalis baka maabutan pa ako ng ulan eh.

Third Person's POV

Umalis na si Mark Jill para sunduin ang pinsan niya. Hinanap naman ni Sandy si Mark Jill kasi may gagawin na naman sana itong prank, ngunit di niya ito mahagilap kaya tinanong niya si Aya.

Sandy: Asan si Mark Jill?
Aya: Umalis, kanina pa. Susunduin niya daw pinsan niya.

Nagalala naman si Sandy dahil sobrang lakas ng buhos ng ulan. Naisipan niyang gamitin ang kotse niya para hanapin si Mark Jill.

Habang nagdadrive, nakakita siya ng isang pamilyar na pigyura. From the head to the shoulder  and the knees and toes, alam niya kung sino ito. Lumapit siya para makasiguro at tumpak! Si MJ nga. Kaawa-awa ang lagay nito dahil sa matinding ulan at halatang giniginaw.

Lumabas siya ng sasakyan at pinayungan si Mark Jill.

Sandy: Jill! Ano bang ginagawa mo dito sa labas? Hay nako! Pumasok muna tayo sa sasakyan.

....
...
...
.

Sandy: So ano ngang ginagawa mo sa labas?
Mark Jill: Hinintay ko pinsan ko pero nag-text siya na hindi daw muna matutuloy 'yung bonding namin tapos umulan ng malakas. Tapos sumilong ako 'dun pero wala din naman kasi nabasa pa rin ako atsaka walang taxing dumadaan eh.

Nanginginig na sagot ni Mark Jill.

Sandy: Hay nako. Matulog ka na lang dyan. Gisingin nalang kita 'pag nakarating na tayo sa bahay.

Kasalukuyan silang stranded sa traffic ngayon. Ano pa nga ba? Palagi namang traffic sa Pilipinas, wala ng bago 'dun.

Nakatingin lang si Sandy kay Mark Jill na mahimbing na natutulog. Alam niyang giniginaw ito, sakto naman at may dala siyang jacket. Ipinatong niya ito kay Mark Jill.

Sandy's POV

Huy shyet. Ang gwapo pala nitong baklang 'to.

Tse! Ano ba 'tong pinagiisip ko HAHAHA

Tinitigan ko siya ng mabuti. Ang tangos ng ilong, perfect! Ang taray din ng lips nakakaloka.

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang bumusina 'yung sasakyan sa likod namin..

Ay shet, green light na pala. Dali dali kong pinaandar ang kotse at nakarating na kami sa aming bahay. (A/N: Diba ang bilis? Pinaandar lang nakarating na agad sa bahay HAHAHA)

Sandy: Nandito na tayo uy. Bilisan mo wakla!
Mark Jill: Uhmmm..

Ay shet, ang manly ng boses.

ANO BANG PINAGSASASABI MO SANDY HELENA PADILLA?

Third Person's POV

Sandy: Huy! Gumising ka na dyan.
Mark Jill: Eto na eto na!

Tatayo sana si Mark Jill pero parang matutumba siya sa sakit ng ulo.

Sandy: Dahan dahan naman.

Sabay alalay sa damdamin ay charot iba pala yun take two, Sabay alalay kay Mark Jill.

Pinahiga na niya si Mark Jill sa higaan nito. Aalis na sana si Sandy para kumuha ng mainit na tubig (para ibuhos sana kay Mark Jill charot) nang biglang nagsalita si Mark Jill.

Mark Jill: Thank you....

Ngingiti na sana si Sandy kaso...

Mark Jill: ..... Chewbacca

itutuloy....

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon