•6•

5 0 0
                                    

Third Person's POV

" Naku bahala ka sa buhay mo! Ikaw nalang mag-isa pumunta bakla ka. Sumama nalang sana ako kay Lester! Tsaka 'kala ko ba nasabihan mo na 'yung tatlo? Bakla ka talaga!" pasigaw na sambit ni Sandy.

" Ano, uhm ano daw kasi, biglaan din 'yung pagtawag ng boss nila hehe." pinagpapawisang sagot ni Mark Jill.

" Ay naku bahala ka talaga! Susunod nalang ako kina Lester!"

" Alam mo kung saan?"

Napaisip ang babae dahil dito.

" Edi tatawagan ko! Problema ba 'yun?"

" May number ka?"

Natahimik naman bigla si Sandy.

" Ayown, 'di mo alam so di ka pa rin makakasunod gaga."

" May gagawin ako sa Monday!"

" Ano gagawin mo aber?"

" Ano uhmm sasamahan ko si Bill, kulang daw ng dancers."

" Wag ako! Kasasabi nga lang ni Bill kanina na ang dami na daw dancers, namomroblema nga sa formations diba? Tsaka di ka marunong sumayaw, ulol!"

" Bahala ka basta 'di ako sasama."

" Wala namang bayad yung para sa bahay eh!"

" Ayoko pa rin! May bahay naman tayo dito at kahit anong sabihin mo, di ako sasama! Bahala ka!"

" Sumama ka naaa! Libre ko lahat ng gagastusin pati pagkain mo for 3 days pramis!"






Tahimik lamang ang dalawa habang bumabiyahe. Paminsan-minsan namang sinusulyapan ni Mark Jill si Sandy na nakatingin lamang sa bintana ng sasakyan. Napapansin naman ito ng huli ngunit nagpatay malisya na lamang ito.

Nang hindi na matiis ang katahimikan at pagka-ilang, hinarap na ni Sandy si Mark Jill.

" Bakla, bilisan mo kaya sa pag-drive, inip na inip na ako dito sa loob ng sasakyan eh."

Mark Jill's POV

Bruha 'tong babaeng 'to, libre lang pala katapat para sumama. Kanina ko pa tinitignan si Sandy, eh siyempre kanina pa tahimik ang gaga, 'di ako sanay.

" Bakla bilisan mo kaya sa pag-drive, inip na inip na ako dito sa loob ng sasakyan eh."

Nagulat ako nang biglang magsalita 'tong kulot na katabi ko. Ngayon lang kasi nagsalita ang bruha sa buong biyahe.

" Himala't umimik ka, akala ko ano na nangyari sa'yo kakatingin mo sa mga sasakyan, baka matunaw pa 'yung bintana ko, mahal 'yan. Nakakaloka tsaka paano ko bibilisan, ikaw 'tong nakatingin sa labas, di mo man lang nakitang traffic?"

Bruhang 'to, kanina pa nakatingin sa labas, di man lang napansin 'yung mga kotseng di pa umaandar sa harapan. Mukhang may iniisip ang babae.

" Magpa-music ka na nga lang diyan nang 'di ka mainip."


Third Person's POV

Ilang kanta na ang tumugtog sa radyo hanggang makarating na nga sila sa kanilang destinasyon. Tinignan ni Mark Jill si Sandy na ngayon ay mahimbing na ang tulog.

" Infairness naman sa babaeng 'to ang tangos ng ilong." sambit niya habang tinitrace ang ilong ng dalaga gamit ang hintuturo niya.

Hinawi niya ang buhok sa mukha ni Sandy.

" Pak! Ganda oh."

Bigla namang tumulo ang laway sa nakangangang bibig ng babae.

" Ganda nga salaula naman." sambit ni MJ habang natatawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon