↬
"Hannah, gusto kita" bigkas ng lalaking nasa harap ko. Halata mang kabado ay bakas paring masaya siya na maipagtapat ang nararamdaman niya para sakin.
Kung titignan sa itsura niya ay hindi mo iisiping isa siyang mahiyaing lalaki na nagtatapat sa isang babaeng ubod ng yabang. Ang pagiging malinis at mabango niya sa katawan ang dahilan kung bakit madaming babae ang nahuhumaling sa kaniya, gwapo siya at may maipagmamalaki ring husay pagdating sa pag-aaral.
Ngumiti ako at tinagilid ang ulo upang silipin ang namumula niyang mukha. Halatang kinikilig, gusto ko sanang tumawa kaso ayoko namang sumama ang loob niya sakin. Sumulyap ako sa paligid bago magsalita.
"Mark.." sambit ko.
Kinakabahan naman siyang tumitig sakin, binigyan ko siya ng pagkatamis na ngiti at lumapit sa kaniya para tapikin ang magkabila niyang balikat.
"Thank you" sabi ko at binigyan siya ng malawak na ngiti. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, halatang nagulat sa sinabi ko.
"Y-you're welcome" utal niyang sambit ngunit nanatiling nakatayo sa harap ko.
Mukhang wala atang balak umalis 'to. Ginagawan ko na nga siya ng pabor, siya dapat ang unang umalis para hindi kahiya hiya para sa kaniya."Hannah!" Sigaw ng pamliyar na boses mula sa pintuan ng aming classroom.
Taas kilay akong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Kanina ko pa 'to hinihintay pero ngayon lang nagpakita, tsk."I'm sorry Mark, but I gotta go" nginitian ko si Mark at lumakad na paalis, nahihiya ako na maikling oras lamang ang naibigay ko sa kaniya at hindi ko pa masyadong inintindi ang matapang na pag amin niya.
"Hi, kanina pa kita hinihintay" sinalubong ko siya ng halik sa pisngi at sabay ngiti ng matamis.
"Oh come on Hannah, you know I'm busy" Vivienne rolled her eyes and gently pushed me away.
Pinunasan niya pa gamit ang kamay niya ang pisngi niya'ng nahalikan ko. Natawa nalang ako sa reaksyon niya. Pano ba naman kase, ayaw na ayaw niyang dinidikitan siya, and she hates me being clingy lalo na pag humahalik ako.
"Yeah whatever" sambit ko at inunahan siyang maglakad patungo sa canteen.
Sa gitna ng katahimikan ng paglalakad ay bumuntong hininga si Vivienne, I can't see her face right now but I'm sure she looks frustrated.
"Nga pala Hannah, samahan mo naman ako" malambing niyang tanong sakin, kinakalabit pa niya ang likuran ko para lang makuha ang atensyon ko, pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
Maingay ang mga taong nadadaanan namin kaya nagpanggap akong hindi ko naririnig ang tawag niya.
"Hannah" lakad takbo siyang sumabay sa lakad ko para masabayan ako at mas kulitin. Ako naman 'tong hindi siya pinapansin at mas lalo pang inaasar.
"Hannah, magc-confess ako kay Brent, uh.. samahan mo naman ako"
Natigilan ako at tuluyan nang napatingin sa kaniya. Kung kanina ay pagkabilis ng paa ko sa paglalakad, ngayon parang namimilipit ito at hindi na ako makagalaw. Halata ang hiya sa mukha niya dahil sa pinakita kong gulat.