Message In a Bottle

21 3 10
                                    








"Erin?" Tawag ni ma'am mula sa harap.


Nag angat agad ako ng tingin sa guro naming nasa harapan, sinenyasan niya akong lumapit kaya naman tumayo ako sa aking upuan at pumunta sa kaniya.





"Bakit po ma'am?" Magalang kong tanong kay ma'am Crisostomo.




Bahagya siyang yumuko upang tignan ako sa taas ng makapal niyang salamin, pagkatapos ay inabot niya sakin ang puting folder na may lamang iilang bond paper. Kinuha ko iyong at tinignan, nanlaki ang mata ko nang masilip ang nasa loob.






"A-ano pong gagawin ko dito ma'am?" Wala sa sariling napatingin ako kay ma'am Crisostomo. Nag angat siya ng kilay at nameywang.





"Ihatid mo 'yan sa section Algeria, iexcuse mo si Gian at ibigay mo 'yan sa kaniya" sabi pa ni ma'am habang turo turo niya ang hawak kong folder.



Mabilis akong tumango sa sinabi ni ma'am.




"Ingatan mo 'yan Erin, importante 'yan" may diing dagdag pa ni ma'am Crisostomo.


"Sige po ma'am dadalhin ko na po 'to!" Ganado kong sabi kay ma'am Crisostomo, tinaasan niya lamang ako ng kilay.




Palabas na ako sa pintuan sa likod nang may biglang pumasok sa isip ko. Aha! Ngayon ang tamang panahon para ibigay 'yon! Tama!



Dali dali akong umatras at pumunta sa upuan ko, inipit ko ang forder sa aking braso at nag umpisa nang halungkatin ang bag ko. Nang makita na ang hinahanap ay agad ko itong kinuha at umalis na.











Habang naglalakad patungo sa section ni Gian ay hindi ko mapigilang maglakbay ang utak ko kung saan saan.





Basa ang paligid dahil kauulan lamang kanina, maputik at maraming namuong tubig sa paligid ligid.



"Bakit kaya sakin inutos ni ma'am 'to?" Pagkausap ko sa sarili habang turo turo pa ang folder na hawak.




Hindi kaya gusto na niya 'ko para sa anak niya? Napangiti ako dahil sa naisip.



Pero pwede naman niyang utusan si Zoe? Si Zoe na crush ni Gian? Tsk, otomatiko akong napapairap tuwing naaalala na ang crush kong si Gian ay may crush sa iba!





"Di bale! Gagawa ako ng paraan para mapansin ako ni Gian!" Tumatango tango pa ako habang nanliliit ang mata.




Matagal ko nang crush si Gian, noong grade six pa man kami talagang gustong gusto ko na siya! Ngayong grade 9 na'ko, wala parin akong ibang nagugustuhan kundi siya. Pakiramdam  ko nga dati nagustuhan niya rin ako, kaso may epal na dumating. Si Zoe! Nabaling tuloy sa kaniya ang atensyon ni Gian!




Napanguso ako tinuon ang atensyon sa hawak na bote. Napangiti ako nang makita ang laman noon, maliliit na stars at may glitters rin sa loob! Ang bawat stars ay may laman na sweet messages and motivational quotes. Ginawa ko 'to para kay Gian. Ang sweet ko talaga! Sana magustuhan niya 'to!





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Piece By PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon