HEARTLESS

102 3 0
                                    

By: Jonaxx

Kung si Megan, patay na patay kay Noah (sa Worthless) ganito rin ang peg ni Coreen. Bata palang siya ang crush na crush na nia si Noah, mahal pa nga eh! Kaya lang hindi siya napapansin ni Noah, ang pumapansin sa kaniya ay si Rozen, ang nakatatandang kapatid nina Noah at bestrfriend niyang si Reina.

Buwisit na buwisit si Coreen sa presensya ni Rozen, kasi malayong malayo ang ugali nito sa kinahuhumalingang si Noah.

Iniisip niyang Heartless si Noah, pero mas heartless siya dahil hindi niya manlang pinapahalagahan si Rozen, binabalewala niya pa!

===== MY THOUGHTS =====

Haaay! Sorry pero nagmumukha talagang kontrabida sa akin si Coreen dahil mas nauna kong binasa ang Worthless, mahal na mahal ko kasi ang mga character sa Worthless. Pero, maganda ang story, palagi lang kasi sila naghuhulihan ng damdamin. Ganun kasi talaga ang pag-ibig, kahit gaano mo pa katagal gusto ang isang tao, may darating na biglang magpapabago ng damdamin mo.

Must read.

-SueInLove

My Favorite Stories in WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon