HE'S INTO HER (Season 1)

108 1 1
                                    

By: maxinejiji

Ang ganda ng bungad ng 2020 sa akin! Buena mano ang He's Into Her! Actually, matagal ko na 'tong nabasa and gaya nga ng sabi ko dito sa Wattpad Faves ko, babasahin ko ulit para fresh pa sa utak ko bago mag update.

Hambog.

Mataba.

Bastos.

Pangit.

Iilan sa mga bansag kay Maxpein Zin del Valle, ang pinaka astig sa lahat ng characters na nabasa ko. Sa lahat ng bansag sa kanya ay iisa lang ang pinakaaborito ko.. Ang Taguro na bansag sa kanya ni Deib Lohr na si Sensui. TagSen tandem..

Sa mga hindi pa nakakabasa neto for sure maguguluhan kayo at maku-curius kayo sa pagkatao ni Max. Napakamisteryoso. Napakahiwaga. Pero ito lang masasabi ko.. the best tong istorya na ito.

Honestly, matagal ko na 'tong nabasa..pero hindi ko inaasahang sa pangalawang pagbasa ko ay mas naunawaan ko na ang istorya. Medyo mahaba kasi ang kwento at kapag nagbabasa ako noon ay nasa trabaho kaya siguro hindi ko naintindihan gaano or let's just say.. Hindi ko gaano inintindi. Kasi, bata pa ako noon at ang mga gusto ko pang istorya ay mga kilig kilig..but now masasabi kong isa talaga to sa pinakadabest, napakalupet ni maxinejiji na author, the Hambogest! Naiinis ako sa sarili ko bakit ngayon ko lang inulit to basahin. Siguro kasi dahil ipapalabas siya sa iWant..

Si Max at Naih, nakakabilib ang pagkakaibigan nila, napakaroller coaster ng buhay nila grabe. May matututunan din kayo sa kwentong ito, lalo na sa mga bully diyan. Hindi lang ito tungkol sa pag-ibig, aksyon at heartbreaks! Napakalalim ng istorya na ito, kasing lalim ni Maxpein. Oh, sya kung hindi mo pa nababasa, basahin mo na. For sure, magugustuhan mo ito lalo na kung mahilig ka sa mga mysterious type na mga istorya. Action Romance, da best! Mahihilig nanaman ako magbasa ng wattpad neto..

P.S : totoo ang sabi ni Author. NAKAKAADIK ang istorya.

Bye na, babasahin ko pa ang season 2. Hehe!

My Favorite Stories in WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon