Safe Skies, Archer

142 2 0
                                    

By: 4reuminct

Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in Florida. However, he agreed to have a no strings attached relationship with Yanna from FEU Tourism, the woman who cannot be tamed with her sexcapades.

**

This is super duper mega recommended!! Haha.

(Story time lang saglit)
First time kong magbasa ng story ni 4reuminct. Una ko siyang nakita sa twitter. Nagpost siya ng tiktok video niya tungkol sa pagpaparty ng mga girls from a story. Slightly, inistalk ko siya at nakita kong may mga twitserye siya, pero hindi na 'ko nagbasa. Nacurious lang ganern.

Then, nagbasa basa ako ng mga post sa wattpadislove group sa facebook dahil alam niyo na, quarantine.. gusto ko magbasa ng story since wala pang update si Ate Max ng Love Without Limits at may nakita akong nagpost, hindi ko na maalala kung sino, her 2 queens daw which is si Queen Jonaxx (na isa sa mga tinitingala kong author) at 'yung isa nga ay si 4reuminct. Naalala ko siya dun sa tiktok video. So sinearch ko kaagad siya sa wattpad. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng story niya, etong Safe Skies, Archer ang una kong binasa.. may kung ano sa damdamin 'ko na eto muna, kasi siguro may nabasa ako sa mga comments sa post nung girl na marami daw naiinis kay Yanna, dahil sa bargas daw at sobrang wild. Ayun, nacurious ulit ako.

At heto ngayon, nagtatype ako ng nakangiti matapos kong mabasa ang story. Imagine? Kagabi ko lang siya sinimulan at natapos ko na kaagad ngayon. Ganoon siya kaaddictive.. Feeling ko wala akong dull moments habang nagbabasa. As in nanunuot lahat, kaabang abang. Ultimo niluluto kong fried chicken nasunog dahil nagbabasa pa rin ako habang nagpiprito. Grabe noh?!

***

I really love the story kasi may aral siya, to pursue your dreams. Lalo tuloy ako ginanahan na maging mas productive when it comes to my goals.

But, wait... R18 po ito. Medyo wild nga! Read at your own risk. Okay?!

Mother Packer, tumaas nanaman ang standards ko dahil kay Hiro, napakasuccessful, pilot-engineer tapos grabe kung mag-alaga, ang gwapo, mahal na mahal pa si Yanna. Hay, wattpad. Sana pwedeng pumasok sa wattpad world noh?!

Nagkaroon ng deal si Yanna at Hiro ng deal, to be a fubu or fuck buddy after they make out. No strings attached, ayaw ni Yanna ng boyfriend. Madalas silang magkita para.. alam niyo na mags3x. Habang tumatagal mas nakikilala nila ang isa't isa. Hanggang sa maramdaman na ni Yanna na talo siya.

Yanna is very unselfish when it comes to love, nang malaman niya na buntis siya mas pinili niyang magsinungaling kay Hiro dahil iniisip niya ang pangarap nito.

Hiro on the other side wants to stay, mahal niya si Yanna. Mahal na mahal, he even wants to be a father of her child nung sinabi nitong hindi siya ang ama pero tinutulak lang siya ni Yanna palayo hanggang sa makaalis siya at bumalik para makita ito ay hindi na niya ito matagpuan.



Is it sad ending?
Is it tragic ending?
Find out.. Hindi ka naman magsisisi promise!

Safe Skies, Archer.

(May nadagdag nanaman akong asawa. Lintek.)

My Favorite Stories in WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon