Chapter 1:

6K 122 17
                                    

"Levi Devine Zandria, yung VIP patient i-check mo!" Utos sa akin ng senior nurse.

I secretly rolled my eyes in annoyance. Pag ako talaga napuno rito, ingungudngod ko sa sahig mukha nito. Kaaga-aga ang sungit sungit.

"Ano?! Di ka pa kikilos?!" Sigaw niyang muli.

I smiled sweetly at her and bowed a little.

"Opo, Nurse Jean." Bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko ay umalis na ako sa harap niya at tinungo ang VIP room.

Balita ko ay nabaril daw ang pasyente rito.

Actually, I'm an intern to this hospital. Isa ang Rockford Hospital sa tanyag na ospital rito sa Pilipinas. Ngunit netong nakaraang araw ay nagtataka ako dahil hindi may sakit na pasyente ang dinadala rito. Kadalasan ay nabaril, nasaksak, mga ganung case.

I just found this hospital really weird. But then, pak na pak ang sahod rito. Maraming benefits ang hospital na ito, malaki ang sahod kaya't marami ang gustong magtrabaho dito.

Kaya nung tinawagan ako na natanggap ako rito bilang intern ay feeling ko pwede na akong mamatay. Pero syempre joke lang. Gusto ko pa makahanap ng gwapong asawa no.

Actually, hindi naman ako ang assigned nurse para rito, hindi ko alam kung anong nangyari pero nag-resign ang nurse na naka-assign dito kagabi. Told ya, weird.

Kumatok ako sa pintuan ng VIP room pero hindi ito bumukas. Nagdecide na lamang ako na pumasok dahil baka natutulog pa siya.

But to my surprise, walang pasyente rito.

Damn! Nasaan iyon?! Natakasan ba kami?

Hinanap ko siya sa ilalim ng kama, sa likod ng sofa, sa ilalim ng table. Kasi malay mo diba, nakikipag-hide and seek siya. Pero wala.

"What is it?" Napatigil ako sa paghahanap ng makarinig ng isang malamig na boses. I gulped when I saw her face. She looks really cold and intimidating.

"Nako ma'am ayos na po ba kayo? Aalis na po ba kayo? Hindi pa magaling ang sugat ninyo." Sabi ko sa kanya habang pilit na pinapatatag ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakakatakot talaga ang aura niya.

"No one can stop me." She coldly said. Naglakad siya papunta sa lamesa at kinuha ang phone niya.

Ilang saglit siyang natigil bago naglakad at lumapit sa akin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa klase ng presensya na binibigay niya.

Bigla niyang nilahad ang kamay niya sa harap ko. Napakunot ang noo ko dahil doon.

"Can I borrow a money?" Literal na napanganga ako sa narinig ko. Wala sa sariling nilabas ko ang wallet ko at binigay ang kahuli-hulihang 500 pesos sa wallet ko. Agad naman siyang umalis pagkatapos nun.

Tila nakahinga ako ng maluwag ng umalis na siya ng kwarto. Pero natauhan ako ng marealize na binigay ko yung 500 ko.

My last piece of fucking money!

"Bwiseeeet!" Inis na sigaw ko dahil wala na akong pera. That was supposed to be my budget for the whole week!

Bwisit talaga yang Nurse Jean na yan! Kung hindi dahil sa kanya ay may pera pa sana ako.

Inis akong lumabas sa kwarto. Habang naglalakad sa hallway ay naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ng hindi matukoy na nilalang. Pero yung pabango niya, kilalang kilala ko.

"Bad mood?" Tanong niya habang sabay kaming naglalakad pabalik sa nurse station.

Inis akong humarap sa kanya at nagcross arms.

The Broken Mafia Boss (Mafia Series:Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon