Chapter 2
" Hai Maria" sabi ng isang lalaki. Tumingin ako sa kanya biglang tatawa.
Nagpatuloy lang ako maglakad dito sa mall. Ako lang mag-isa, si Annie may kadate daw kaya di ako sinamahan. Sige siya na may kadate, ako lonely girl ako.
" Hai Maria Leonora hahaha" sabay sabay bigkas nung mga nakasalubong kong apat na babae. Tatawa tawa sila.
" Bakit?" tanong ko sa mga babae.
" Ah wala, sige. Bye Maria" sagot nung isa.
Anu bang meron at andame nakakikilala sa akin dito sa mall.
" Ate Maria" tawag sakin nung bata.
Nginitian ko lang yung bata. Sikat na sikat ata ako dito. Artista na ako, whahaha.
Ganda ko talaga.
Pumunta ako sa stall ng **** pra bumili ng pabango ni papa. Nagtingin tingin ako na maganda ang amoy at magugustuhan ni papa.
Hmm sobrang tapang naman nito. Ang sakit sa ilong. Sabi ko sa isip ko.
*PAK*
O______O
" Maninira ka pa ng gamit." rinig kong sabi ng customer.
Nalaglag kasi yung tester nung ibalik sa kinalalagyan. Di ko naman sinasadya. Maka anu naman tong isang customer. Panu ba toh.
Pinulot ko yung tester na nalaglag. Natapon yung laman tsaka basag yung takip.
" Ate sorry po." yun na lang nasabi ko sa sales lady.
" Ma'am babayaran niyo po yan."
O____O
eh?
" Tester lang naman to."
" Hindi nyo po yan babayaran kung hindi nabasag yung tester. Eh basag po siya kaya kailangan nyo bayaran."
" Magkano po ba?"
" Two hundred pesos po maam"
Ang mahal naman, anu yun babayaran ko yung walang laman na tester.
" Tester lang naman yan. Yung lalagyan na lang bayaran ko."
" Di po pwde. Kami kasi magbabayad nyan. Pinupull out kasi namin. Ganito po, kukuha ako ng bagong pabago tska isasalin ko sa nasirang lalagyan. Babawasan ko din yun sa dami ng natapon. Bali sa inyo yang sirang lalagyan, sa amin yung bago. " paliwanag nung saleslady.
Naku naman, panu ba yan. One fifty lang ang pera ko. Kasi naman Annie, i need your help.
Inamoy ko yung pabango, hmmmx ang baho tsaka ang tapang. Babayaran ko to? Eh ang pangit pangit.
" Ate one hundred fifty lang pera ko eh."
" Maam kelangan nyo po yan bayaran. "
TT___TT
Naiiyak na ako, pero di pwede. Anu gagawin ko? Sana panaginip lang to. Kung bat pa kasi ako pumunta dito, inubos ko pa kasi yung pera. Naku dapat kasi hindi nakipagdate si Annie.
Inikot ko ang mata ko sa loob ng mall, naghahanap ng makatutulong sa akin pero wala ako nakita. Yung iba tinitignan ako. Nakita nila yung nangyari. Nakayuko nalang ako tinititigan ang tester na hawak ko.
" Bayad po."
Buti pa tong katabi ko may pambayad. Pautautang naman oh. Please.
" Sir, san po? Anung product?"
May kumuha sa hawak kong tester. Naawa siguro yung saleslady.
" Ito oh" sabi nung katabi ko na nagbabayad.
Bayaran ko nalang kaya mamaya. Iiwan ko na lang tong cellphone ko. Mahal din to no. Nice idea Mia.
" Ate bayaran ko mamaya, iiwan ko tong cellphone ko sayo. Promise babalikan ko. "
" Maam no need na po."
^___^
Wow naawa siya siguro sa akin.
" Ah talaga, thank yo--" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi pinutol agad ni ate.
" Si Sir na ang nagbayad"
O____O
"S-sino?"
Tinuro niya yung katabi ko.
O___O
Pagtingin ko sa taong katabi ko ay laking gulat ko. Bakit siya nandito, nakita niya yung kahihiyan ko?, bakit siya ang nagbayad? Baaaakiiiit?
Ikaw na talaga savior ko Luke.
" Sir sukli niyo po." inabot nung saleslady yung pera kay luke, pati na din yung pabango. " Thank you sir ^__^" sobra naman ngayon makangiti tong babae. Nainlove ata kay Luke. No way, akin siya.
" Eto" inabot ni Luke yung pabango sa akin.
" A-Anu y-yan?"
" Anu sa palagay mo?"
" Pabango" sagot ko sa kanya.
" Alam mo pala." ang sungit naman. Kahit ganyan ka kasungit, ayos lang. Crush pa rin kita.
" Ou alam ko, di naman ako bulag para di ko alam yan. Ang gusto ko malaman, bakit mo binibigay sa akin? Eh diba ikaw na bumili niyan. Dapat sayo na yan. "
" Tss. Binili ko para sayo"
^ ___________ ^
Para saken? Ang sweet mo naman Luke. I love you na talaga. Ngayon, alam ko na. Na may lihim kang pagtingin sa akin. Konting effort lang papasa ka na sa puso ko este matagal ka ng pasado.
" Wow, para sa---"
" Para ka kasing kawawang kuting dyan na halos maiyak na."
Kuting?
Ako?
Ganun ba talaga ako kanina? Nakakahiya kay Luke, nakita pa niya kamalasan na nangyari sakin. Pero, atlis tinulungan niya ako, tinulungan niya ko sa kahihiyan ko.
" Kunin mo na tong pabango" kinuha ko na yung hawak niyang pabango. Remembrance ko sa kanya.
" Salamat talaga. Don't worry, babayaran kita. Tama! Magpauna na lang ako ng 100 para 100 na lang utang ko sayo. "
" Wag na lang. "
Naglakad na siya papalayo sa akin. Masungit pero mabait, yan ang nakita ko sa kanya ngaun. Huminto sya sa paglalakad at humarap muli sa akin.
" Maria!!" sigaw niya sa pangalan ko.
Ano?? Kilala niya ako? Alam niya pangalan ko? Baka naman matagal na niya akong kilala o baka stalker ko siya. Sinundan niya ako dito tska nakita niyang nasa trouble ako kaya tinulungan niya ako.
" Maria Leonora "
sigaw ulit niya.
" Ah? Wag ka naman sumigaw. Nakakahiya. Mia na lang tawag mo. Tsaka bat mo alam pangalan ko." ipagsigawan ba naman pangalan ko.
Lumapit siya sa akin na sobrang close namin. Mag gugoodbye kiss sya saken. Oh my, di ako prepared.
" Maria Leonora, ang gandang pangalan. Di ka talaga mawawala dito sa mall. Kilala ka ng lahat. Ganda kasi ng nametag mo."
Nakanametag ako??
BINABASA MO ANG
Assumera (Crush Kita Eh!)
Teen FictionSi Mia ay crush na crush si Luke. Everytime na nakikita niya ito ay natutulala siya. One time, sa di inaasahang pangyayari ay nagtagpo sila. What if yung crush na crush mo ay manligaw sa yo, ganun pa rin ba yung feeling nung dating crush mo siya o n...