Chapter 3
Tuluyan ng umalis si Luke. Naiwan ako dun na sobrang napahiya. Kaya pala kanina ang daming tumatawag sa akin. Nakanametag pala ako. Nakalimutan ko kasing tanggalin. Fourth year na kami, pinapagamit pa kami nito. Anu kami kinder?. Di nga talaga ako mawawala dito. Kilala na ako sa kahihiyan.
Naglalakad na ako palabas ng mall. Nilagay ko sa bag ung pabango pati nametag ko.
" Mia!"
" Ay tae"
" Anung tae ka dyan."
" Bakit ka ba kasi nanggugulat. Sumusulpot ka bigla. "
" Yan ang gusto ko sayo. Lagi kang nagugulat. Magugulatin. Hahaha."
" Sige Carl, tumawa ka dyan. Badtrip ako, wala ako sa mood. "
" Weh? Di nga? Halika nga."
Hinawakan niya kamay ko. Kinaladkad niya ako. San kami pupunta nitong Carl na to.
" Uy, san mo ko dadalhin? Ikaw ha, kidnapper kana ngayon. "
pok!
" Aray!tama bang batukan ako. Carl bad ka."
" Ang ingay mo, baka akalain nga akong kidnapper dito. Kakain lang tayo, gutom na ako."
" Yan ang gusto ko sayo. Nalilibre ako palagi."
Pumasok kami sa loob ng Mcdo. Favorite talaga ni Carl dito, para syang bata. Umorder na kami ng kakainin namin. Parang may nag-iba sa kanya. One month ko siyang di nakita pero parang wala lang. Parang walang nangyari.
" Kamusta kana?" tanong ko sa kanya.
" Ayos na ayos."
" Ikaw ha, bigla bigla ka na lang susulpot. Matapos mong di magpakita sa akin ng isang buwan at wala man lang txt."
" Ikaw naman. Namiss mo ako noh. "
" Aray" kinurot kasi niya ilong ko. Masakit ah.
" Hindi ah. bat naman kita mamimiss.?"
" Kasi. Kasi. Kasi."
" Kasi?"
" Kasi bestfriend mo ko. Kasi wala nanglilibre sayo. Walamg nangungulit, nang-aasar at nambabatok sayo. "
" Ou nga. Miss na miss kita tropa." kinurot ko naman pisngi niya. Ang kyut niya hehe.
" Buti nakita mo ko dito sa mall. "
" Di ko nga ineexpect na makikita kita dito. Dapat nga bukas pa ko magpapakita sayo. Eh nakita kita ngayon. Miss na miss na rin kita eh."
" Ang sweet mu naman."
" Baka mainlove kana sakin nyan."
" Inlove inlove ka dyan."
Hinatid ako pauwi ni Carl. Sayang bitin ang ginawa naming pamamasyal kanina. Halos siya lang naman kasi nagshopping. Eh ako? Walang pera, gipit ako, poor na poor.
"WHAAAAAAATTT"
"Ssshhhh. . .Wag kang maxadong maingay dyan, baka may makarinig." sobra makareact si Annie. Marami pa namang estudyante sa loob ng canteen, lunch break kasi namin. Nakwento ko na rin kasi sa kanya nangyari kahihiyan ko kahapon pero at the same time nakascore kay Luke.
" Ay teh, ang haba ng hair mo. Imagine, si Luke yun, ang valedictorian, hot, president at heartthrob ng school. Tinulungan ka at binayaran pa ung nabasag mo. Buti na lang talaga nakabasag ka ng pabango."
" Tama ka dyan, pero kailangan ko pa talagang ipagpasalamat ang kalikutan ko kasi natulungan ako ni Luke. Dapat kasi hindi sa ganung sitwasyon yung unang pag-uusap namin. "
BINABASA MO ANG
Assumera (Crush Kita Eh!)
Teen FictionSi Mia ay crush na crush si Luke. Everytime na nakikita niya ito ay natutulala siya. One time, sa di inaasahang pangyayari ay nagtagpo sila. What if yung crush na crush mo ay manligaw sa yo, ganun pa rin ba yung feeling nung dating crush mo siya o n...