Chapter 4 - Lean

225 8 0
                                    

4#

Hindi mapakali si Elle dahil pakiramdam niya unti-unting nagiging maliit ang mundong ginagalawan nila ni Zen lalo na ngayong kaibigan ito Ken.

Una sa Sagada at kanina naman sa coffee shop na madalas niyang tambayan kaya instead of staying at the shop with Eugene napilitan silang umalis agad.

Nagtaka pa ang bading sa kinilos ko. Yes tama, si Eugene ay isang beke. Kaibigan siya ni Ali ngunit dahil sa madalas ito sa kanila naging malapit rin sila. Kararating lang nito galing London, si Ali ang nagbigay sa kanya ng number nito. He envited me and Ali for an exhibit this Sat.

Alam niyang hindi pa iyong kanina ang huli nilang pagkikita ni Zen. She will tried to be civil to him dahil baka isipin niyang bitter ako. Pumikit ako kasabay ng daloy ng alaala.

Five years ago

Pagudpud, abala ako sa pangunguha ng larawan sa mga ibon na nasa baybayin ngayon. Hinihintay ko rin ang sunset ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin.

Lumingon ako at nagsalubong ang mata namin ng lalaking may matang sing itim ng gabi na kung tumitig ay parang tumatagos sa kaluluwa. Hindi ko siya kilala, isa siyang estranghero. dito ako lumaki kaya kilala kung ang mga tao dito.

He was the most handsome man my eyes had ever laid. Sa tingin ko nasa 22 o 23 ang edad nito. Mukha itong mayaman, naisip ko na baka isa itong bakasyunista. Agad akong umiwas ng tingin at naglakad ng mabilis ngunit hinabol niya ako.

" Hi, please don't be afraid. I wont bite"

he smiled at me.

" Gusto ko lang magpakilala. I'm Lean."

nang aarok ang tingin nito.

" Elizabeth. Uuwi na ako" . Tumalikod na ako at nagmamadaling lumakad. Narinig ko ang sigaw niya.

" Nice meeting you Elizabeth!." Napangiti ako sa sinabi ni Lean. Hindi ko mawari kung bakit abnormal ang tibok ng puso ko hanggat sa pagtulog ko hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

Kinabukasan bumalik ako sa baybayin at hindi ako nabigo dahil muli kung nakita si Lean doon.

Hanggang sa naging kami sa napakaikling panahon. Nagmahal ako kaya di ko alintana kung isa siyang estranghero. Hindi ako nagtanong sa kanya, sa buhay na meron siya.

Hanggang sa dumating ang araw na kinakatakutan ko, ang pag-alis nito. Nangako siyang babalik ngunit wala Lean na dumating sa loob ng dalawang summer.

Naramdaman ni Elle ang masaganang luha na bumubuhos sa mga mata niya na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Solitudine ( Zen and Elle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon