11:11pm
Rico: May nangyari ba sa'yo ngayong araw?
11:15pm
Jhing: Wala.
Rico: Aw bakit!
11:16pm
Jhing: Bakit din?
Rico: Wala lang.
Rico is typing. . .
11:20pm
Rico: Alam mo ba namomroblema ako.
Jhing: Bakit?
Rico: Gwapo ba ako?
Jhing: Itulog mo na yan.
11:23pm
Rico: Seryoso :(
Jhing: I don't know what you look like.
11:25pm
Rico: (See attached file)
Jhing: ...
Rico: Ano na?
11:28pm
Jhing: Ginagago mo ba ako?
Rico: Censored masyadong gwapo :(
11:29pm
Jhing: Bakit ba pinapakain mo yang ego mong puputok na sa sobrang laki?
Rico: Kasi kanina, pagpasok ko sa shop namin yung babaeng laging pumupunta sa shop andun nakaupo tapos sabi hinihintay daw ako.
Rico: Babae. Chicks! Maputi tapos lagi siyang nakashorts pag nagpupunta ng shop tapos. .
11:30pm
Jhing: Tapos?
Rico: Tapos inaya niya ako mag coffee. Ayaw ko sana kasi busy pa kami pero sabi ng kaibigan ko okay lang daw ng ilang minutes. Matagal daw kasing naghintay.
Rico: Tapos nung nasa coffee shop na kami, nilibre niya ako.
Rico: Tapos nung umiinom na kami ng kape nagulat ako hinawakan niya kamay ko tapos ngumiti siya
Rico: Tapos alam mo sabi niya?
11:31pm
Jhing: sex tayo
11:32pm
Rico: ?!?!? O________O
Rico: Jhing ano ba nagkukwento ako!!!
Rico: Hindi ba makakapag hintay yan?!
Jhing: Gagi!
Jhing: I mean that's what she said to you!
11:33pm
Rico: GRABE KA O_O
Rico: O_O
Rico: GRABE O_O
11:34pm
Jhing: Leche ka ituloy mo na lang kwento mo!
Rico: Hahahahaha :)))
Rico: Hindi wala!
11:35pm
Rico: May gusto ka atang gawin eh
Jhing: Stop it Jesus Crux. Ano na sunod?
11:36pm
Rico: Hahaha okay :))))
Rico: Sabi niya "hindi ba wala kang girlfriend? Pwede bang tayo na lang?"
Jhing: Ah.
Jhing is typing. . .
Rico: Tapos napangiti ako. Sabi ko "Oo nga eh"
Seen 11:37pm
Rico: Kinabahan na ako nung humigpit hawak niya sa kamay ko.
Jhing: Alis na ako. Bye.
Rico: Teka!
Seen 11:38pm
Rico: Di pa tapos kwento ko :(
11:39pm
Rico: Jhing?
Rico: Tuloy ko na lang kwento mababasa mo rin naman mamaya :DDDD
Rico: Para akong narape sa hawak niya sa kamay ko tapos sa titig niya para akong hinihuburan. Pero dahil consevative ako inalis ko hawak niya sa akin.
Rico: Ngumiti ako sa kanya at alam mo sinabi ko?
11:40pm
Rico: Syempre di mo alam kasi iniwan mo ako TT___TT
Rico is typing. . .
11:54pm
Rico: "Pasensya na pero may mahal na ako eh."
Rico is typing. . .
12:02am
Rico: .. -.- .- .-- / -.-- ..- -.
Rico: The end.
--
Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.
BINABASA MO ANG
23:11
HumorA writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.