Chapter 3

10.1K 354 19
                                    

Chapter 3 : A Bad News

NANG makalabas kami sa Guidance Office ay akay-akay ko pa si James.

Nakita ko si Flame sa gilid habang naninigarilyo.

Tch. Kabata-bata nag-susunog agad ng baga.

Nang makita kong tumingin sya sa akin ay inirapan nya ako.

Nakita ko pang lumapit sya sa'kin.

"Humanda ka you stupid nerd. Mali ang kinalaban mo." Sabi pa nya.

Tch. Ginaya-gaya ko pa yung sinabi nya.

"Masakit pa din ba?" Tanong ko sa kasama ko ngayon.

"It's just okay Nat. Okay nang ako mabugbog kesa sayo." Sabi pa nya.

Napangiti ako 'di dahil sa kilig kundi dahil sa katapangan ng bestfriend ko.

"Tara daan muna tayo sa clinic lilinisin ko na ng maigi 'yung sugat mo." Sabi ko at inakay ko sya papuntang clinic.

Kita ko pang pinagtitinginan kami ng mga estudyante pero hindi ko na sila inintindi. Mas importante ang bestfriend ko kesa sa mga mapang-husgang mga mata nila.

Simula kasi nang lapitan ako ni James at makipag-kaibigan, lumapit na din sa'kin ang mga tsimis na kesyo nilalandi ko daw si James, kesyo bading daw ako. Pero I didn't mind. Hindi naman sila Santo para sabihan ako ng ganyan.

Akay-akay ko si James hanggang sa mapunta kami sa clinic.

Chineck ko pa ang oras sa relo nya at nakita kong 10:15 a.m. We missed our third subject.

Tinignan ko si James ngayon at ipinasok ko sya sa clinic.

Nakita ko si Nurse Nikka.

"What happen to Mr. Montefalco?" Tanong nya.

I sighed. "Binugbog po ni Flame." Sabi ko.

Huminga sya ng malalim. "Yang batang 'yan talaga. Haysss. Sit down here and I'm gonna call Mr. Montefalco---"

"Please don't call my Dad. Ayokong mag-alala sya." Sabi naman ni James.

Tumango nalang ang Nurse. "Ok ok James. Kukuha lang ako ng bulak ang betadine." Sabi pa ni Nurse at pumasok muna sa isang pinto.

I glanced James' face at nakita kong nakatitig sya sa akin.

"Ano?" Tanong ko.

He smiled and shook his head. "Wala, ang cute mo lang."

Inirapan ko nalang sya. "Gusto mong madagdagan pa 'yang mga sugat mo?!" Inis kong sabi.

"Hindi po..." and he tried to hug me pero tinutulak ko sya.

Ayan nanaman ang clingy part nya...

"Ano ba!?" Inis kong sabi at saktong nakayakap sa akin si James nang bumukas ang pinto ng Clinic.

It was Flame.

Nang makita nya kami ay nagdikit ang mga kilay nya.

"Pshhh gays." Sabi nya at nagtuloy-tuloy sa loob.

Kanina pa ako nangigigil dito eh kaya hinila ko ang braso nya.

"ANO BANG PROBLEMA MONG LALAKI KA HAH?! HINDI NAMAN KITA INAANO AND YET SINASAKTAN MO KAMI! YOU'RE SO IMMATURE." Gigil kong sabi sa kanya pero naka-poker face lang sya.

"Are you done? If you are, then let me go." Sabi nya at doon ko lang napansin na kanina ko pa hawak ang matigas na braso nya.

Agad ko namang binitawan ang braso sya at inis akong lumapit sa pwesto ni James at saktong lumabas na sa kwarto si Nurse Nikka.

Babysitting the CEO's Son [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon