Chapter 15

7.5K 309 11
                                    

Chapter 15 - Nagseselos?

NAKATULALA ako ngayon at hindi ko maibigay ang atensyon ko sa Professor na nag-sasalita sa harap dahil iniisip ko pa din ang pag-alis ng nag-iisang bestfriend ko.

Huminga ako ng malalim.

"Hey!" Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg at tenga ko kaya napakislot ako.

Napatingin ako sa kanya at nag-dikit ang kilay ko. "Ano?!" Inis kong sabi.

Nagdikit din ang kilay nya. "Why are you acting like that? Para kang babaeng may period." Sabi nya.

I rolled my eyes. "Wala kang pake." Sabi ko.

He sighed. "Paalala ko lang sa'yo, you're still my babysitter at kailangan mo pa rin akong pag-silbihan." Sabi nya.

Huminga ako ng malalim. "Ohh sige." Sabi ko.

"5:00 pm sharp pumunta ka sa gymnasium. I need you." Sabi nya at walang paalam na lumabas kahit nag-didiscuss pa ang professor namin sa harap.

Wala na itong nagawa kaya itinuloy nya nalang ang pag-didiscuss sa harap.

Napasabunot ako sa buhok ko. Paano ko ba mapapa-amo ang isang Flame Montecillo? Help me.

-

NANDITO ako ngayon sa harap ng dalawang nag-lalampungan na si Flame at ang bago nanaman nyang kalandian. Kitang-kita ko pang pinipisil ni Flame ang dibdib ng babaeng ka-akbay nya.

Get a room.

I just sighed and I rolled my eyes.

"Sandale, mag C-CR lang ako." Sabi ko pero mukhang hindi nila ako narinig dahil busy sila sa pag-lalandian nilang dalawa.

Mabaog sana kayong dalawa.

Agad akong tumayo at pumunta ng CR.

Nakita ko si David Licauco na nag-hihintay sa labas ng CR.

"Ohh hey." Sabi nya at nagulat ako ng naka-tingin sya sa'kin.

Itinuro ko ang sarili ko. "Ako?" Tanong ko pero deep inside nag-tatatalon ang puso ko sa tuwa.

Shet! Pinansin nya ako!

"Uhmmm alam kong feeling close ako pero can I invite you to the gymnasium? I need something to you eh." Nahihiyang sabi nya habang hawak nya ang batok nya.

Shet ang hot nya!

Ngumiti ako. "S-sige." Nauutal kong sabi.

"Uhmmm..." Napahawak siya sa kaniyang batok, and it's sooo gwapo! "Gusto ko sanang abangan mo 'ko after the match. I need someone to hand me water at taga-punas. That's why I need you, kung okay lang naman?" Nahihiya niyang sabi.

Ngumiti ako. "Okay lang. Katapos ng klase didiretso agad ako sa gymnasium." Naka-ngiti kong sabi.

He smiled. "Ok, Great! Aasahan ko 'yan." Sabi nya at umalis agad.

Sinundan ko nalang sya ng tingin habang naglalakad palayo.

I just smiled at pumasok sa loob ng banyo para mag-bawas.

-

*Kring!*

Pagkatapos ng klase ay nakita kong bakante ang pwesto ni Flame, meaning na nasa gymnasium na sya.

"Pupunta kaba ng Gym, Nathan?" Tanong ni Melvin.

Tumango ako. "Oo pinapapunta ako eh." Simpleng sabi ko habang nag-aayos ng gamit.

Babysitting the CEO's Son [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon