Chapter 3

155 11 0
                                    

At Caloy's residence

Naunang dumating si Caloy sa condo nya pero di pa katagalan ay dumating na din agad ang mga tinawagan nito kanina.

"Ano ba meron Caloy?" pag tatanong ni Alexander

Siya nga pala si Alexander Valdez IV. Siya na ang naging kuya kuyahan ni Caloy. Matagal na silang mag kaibigan kasama sina Greg Ho, Macsen Arthur Robert Buitre or mar, Janko Uberto Sebastian Dorog or jus for short at Barclay Emmanuel Isidor De Leon or bei. At dahil nga sa mag kakapatid na ang turingan ng mga ito ay lahat sila ay sumugod sa bahay ni Caloy

"Kuya, dad wants me to bring my girlfriend sa bahay sa weekend"

"Then bring her" casual na sagot nito

"Are you kidding me Kuya? Saan ako kukuha nang dadalhin? Sige nga"

"Ehh alam mo naman pala na wala kang maihaharap ehh, bakit mo ba kasi sinabi na meron kung wala naman?" pag tatanong naman dito ni Greg

"Kuya Greg he already picked a girl for me dahil nga daw wala pa akong girlfriend up until now. Noong pinapunta nya ako sa bahay that day he told me na I was up for an engagement to the girl that he personally picked for me. Ayoko namang matali sa hindi ko mahal"

"So?"

"So I told him na meron na akong girlfriend just to stop that engagement thing"

"Ehh kung ganon, anong plano mo ngayon pre?" pag tatanong dito ni Macsen na galing kusina at may dalang dalawang bag ng chips "bunso ohh" ibinato naman nito kay Barclay yung isang bag ng chips na dala nya

"Thanks Kuya" pag sagot nito at sinambot ang chips na inihagis sa kanya habang patuloy lang sa pag kakalikot ng mga car magazines na nahagip nito kanina sa may kusina

"Ewan ko din, kaya ko nga kayo pinapunta dito ehh"

"So we will be your fairy godmothers pala?" pag baling naman dito ni Greg na kabubukas lang ng isang beer

"Depende kung makahanap kayo ng pwedeng maging prinsesa ko---... napahinto ito sa dapat na sasabihin"

"Wait lang, at saan nyo naman pinag kukuha yang mga kinakain nyo?" tanong naman nito nang mapansin na sya nalang pala ang walang kinakain

"Sa kusina mo" casual na sagot nilang lahat

"Wait, papaano? Eh hindi naman kayo natayo ahh and chips lang naman yung kinuha ni mar" takang tanong nito

"Pag dating namin bago naman kami tumuloy sa living room ehh kumuha muna kami ng mga makakakain sa kusina kasi alam naming aabutin tayo ng gutom sa pag didiskusyon ng kung ano man yang pinoproblena mo" mahabang sabi ni jus at muling sumubo ng chips

"Then saka kami nag punta sa sala sakto naman na pag kaupo namin ehh syang pag labas mo galing kwarto" dagdag na sagot ni mar

"So ubos nanaman yung grinocery ko"

"Hayaan mo na ihahanap ka naman namin ng pwede mong ipakilala sa dad mo ehh" lumipat naman si jus sa tabi nito at umakbay sa kanya

"But hindi naman ganon kadali yun ehh" sagot ni Caloy

"Magaling si dad kumilatis ng tao, I'm sure mahahalata nya agad na hindi pa kami ganon mag kakilala noong babae and na nag papanggap lang kami" pag papatuloy nito

"Then make it true, wag kayong mag panggap, totohanin nyo?" sabi ni greg habang humihingi ng chips kay bei "Bei paabot naman nyan"

"Here kuya" pag aabot naman nito

"How am I going to do that, first of all ni wala pa nga tayong sure candidate na pwede sa position as jowa ko, second, kuya the dinner will be held this weekend and halos patapos na yung week, how can I even fall for someone and become head over heels to her in just two days?"

"Malay mo naman Kuya" sagot dito ni bei matapos basahin yung mga car magazines

"Ohh come on" di makapaniwalang sagot nito at tumingin sa mga kaibigan nya

"Ehh di mag hanap tayo ng papasa dyan sa checklist mo, we need to find a girl muna before anything else kasi papaano natin maieexecute to without the girl diba" si Alexander naman ngayon ang nag bigay ng maaring gawin nila

"Well yeah, ehh pero sa---..." di na natapos ni Caloy ang sasabihin nang biglang nag ring ang telepono ni Greg. Agad naman nitong sinagot ito. Di na sya lumayo at doon na nakipag usap sa harap ng mga kaibigan nya kaya natahimik ang mga ito habang kausap ni Greg ang nasa kabilang linya

On the phone

"Hello?"

"Hello hon, asan ka ngayon?"

"I'm with the boys hon"

"Really?, that's great. Asan kayo to be exact?"

"Yes po, na sa bahay kami ni Caloy"

"Ahh ganon ba, we would like to invite you for dinner and we won't accept no as an answer"

"Uhmm sige sasabihan ko sila"

"Yan good hahahaha, I'll send you the address. Sabihin mo sa kanila ayaw namin ng late"

"I will hon, sige dun na lang tayo mag kita"

"Sige. Ingat kayo. Love you"

"Sige Love you"

At ibinaba na nito ang tawag

"Ano daw yun?" pag tatanong ni Alexander dito

"They are inviting us for dinner"

"Ay cool, tara baka libre nila" singit naman ni Macsen

"You wish, kami din naman mag babayad mamaya" sagot naman dito ni Greg at Alexander

"Hahahahaha jowa pa hahahaha" pang aasar naman nito

"Advantage din pala natin na nasa isang circle of friends lang tayo and yung mga jowa nyo, laging libre" pag papatuloy ni Macsen

"Kung hindi dahil sa kanila hindi ka makakatikim ng libre sa akin" asar na sagot dito ni Greg

"Well then thanks to ate fille hahahahah and to ate den ofcourse hahahah"

"Ewan ko sayo" pikon na sagot muli nito

"Tara na bago pa kayo mag suntukan dyan" pag yaya naman ni Janko sa mga kaibigan

Nag sintayuan naman na ang mga ito at isa isa nang lumabas. Naglakad na sila papunta sa parking. Napag desisyunan nila na mag tig iisa na lang ng sasakyan papunta para di na sila mahirapan pauwi.

"Malay mo dun natin makita sa restaurant yung girl na compatible sa role na hinahanap mo hahahaha" may halong pang aasar na sabi ni Macsen at inakbayan ito

"Ewan ko sayo"

Sumakay na ang mga ito sa kani kanilang sasakyan at si Greg na ang nauna dahil sya naman daw ang may alam kung saang restaurant nandoon ang iba pa nilang kaibigan

OwnedWhere stories live. Discover now