Nagising ako nang pumasok sa kwarto si ate hux. "Rev! Tara na sa baba, kakain na tayo." Sabi nito at umupo sa kama. "Mag swim wear ka na din." Dagdag nito at tumayo.
"What time is it, ate?" Tanong ko habang humihikab at nag streching. Tumingin s'ya sa relo n'ya at sinabi ang oras.
"6:00 pm." Nagulat ako dahil ang haba pala ng tulog ko. "Bilisan mo, nagugutom na ako. By the way ang ganda ng sunset kanina." Dagdag n'ya kaya napalingon ako sa veranda upang tignan ang sunset pero lubog na ang araw, nanghihinayang akong pumasok ulit.
"Sayang! Tsk. Mag bibihis na 'ko." Sabi ko at pumasok sa cr dala ang black flounce bikini na high waist ang pang baba kaya di masyadong kita ang tyan ko, pag tapos kong magbihis ay tinignan ako ni ate hux mula ulo hanggang paa.
"Great! Umangat lalo kaputian mo! Ang ganda mo talaga! Taba pa ng pisnge parang marshmallow ng mapula!" Tawa n'ya at hinila ako palabas, kaya nataranta ako at pinigilan ko s'ya.
"Wait! Kukuha ako ng pangtakip sa katawan ko!" Sabi ko habang pinipigilan sya sa pag hila sa'kin.
"What? Wag ka na mag ganun! Minsan kailangan mo ding i-expose ang katawan mo!" Sabi nito at hinila ako palabas ng kwarto, pero dahil malulit ako kinuha ko ang kimono beach cover up,sinuot ko ito at lumabas kaming dalawa pero napahinto kami ng may mga lalaking lumabas sa tapat ng kwarto namin.
Nakita ko ang kuya ni dei na tinignan ako mula ulo hanggang paa, ganun din ang iba pa n'yang kasama kaya namula ang pisnge ko.
"Ops! May mga hotties. Bulong ni ate hux kaya naman agad ko s'yang hinila papalayo at nag abang sa elevator. Nang bumukas ito ay agad kaming pumasok pero kasabay nanaman namin ang kuya ni dei at ang mga kasama nito.
"Hi. I'm Hux Silvana, and you?" Napayuko na lang ako sa pinaggagawa ng pinsan ko.
"Kael is my name miss beautiful." Sabi nung isa pero di ko nakita ang mukha dahil nasa unahan ako at nasalikod ko si ate hux. Nag sabi naman ng pangalan ang iba at nag usap-usap sila pero hindi ko sila pinapansin.
Napatingala ako sa katabi ko na kapatid ni deidra at nagulat ako ng makitang nakatingin ito sakin, nang mag tama ang mga mata namin ay agad kaming nag iwas ng tingin sa isa't isa, hanggang sa bumukas na ang elevator at lumabas kami.
"Nice talking with you guys. See you around." Sabi ni ate sa mga kasama n'ya at nakipag beso sa mga lalaki. Duh may pa beso pa?
"Same. See you around." Sabi nung isa na parang walang gana sa buhay. Hahahaha. Hinila naman ako ni ate palayo at tumili.
"Kyaaahhhh!!!" Napatingin lahat ng tao sa'min kaya naman tinakpan ko ang bibig n'ya.
"Ate! Ano ba? Pinag titinginan tayo oh!" Sabi ko sa kanya pero wala s'yang paki kaya naman iniwan ko s'ya at nag unang mag lakad agad n'ya naman akong hinabol at kumapit sa braso ko.
"Hey! Marshie! Eto naman! Ang gwapo at ang babait nila kaso yung jiro parang bored na bored sa buhay n'ya." Sabi nito ay sumimangot. "Pero type ko s'ya! Na cha-challenge ako sa kanya." Dagdag n'ya at ngumiti. Ang gulo ng utak di ba?
"Asan ba sila?" Tanong ko at tuluyan na kaming nakalabas ng hotel. Amg ganda dito at ang sarap ng simoy ng hangin, gusto kong tumira dito habang buhay.
"Duon sa restaurant na yun." Turo n'ya sa restaurant, simple lang ito pero malaki. Pag pasok namin hindi naman kadamihan ang tao kaya nakita namin ang mga pinsan namin pero napahinto ako ng mabangga ako ng babae.
"Aww." Nagulat ng napaupo s'ya sa sahig kaya agad ko s'yang tinulungan tumayo.
"Sorry miss! I'm sorr-" hindi ako natapos mag salita ng makita ko ang mukha na nabangga ko.
"Miss tuminggin ka naman sa dinadaanan mo. Nabangga ka tuloy ng pinsan ko." Sabi nito at tinulungan tumayo si deidra
"Oh my gosh dei! Sorry talaga!" Sabi ko ng makatayo na s'ya. Si ate hux naman ay nakatingin ka sa kanya.
"Ay ate Rev okay lang. Sorry din di kita napansin hehehe." Sabi n'ya at kumapit sa braso ko.
"Wait? Mag kakilala kayo?" Tanong ni ate hux kaya naman tumanggo ako.
"S'ya yung babaeng sinasabi ko na kanina." Sabi ko at nakuha n'ya naman ang punto ko.
"Ahh! HAHAHA yung ano-" di ko s'ya pinatapos dahil tinakpan ko ang bibig n'ya.
"Oo. Oo. By the way ate hux si deidra nga pala, dei si ate hux pinsan ko." Pakilala ko sa isa't-isa nakipag kamay naman si ate hux kay dei.
"Hi po. Hihihi ang ganda n'yo po, pero mas maganda si ate rev." Sabi nito kay ate hux kaya naman natawa si ate hux.
"Pfft. Ikaw din ang ganda mo." Puri ni ate hux kay dei kaya naman ngumiti si dei.
"Ate una na po ako, baka pagalitan po ako ni kuya eh. Babye po." Sabi nito at niyakap ako ganun din ang ginawa n'ya kay ate hux at umalis.
"She's cute, marshie!" Natutuwang sabi n'ya kaya sumang ayon ako dito.
"Yes ate and she's sweet too." Sagot ko at ngumiti. Pinuntahan na namin ang mga pinsan naming nag hihintay.
"Tagal n'yo naman." Reklamo ni ate aizah nang makarating kami ni ate hux.
"Sorry ate." Sabi ko at umupo sa tabi n'ya. Pito kaming nakaupo sa malaking round table, nakatingin ako sa mga pag kain na nakahain sa lamesa. "Uhm.. can we eat now?" Tanong ko sa kanila kaya naman agad silang nag si kilos.
"Lets eat! Gutom na si marshie." Sabi ni Ate ems at ngumiti sakin. Ang ganda ni ate ems ngumiti, kaya ang daming naging boyfriend, she looks inocent but she's not.
Agad kong kumuha ng pagkain at nilagay ito sa plato ko. Ugh! I want to eat all of this! I don't care if a get fat as long as i'm full. I like my body kasi hindi ako payat at hindi rin mataba, sakto lang.
Amg ingay ng mga pinsan kong nag k-kwentuhan pero hindi ko sila pinapasin dahil kumakain ako. Luminga ako pa paligid nang mahagip ng mata ko ang katabi naming table kung saan nanduon sina deidra at ang mga kasama n'ya. Nang mapansin n'yang nakatingin ako sa kanila ay agad s'yang kumaway at tinawag ako.
"Ate Rev!"
-------
Alien Swagger
BINABASA MO ANG
My Time With You
Teen Fiction"I treasure all my time with you. I love you." He said and kissed my forehead. "I love you too." I said. ------- Grammatical errors ahead By: Alien Swagger