Chapter 1.2

1.2K 35 4
                                    

Astyr's P.O.V.

"Lord nineteen na po ako pero wala pa akong boyfriend" kausap ko sa sarili ko "Alam ko na Lord ang unang lalaki na makikita ko sya ang prinsipe ko"

****peeeppppp***

"Ay anak nang baboy" gulat kong sigaw

Muntik na akong sagasaan nang hayop na to ah

"Hoy baliw. Naka drugs kaba? Lumabas ka nga dyan" sigaw ko habang hinahampas ang kotse nya

"Ano bang problema mong balyena ka?" sigaw nya at lumabas sa kotse nya

"Ako? Anong problema ko? Tarantado ka ba? Muntik mo na akong masagasaan tapos tatanongin mo pa ako kong anong problema ko?"

Sinigawan ko sya habang naka pameywang nang dahil sa inis ko

"Humihinga kapa ba?" taning nya

Agad kong nilagay ang kamay ko sa harapan nang ilong ko

" O-o" nako naman nakakahiya

" Oh edi hindi ka patay at hindi kita nasagasaan"

"Ah eh .. Oo nga pala sige salamat ha" saka ako umalis

Nako naman nakakahiya namn ito hindi nya ako sinasagasaan pero tinarayan nya ko pasya...

Teka muntik nya na akong sagasaan ahh sya ang may kasalanan bakit ako humingi nang pasensya sa kanya dapat sya ang humingi

"Hoy abnoy. .. Wag kang magpapakita sakin dahil hahalikan talaga kita... Este papatayin talaga kita " sigaw ko sa nakalayong kotse nya "Gwapo mo pa sanang hayop ka"

Sayang gwapo pa naman nya bagay sana kami.... Lord? Sya naba? Ang forever ko?

"Ehhh naman eh ang sama naman nang ugali nya" inis kong  sabi sa sarili

Hindi ko na namalayan na malapit na ako sa bahay namin sa kaiisip nang kapreng yun.. Nang makarating ako sa bahay agad kong nakita si Nanay

"Oh anak pumasok kana at para makakain na tayo" wika ni Nanay Adrianna

Sya si Nanay o Adrianna Pearl Sanchez. Sya nalang ang tumatagoyod sa aming mag kakapatid dahil iniwan kami nang tatay namin. Umalis nang hindi nagpapaalam.

"Opo nay" sagot at pumasok sa bahay

Pag pasok ko sa bahay at nakita ko si Andrew na hinahanda na ang hapagkainan habang si Kuya Andrei ay tinatapos ang niluluto nya

Si Andrew o Andrew Pete Sanchez ay ang busno sa pamilya namin 17 years old na sya. Consistent honor student sya mula Grade 1 hanggang ngayon.

Si Kuya Andrei naman o Andrei Paolo Sachez ang kuya namin ni Andrew. Ngayon ay 23 years old na sya. Nagtratrabaho na sya sa bayan. Hindi nakapagtapos nag pag aaral si Kuya dahil mahirap lamang kami, tanging Highschool lng ang na tapos nya.

" Ate bakit parang inis na inis ka yata?"

"Eh kasi kanina may gwapong lalaki na muntik nang makasagasa sakin." agad na pumunta si nanay sakin." Nay alam nyo po ang ganda nag kotse nya tapos ang tangkad nya tapo---

"Tapos parang mas kinikilig ka pa kaysa mainis ka" pag putol ni kuya sakin

"Kuya naman eh!"

"Nako Astyr ako nga wala pang girlfriend tapos ikaw nagmamadali na"

Agad kong pinuntahan si kuya "Kuya hindi mo ba nakita na maganda talaga ako at isa pa PANGET KA KUYA PANGET" saad ko at biglang lumayo dahil babatukan ako ni Kuya

Maid Ako ni Mr. Kapre (on Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon