Promise Two : Two Generations

464 9 0
                                    

A Walter's Promise
Promise Two:Two Generations

A N D Y


Boredome might kill me right now. Alam ko na lahat ng itinuturo nila, paanong hindi? Ikaw ba naman ang lumaki sa puder ni Senri Sinclaire?

Itinuro niya lahat ng alam niya sakin. Itinuring ako ni Kuya Senri na parang kapatid at anak. Kaya rin siguro hindi ako masyadong nangulila kay Papa.

***

"Andy, you have to learn these things para hindi ka na mahirapan. Don't worry nandito si Kuya para tulungan ka." Nakatingin ako kay Kuya Senri habang nagsasalita siya. Tumitig din siya sakin. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Bakit ganyan ka makatingin?" he asked.

"Kuya, is it hard to be different from others?" I was curious. They always say that Kuya is different. That he needs to be protected and to be safe. They said that Kuya is a pure as diamond.

Natigilan pa siya saglit pero ngumiti siya sakin ulit at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko. Nakaupo kami sa may garden at magkatabi habang may nakakalat na maraming libro sa tapat namin.

"Andy everyone is different. Even you. We all have stories to tell and situations to deal with. Kailangan lang natin tanggapin kung ano ang buhay na meron tayo at gawin ang lahat para mabuhay tayo ng maayos at masaya. Andy always remember na walang madali sa mundo."

Ginulo ulit ni Kuya ang buhok ko at bumalik na kami sa pagtuturo niya ng mga bagay na alam niya sakin.

***

Natapos ang klase namin kaya binuhat ko na ang bag ko bago nakapamulsang naglakad palabas ng pinto. Nang nasa hallway na ko may babae akong nabangga kaya nahulog ang mga librong bitbit niya. Nakahakot kami ng atensyon.

Nakita ko naman ang isang grupo ng mga babae at tumatawa, tinignan ko ang babae. Napansin ko ang simpleng pagngiti niya.

Napabuntong hininga ako. Bigla siyang nagsalita.

"A-ah sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pasensya na."Hindi siya kumikilos. Gusto niyang tulungan ko siyang tumayo.

Nagumpisa nang magbulungan ang mga estudyante sa paligid namin. Napailing ako. Tutulungan ko na sana siya pero isang maputing kamay ang lumahad sa harap nung babae.

" Tumayo ka na dyan. " napatingin ako kay Claire nung inaya niya ang babaeng tumayo at inilahad ang kamay niya. Napatulala ang babae bago tanggapin ang kamay ni Claire. Hinila siya ni Claire patayo.

"Ah-ah salamat." halatang dismayado siya. Nagkibit balikat si Claire bago pinulot ang mga libro. Tinulungan ko na siya. Nang matapos kami iaabot ko na sana ang mga hawak ko doon sa babae pero kinuha iyon ni Claire sa kamay ko. Pinatong niya ito sa mga hawak niya bago iniabot doon sa babae.

"Here. Sa susunod mag-ingat ka na. Baka maling tao na ang makabangga mo or worse maling bampira," pagkasabi non ay nginisian niya ang babae. Napayuko naman ito.

"S-sige salamat." hinatak na ako ni Claire pagkatapos non. Nadaanan pa namin yung grupo na napansin ko kanina nakasimangot na sila ngayon at halata ding dismayado. Nakita ko ang pagirap ni Claire. Napatawa ako ng mahina bago siya inakbayan.

"You made a scene." I said. Lumingon siya sakin at umirap. Baka mamaya kakairap niya hindi na bumalik sa dati ang mata niya.

"They did. Halata namang sinadya niyang mabangga mo siya. Seriously bakit ba sila nagkakandarapa sayo? Hindi ka naman gwapo." napabusangot ako. Hindi makatarungan para sakin na tawaging hindi gwapo!

A Walter's Promise (A Sinclaire Academy Side Story)Where stories live. Discover now