Promise Three : Jack Yno Sinclaire

316 7 0
                                    

A Walter's Promise

Promise Three

Jack Yno Sinclaire

Tahimik na nakahiga si Yno
sa ilalim ng puno sa harding ng mansyon nila. May nakalatag na picnic mat kung saan siya nakahiga at may mga pagkain na nakatabi ng maayos sa gilid niya. Kanina pa siya nakapikit pero hindi siya dinadalaw ng antok.

Nagmulat siya ng mga mata at agad sinalubong ng puno kung nasaan siya ang kanyang paningin. Nakaunan sa kanyang ulunan ang kanyang kaliwang braso habang nakapatong naman sa bandang tyan niya ang kanan . Walang pasok, sabado, kaya naman sinusulit na niya ang oras na siya lang mag-isa. Alam niya kasing may gugulo at gugulo ng araw niya kahit 'di niya gustuhin.

Nanatili ang kanyang mga mata sa puno at may malalim na iniisip. Kung titignan siya ay parang napaka-kalmado niya. Kahit sinong babae ay mag-kakandarapa na makita ang isang Jack Yno Sinclaire na nasa ganitong posisyon.

Yno has lean and sharp features, minana niya ito kay Jake Sinclaire. Sinclaire ang dugong nananalaytay sa ugat niya kaya hindi na nakapagtataka na na ibang klaseng kagwapuhan din ang taglay niya.

Just like his siblings, Yno had a rough and fun childhood. They also tend to be grounded most of the time when they were little because of the troubles he and his gang caused. Ano pa nga ba ang aasahan nila? Saan at kanino pa nga ba sila magmamana?

Yno has the ability of manupilation. As of now nasa basic level pa lang siya. Ngayong college na sila, dito na sila ite-train ng buong taon at mga susunod pa. Sa ngayon tao, bagay, at hayop pa lang ang kaya niyang i-manupila, as an extra at sakop pa rin ito ng kakayahan niya, he can enter dreams and even create one for himself or for anyone elese. He's on his way of unlocking the next level of his ability and that is manupilating and altering ones memory. He can control one element and that is Earth.

Isa siyang Pureblood, 2nd on the Pyramid ang pamilya niya. In order to keep the heritage and rank, he needs to marry a Pureblood vampire too, but that is a bummer. He loves no pureblood. Umaasa siya na maipasa na ang pwesto ng mga Half-Blood to have a place on the Pyramid. That way, he doesn't need to worry about marrying someone that's not a Vampire or a Pureblood.

Nilibang ni Yno ang sarili, he manipulated the tree. Ginawa niyang shed ang mga sanga at dahon nito. Korteng payong na ito at malawak na ang lilom na naibibigay sa sino man ang sisilong dito. Matapos niya ito gawin ay----

"YNOOO!" Ah shit. Mariing napapikit at napamura si Yno, alam na agad niya kung sinong dumating para mang-gulo.

Bumangon siya at dumukot ng mansanas sa basket na nasa tabi niya. Hinagis hagis niya ito at sinasalo kada babagsak, naghihintay na ibato ito sa taong lalabas sa backdoor ng mansion kung saan matatagpuan ang hardin, kung saan nadodoon siya.

"Yno 'bro—!" Mabilis na lumipad patungo sa bagong dating ang mansanas na agad naman nitong nasalo. Gulat na gulat pa ito at napahinto sa paghakbang.

"Ang aga mong manira ng araw, Mavin." Bagot na sambit ni Yno bago kumuha ng sandwich sa basket at kumagat dito. Nakabalik naman na sa ulirat si Mavin at kagat na ang mansanas sa kanyang bibig. Lumapit na rin siya kay Yno at nakiupo sa tabi nito.

"Ang harsh mo naman sakin, dude. Biniyayaan na nga kita dahil nakakita ka ng gwapong mukha ngayong araw tapos binalak mo pa akong lagyan ng pasa." Mahanging sabat nito at hinaplos pa ang baba niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Walter's Promise (A Sinclaire Academy Side Story)Where stories live. Discover now