Nagising akong pawisan at hinihingal. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib, sin' lakas ng kulog pagkatapos ng matalim na kidlat. Matindi ang bugso ng hangin at ulan sa labas ng aking kwarto, mukhang may paparating na bagyo. Pumasok ako sa C.R. binuksan ang gripo nag hilamos at tumitig sa harap ng salamin. Ang pangalan ko'y Zacheaus Herado tawagin nalang ninyo akong "Zac". Aninag sa salamin ang tikas ng aking katawan, ang kinis ng aking kutis na kayumanggi at biyayang mula sa aking mga magulang na ka-gwapuhan, hindi naman sa pag mamayabang eh, gwapo naman talaga ako, kaya nga eto nasa panganib ang buhay ko ngayon. Bakit? nag simula ito sa isang simpleng text message, at ayun para tuloy akong may death threat o sabihin nating tuluyan nang na hatulan ng death penalty. Ngayo'y nag tatago sa iisang nilalang na akala ko mapapabilang sa mga babaeng nabiktima ko noon, pero eto na yata ang tinatawag nilang karma. Kabayaran sa mga masasamang ginawa mo sa nakaraan. "bwisit na babae yun, hanggang sa pag tulog ayaw akong tantanan!, buti nalang eh panaginip lang yun. Akalain mo ba namang ang daming alalay nya dun, at kung di ako pakakasal sa kanya eh pupugutan nya ako ng ulo! susmaryosep! aswang siguro yung babaeng yun, hindi! ah, alam ko na mangku-kulam yun!
Bumalik ako sa pag kakahiga ng makita kong alas-dos palang ng madaling araw, maya-maya ay nakatulog na naman ako. "Hoy!" bigla akong napa kandirit patayo sa aking kama pagkarinig ko sa boses ni tyang Berning ang tyahin kong nag alaga sa kin' simula ng namatay ang aking mga magulang. "hindi mo ba alam na kanina pa nag a-alarm yang orasan mo! nakaka-bulahaw na! tingnan mo alas syete na ng umaga, hindi ba eh alas-otso ang pasok mo, tayu na, ma le-late ka na!", "ha! anu! lagot ako! nasakin ang susi ng opisina di sila makakapasok kung wala ako! patay! "dali-dali akong tumakbo papasok ng banyo at naligo, nag-ayos at halos lumipad ako papalabas ng bahay. "tyang! alis na po ako! sa daan nalang po ako kakain!" at ayun papasok na ako sa opisinang pinapasukan ko, isang normal na araw sa isang simpleng taong katulad ko, ang di ko alam ang araw na ito ay magiging napaka haba, mas mahaba sa inaakala ko at tuluyang magpapa-bago sa aking buhay.
Paki-ramdam ko eh, parang natulog ako at nagising sa maling posisyon sa aking kama. May mga kakaiba akong nararamdaman ngayon. Halimbawa, nitong mga nakaraang araw ay tila laging may nag mamasid sa akin. Malayu-layo pa ang sakayan ng dyip mula sa amin, mag lalakad pa ako hanggang sa labasan ng subdivision kung saan kami nakatira. Lagi kung napapansin ang itim na mamahaling sasakyan na naka-park sa harap ng kapit-bahay namin, at tuwing mag lalakad na ako papasok sa opisina ay mag sisimula na ring umalis kasunod ko, pag uwi ko naman ay nandoon na ito kung saan ko ito unang nakita. Lalo pang napuno ng katanungan ang aking isip ng malaman ko na hindi na pala nakatira doon ang aming orihinal na kapit-bahay at may bagong nakabili na raw ng bahay. Tuwing gabi bukas ang ilaw ng aming kapit-bahay at laging tila may nakatayong anino ng isang lalaking matipuno na naaaninag kong naka harap sa aking bintana, kaya ngayon alangan na akong mag bukas ng bintana tuwing gabi at palihim ko itong sinisilip pag patay ko ng ilaw bago matulog,