Authors Note:
Ang kwentong ito, ay pawang kalokohan na naisip ni author. Pasintabi po sa mga kumakain habang nagbabasa. Pasensya na po sa laman ng istoryang ito. Pero hindi po kami nagkulang sa pagpapaalala. Salamat po sa pagbabasa at pagdaan sa page na ito para basahin ito.
Yun lamang po! Enjoy!
---
Play the music while reading this. Thank you! <3
ALIS POV
Hapon na nung mangyari yun. Pauwi na ako galing school. Nagcocomute lang ako kasi daw tinatamad sila mama na ihatid ako, at lalong ayaw nila akong papagservice kasi daw ang lapit lang ng bahay namin, isang sakayan lang tapos magseservice pa ako? Ano yun? Gastarol lang ako ganun?
Mayroon akong keychain, mahalaga siya saakin, kasi napanalunan ko siya sa isang contest sa school, ang hirap kaya nun. Kukunin mo yung tanong, ang dami mo pang kaagaw. Buti nalang at napunta siya saakin. Kaya nakasagot ako at nakuha ko yung prize na keychain.
Do i make sense here?
Okay sasabihin ko nalang yung love story.....
Kasi habang nakasakay ako sa jeep nagbayad ako siyempre, baka idemanda ako ng driver di ako nagbabayad. Eh 9 pesos lang yun. Di naman ako ganun kakuripot para hindi magbayad diba?
Ang ganda ko kaya *hair flips*
(Anong connect? -_-)
Sabi ko nga wala nanaman akong sense -_-
So ayun, habang bumabayhe ako pauwi, may babaeng sumakay at umupo sa tabi ko, may keychain din siya sa bag. Cute, pareho kami ng pwesto kung saan nilagay yung keychain. Sa bukasan ng zipper ng bag ko linagay yung keychain ko, siya naman ganun din.
Ang logic ko talaga!
Nang makita kong malapit na ako sa inuuwian ko, pumara na ako, pero hindi ko naman alam na nagkagusto na pala si peypey sa katabi ko.
A/N: Peypey ang pangalan ng keychain ni Alis, pagpasenyahan na. At lalaki daw ang keychain niya. Pinapaalala ko lang, love story ito ng keychain niya.
Napigtal si peypey mula sa pagkakasabit sa lalagyan niya na nakalagay naman sa bag ko.
Iniwan na ako ni peypey.
Sumama na siya sa maharot na keychain ng babaeng katabi ko.
Ang sakit maiwan, ng bagay na pinapahalagahan mo. Hindi niya ba alam na mas mahal ko siya? Hindi man nga niya alam kung mahal siya nung babaeng keychain na sinamahan niya. Iniwan niya ako ng ganun ganun lang, pagkatapos ko siyang paghirapang kunin? Wala siyang silbe -_-
Pagkababa ko, tumalikod ako ulit para makuha siya.
Kaso ngalang umalis agad yung jeep. Nagmamadali ata si kuyang driver, gagad kay misis.
"Manong sandali!" sigaw ko.
Nagmukha tuloy akong tanga, tinignan lang ako ng mga nakasakay sa jeep, kaso hindi naman nila pinahinto.
Mga wala silang silbe!
"Oh anak anong sinisigaw mo diyan?" lumabas si mama sa gate at tinanong ako.
"Kasi ma, may naiwan ako sa jeep" sabi ko sakanya at lungkot lungkot yung mukha ko.
"Ano yung wallet mo?!?" praning na sumigaw din si mama.
"Naku! Ang tanga mo talaga anak! Ba't mo iniwan wallet mo? Ano bang kalandian yung ginagawa mo at pati wallet naiiwan mo sa jeep! Naku! Paano natin hahanapin yun? Magkano ba laman nun?" praning pa din na pinapagalitan ako ni mama.
BINABASA MO ANG
Keychain Love Story
HumorAko si Alis Jaymenez. At ito ang kwento ko. I mean yung keychain ko pala. At kung paano niya tinalikuran ang mundo, para sa mahal niya.