It Came Back

14 2 0
                                    

Hahaha, naamaze naman ako sa Keychain ni Alis.

---

ALIS JAYMENEZ'S POV

BUMALIKNAANGPINAKAMAMAHAL KO!

Feeling ko lang ah? Feel ko lang talaga kasi feeler ako. Oh, kahit ano man yung connection nun, na hindi nakadestiny si Peypey dun sa keychain na sinamahan niya para saakin.

Kasi good news! Bumalik na si Peypey ko! Ganito kasi yung nangyari....

Flashbackers.....

KNOCK KNOCK

"Alis! Wag kang tatamad tamad! Buksan mo yung gate tignan mo kung sino yung kumakatok!" sigaw ni mama mula sa kusina.

Umarangkada nanaman yung bungangera kong ina. Tsk.

"Azi! Narinig mo yun? Buksan mo daw yung gate sabi ni mama" sigaw ko sa kapatid ko na nasa kabilang kwarto at nagkukulong.

Nageemo ata yung dwende kong kapatid? Namiss niya ata si Robin?

"Ikaw inuutusan eh! Katamaran mo neh!" sigaw niya pabalik.

Hanep nagsisigawan kami!

"Kayong dalawa umayos kayo kung ayaw niyo mapalayas!" sigaw ni mama.

"Azi!" sigaw ko.

"Ate Alis!" sigaw niya.

Aba't batang ito! Wala talagang modo! Chapter 2 na nga ng One Shot wala pa ding modo. Anu ba yan!

"ISA!" bulyaw ni mama.

"Wala ka talagang silbe kapatid!" sigaw ni Azi at nagdabog papalabas ng bahay.

Bumalik siya na nagdadabog pa din.

"Oh sino daw?" sabi ko kalabas ng kwarto ko.

"Malay ko? Eh sa pinapabukas mo lang yung gate, wala ka namang sinabing tignan ko kung sino. Edi binuksan ko lang. Walang kwenta" sabi niya at pumasok sa kwarto niya.

Aba naman batang ito! Wala na ngang modo wala pang utak! Ibang klase.

"Oh sino daw?" sabi ni mama at lumapit saakin.

"Ewan, binuksan lang daw ni Azi yung gate tapos nagkulong nanaman sa kwarto niya" sabi ko.

"ANONG?!?" saad ni mama.

"Ikaw nalang tumingin ma" sabi ko at dali-daling pumasok sa kwarto ko.

Baka mabulyawan ako ng hindi oras ni mudra kapag nagstay pa ako sa labas. Mabuti na sa loob ng kwarto ko na puro barbie. Safe ako.

"ALIS! MAY BISITA KA" sigaw nanaman ni mama sa labas ng kwarto ko.

Walang hiya naman! Lakas makaistorbo!

"SINO DAW?" sigaw ko.

"EMICO DAW!" sigaw niya.

"WALA AKONG KILALANG GANYAN! IKALAKAL MO NALANG YAN!" sigaw ko.

"ANONG IKALAKAL? MAY IBIBIGAY SAYO BOLANG!" sigaw ni mama.

"HINDI AKO BOLA! PAYAT AKO!" sigaw ko.

"ANO BA! TUMAHIMIK NGA KAYONG DALAWA! PURO SIGAW AH! NAKAKARINDI! MAHIYA NAMAN KAYO! MGA WALANG SILBE!" sigaw ni Azi sa kwarto niya kaya napatahimik ako.

Walanjo! Nakisama si Azi sa sigawan namin ni mudra.

Lumabas ako sa kwarto ko na banas na banas. Kapag naman walang kwento itong Emico na ito, ikakalakal ko talaga siya!

"Saan ma?" tanong ko kay mama na nakatayo at nakapameywang pa.

"Sa sala" sabi ni mama.

"Asan? Aakyat pa ako ng second floor?" sabi ko kay mama.

*PAK*

"Aray naman!" sabi ko, sinapak ako ni mama eh.

Lang kwenta!

"Anong second floor? Kaharap lang ng kwarto mo yung sala. Wag kang ambisyosa!" sabi ni mama at bumalik sa kusina.

"Oh? Sino ka?" tanong ko doon sa lalaking bisita ko daw.

"Emico. Sinabi na ng nanay mo" sarkastikong sabi niya.

"Ginagago mo ba ako?" sabi ko sakanya ng nakataas yung kaliwa kong kilay.

Sabi kasi ni Manuel, mukha daw akong masungit kapag nakataas yung kilay ko.

"Pffft!"

"Anong nakakatawa at gumaganyan ka aber?" sabi ko ng nakataas pa din yung kilay ko. Baka naman takas ito sa mental? Hala! Nagpapasok kami ng excon sa mental!

"Sabihin mo, takas ka sa mental noh?" sabi ko sakanya.

"Ha? Ako takas sa mental? Sa gwapo kong ito?" sabi niya at kinindatan pa ako.

Kadiri lang, eww. Major eww eww gross

"Takas ka siguro sa bilango, sa salang pagisinungaling at sobrang kahanginan" bulong ko. Pero malakas ata pandinig niya, o baka naman talagang nasabi ko lang ng malakas?

"I'm not an exconvict in any institution miss" sabi niya saakin.

Malamang diba? Ako lang kasing kausap niya, sus mga utak niyo wala talagang laman, pa refill niyo nga yan!

"Anong masamang hangin naman ang nagdala sayo dito ha? Ni hindi man nga kita kilala eh, stalker ka siguro noh?" sabi ko sakanya

"May ibibigay lang sana ako sayo, nakuha kasi ito nung babae sa jeep, tapos iniwanan niya, kaya kinuha ko at naisipan kong ibalik nalang ulit sayo" sabi niya sabay labas ng isang maliit na bagay mula sa bulsa niya.

OMG

Nilabas niya si Peypey mula sa bulsa niya.

Si Peypey, nandito na ulit siya sa harap ko!

"Akin na yan!" masaya kong sambit at hinatak yung keychain ko mula sa kamay niya.

"Hindi naman ata masyadong sentimental yang keychain na yan sayo ano?" sabi niya.

Nginitian ko siya at sumagot.

"Oo, bigay kasi ito ng kaibigan ko, na hindi ako iniwan kailan man" sabi ko habang nakangiti pa din.

Wala siyang sagot na binigay, pero ngumti siya sa huling linyang sinabi ko.

"Salamat"

---End of Flashback

So yun yung mga nangyari kaya nasaakin na ulit si Peypey, kung itatanong niyo naman kung nakita ko pa ulit si Emico, ay hindi na. Umalis na siya agad pagkabigay niya saakin ng keychain ko meron daw kasi siyang mahalagang lakad.

At sa ngayon 2 na silang keychain ko.

Si Peypey at si Teptep.

DINGDONG

Ay sandali may nagdoor bell.

"Ma sino yun?" tanong ko kay mama na kakapasok lang ng pintuan.

Infairness naman kay mudra di tinamad magbukas ng gate.

"Boyfriend mo" sabi ni mama at nginitian ako ng nakakaloko.

"Ano?!?" sabi ko sakanya.

Hindi niya ako sinagot ulit pero may kasama na siyang pumasok this time.

Nakita ko na ulit siya.

Parang kanina lang topic natin siya eh.

Buti naman tinupad niya yung sinabi niya, nagkita nga kami ulit.

Dumalaw kasi ulit saakin si.....

EMICO

***

END NA TALAGA ITO! YEY! SALAMAT SA PAGBABASA! LOVE LOVE

-EAN

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Keychain Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon