Base ito sa mga karanasan ko.Cross RP — may ideya na sa pangalan palang. Ang cross rp ay tungkol naman sa gender natin. Kunwari sa rp mong account ay lalaki ka pero ang gumagamit ay babae naman talaga.
+ madami kasing babaeng o girl rpier na mahilig sa lalaki. Ang tawag sa kanila, TT HUNTER. Alam niyo na naman kung bakit ganon ang tawag.
May sakit sila — Kung baguhan ka palang at magkakaron ng karelasyon ay hwag ka agad magpapauto at iiyakan kung makikipaghiwalay sila sayo dahil may sakit sila.
+ madami–sobrang daming rpier na ginagamit ang ganyang palusot para makipaghiwalay sa kanilang kasintahan.
++ hwag kang maniniwala agad, ang iba ay gusto lang umalis o ayaw na talaga sayo kaya gumagawa ng ibang dahilan.Titira na ako sa ibang bansa — Shh, hwag kang maniwala. Kung mahal ka, gagawa ng paraan para makapagusap kayo kahit nasa rp lang yan. Madami ng nasangkot yan, dadagdag ka pa ba? Lilipat lang ng account yang iba kaya hwag papauto agad.