Year 2 0 1 8
"Nakakapagod."
Paulit-ulit na sambit ko sa sarili kahit na alam kong wala naman akong karapatan mapagod. Naglalakad ako ngayon sa kalimitan kong dinadaanan pauwi ng dorm. Katatapos lang kasi ng klase ko.
Alam ko. Hindi ba dapat maluwag ang loob ko ngayon dahil tapos na nga ang klase?
Pero nope. Hindi ko kasi afford.
Sa mga klase na'yon, hindi ko pa rin alam kung ano ang uunahin sa mga assignments and requirements. Kulang na lamang ay umikot ang mga mata ko bago ko matapos lahat. Isa pa, hindi ko pa rin maiwasan na maramdamang mag-isa ako. Isang semestre na lang ang natitira bago ako makatapos ng kolehiyo, pero heto ako naglalakad mag-isa pauwi. Loner pa rin. May mga kaklase man akong nakakausap, pero hanggang usap lang. Hindi na lumalalim pa ang relasyon ko sa kanila.
"Hayyy."
Pagbuntong-hininga ko bago pumasok sa karinderya na puno ng tao. Dapat makapila na ako agad dahil kailangan ko munang makabili ng ulam bago pumasok sa kuweba ko, este dorm. Mahaba pa naman ang pila kalimitan.
Sa pagtingin ko sa hilerang ulam, hindi ko naiwasang maumay. Pamilyar na sa akin ang mga niluluto, kung hindi man dalawa ay iisa lamang ang ulam na bago.
Tumigil ako ng tingin sa lumpiang sariwa at napagpasyahang iyon na lang ulit ang ulamin.
"Ito po!", pagturo ko sabay tingin sa babaeng staff. Kilala ko na ang mga mukha ng serbidora dito pero hindi ko alam ang kanilang mga pangalan.
Nakakalungkot.
Ang siyang sunod na rumehistro sa utak ko habang pinapanood ang paglagay ng lumpia sa food container na dala ko.
Walang bago. Isa ito sa mga madalas na ginagawa ko pag umuuwi ng dorm.
Pero kahit na alam kong walang bago, parang hindi ko na kayang aksayahin ang lakas ko na pumili pa ng iba. Pumili ng bagong daan pauwi ng dorm, bagong karinderya, bagong ulam sa gabi. Isa pa, tatlong buwan nang mahigit na hindi ko nakakasalo sa pagkain ang pamilya ko. Hindi ko pa rin mahanap ang oras para umuwi.
Hay nako!
Papunta na naman ako sa "self-blaming" lane, kailangan ko nang mag U-turn.
Habang pinagpapatuloy ko ang paglalakad ay ibinuhos ko na lamang ang buong atensyon sa dapat na gawin pag-uwi. Which is by the way, 40% chance of coming true. The 60% chance? Nauuwi sa pag-aaksaya ko ng oras sa panonood ng kung ano-ano.
Welcome to Procrastination 101. Isa nga pala ako sa mga pioneer, Grade 1 pa lamang ay pina-practice ko na'to. At hindi ako proud sa lagay na'to. Sige na nga. Konti lang.
Sa pagtuntong sa madilim na entrada ng dorm ay kinapa ko ang susi sa bulsa. Nakakatuwa dahil nakuha ko siya agad, minsan kasi nagtatago pa sa kasulok-sulokan. Sa pagpihit ko ng pinto ay binuksan ko kaagad ang ilaw. Sinuyod ng tingin ang bakanteng living room.
Walang sensyales na mayroong nauna sa akin sa dorm. This is somewhat usual na wala pa rin ang dormmates ko. Lalo na ngayon, Thursday. Malamang sa alamang ay nakikipag-party na ang mga 'yon.
Mabilis kong inalis ang aking sapatos at binaba ang backpack sa upuan na nasa harap ng study table. I was never really into parties like most of the college students. Kahit pa napapalibutan ng napakaraming inuman ang university na pinapasukan ko. Parang puro pakikipagsalo ng pawis, usok at amoy ng alak ang kalalabasan. Or maybe because, I'm just really an introvert at hindi ko pa kayang aminin 'yon sa sarili ko. Twenty-one pa lang naman ako.
Medyo gurang na rin pala.
Agad akong pumunta sa kitchen area at kumuha ng pinggan upang doon isalin ang bitbit kong ulam.
Yes! Solo ko ang internet!!!
Agad kong hinubad ang pinampasok kong shirt at pantalon, ipinalit iyon sa malaking hoody jacket na pantulog at cycling short. Hindi ko kasi kaya ang lamig sa kwarto tuwing madaling-araw....
De joke lang, gusto ko lang talaga ng excuse para mag-hoody.
Hehe.
Bago bumalik sa dining area ay nahagip ko ng tingin ang aking sarili sa malaking salamin sa kwarto. All hair messed up in a bun and large jacket na parang naging sako sa patpat kong katawan.
Mukha akong patatas!! Hindi ko napigilan na sumayaw na parang robot sa harap ng salamin at pagkakuwa'y mapangiti sa sariling kalokohan. Kahit pa lumipas ang milyong taon ay hindi ko magagawang kumendeng sa tigas ng katawan ko.
Mula sa study table ay kinuha ko ang mini laptop ko at ipinatong iyon sa dining table. Opportunity ko na'to para mag-aksaya ng data. For short, mag-Youtube!
Habang sumusubo ng pagkain, tintingnan ko ang Youtube feed ko. The usual stuff that I'm interested in is there. Pero may unusual akong nakita.
"MYX? May channel na pala sila? Akala ko mga kanta lang ang content nito."
Reaksyon ko nang makita ang Myx Philippines YT Channel.
"Hmmm. Matingnan nga ang videos."
"Eh?! Vj na pala si Sharlene?"
Hindi ko napigilang sabihin dala ng gulat. Sharlene San Pedro, ang alam ko ay sa Going Bulilit pa ang huling exposure ng babaeng artista.
"Hala, ang dami na ng bagong Vj!"
Ipinagpatuloy ko na ang pagsasalita kahit pa mag-isa lang. Myx is really trying to conquer Youtube as a platform at fini-feature nito ang mga Vj na mayroon ito. Maraming game challenges. May mga life advices din from the Vjs at marami pang iba.
Habang tinitingnan ang mga thumbnail, isang partikular na mukha ng lalaki ang nakita ko. Parang magnet na napukaw nito ang paningin ko idagdag pa ang interesting na video title. Hindi ko alam pero may kakaiba sa charm ng lalaki na nagpabilis sa tibok ng puso ko.
Makakapal na kilay. . .
Non-existent na pores. . .
Cute, round eyes...pero pag may emosyon, nagiging singkit. . .
A non-exaggeratedly thin bridge of nose with a small, round tip, at siyempre matangos . . .
Jaws na maaring makahiwa dahil sa pagka-"on point". . .
And most importantly, the dreamiest lips you could ever dream to touch!
Pinindot ko na ang video habang punong-puno ng pagka-interes.
"This is Vj Donny .... ", ang bungad ng video at hindi ko napigilan ang mapasinghap.
A deep, enchanting voice! Napaka-panlalaki at walang bahid ng lambot.
"Donny ...", pag-ulit ko sa pangalan ng lalaki kasabay ng video.
Hindi ko na kinaya pa at nag-pause sa panonood ng video. Agad akong nagbukas ng bagong tab at nag-research.
'Myx Vj Donny' At lumabas doon ang buong pangalan ng lalaki.
Donny Pangilinan ...
Donny Pangilinan ... gets admitted to -- UP ??!!
Artista . . guwapo . . . matalino. Napalunok ako sa mga bagong katotohanan na inilahad sa akin ng pagkakataon. A man like him really exists? Napailing ako sa pagkamangha.
------------------------------------------------------------------------
With deep admiration engraved in her eyes, ipinagpatuloy ng dalawampu't isang taong gulang na si Alexandra ang panonood sa lalaking Myx Vj upang ito ay mas makilala.
Somehow, deep in her heart. Alam niyang magiging espesyal sa buhay niya ang lalaki... sa matagal na panahon.
YOU ARE READING
My Invincible Fangirl - A Donny Pangilinan Fanfic
FanficThe moment she saw Donny Pangilinan as a Myx Vj, she knew they will meet eventually, and HE. WILL. REMEMBER. HER . . His invincible fangirl.