4th Chapter

29 2 0
                                    

But you only need the light when it's burning low. Only miss the sun when it starts to snow. Only know you love her when you let her go.

- -
Ang tagal na pala ng mga pangyayaring iyon. Kung di ko lang sana siya binitawan, edi sana hindi ako nagkakaganito..

- -

Lumipas na ang isang linggo. Mula noong araw na iyon, hindi ko na nakita si Samantha. Hahaha. Sabi na nga ba trip niya lang 'yon eh! At sa kasamaang palad, ako at ang polo ko ang biktima. Tsk Tsk..

Papunta akong Students Council's Office ngayon dahil wala lang. Inutusan lang ako ng tamad naming teacher na kunin yung mga files na naiwan niya.

Nakaearphone ako habang naglalakad and nakafull volume pa 'to. So malamang, wala akong maririnig na ibang ingay kundi yung music lang. Hanggang sa may nagback hug sakin and tinanggal yung earphones ko.

Nilingon ko kung sino yung walang hiyang gumawa nun. "Hi Boyfie!! Miss me? Hahaha. I miss you too" with matching wink pa! Aish! Talandi neto. Tss!

"Boyfriend your face! Tigil-Tigilan mo nga ako Samantha Gomez. Nang dahil sayo pinagalitan ako ng mama ko! Bwiset :3" sabi ko sa kaniya.

"Paano mo nalaman pangalan ko? Ayiieeee. Stalker kita no? Hahaha. Sabi na nga ba gusto mo din ako eh" Ang feeling masyado! Binatukan ko nga..

"Aray naman Boyfie. Ganyan mo ba talaga iparamdam ang pagmamahal mo? Grabe. My Sadist Boyfie ^_____^" Tsk. Nakakatol ba 'tong babaeng to?! Naghahallucinate na eh *FacePalm*

Binatukan ko ulet siya. "Hoy Samantha, ang babaeng feelingera! Una, hindi kita namiss. Pangalawa, palitan mo polo ko. Pangatlo, H.I.N.D.I. mo ako S.T.A.L.K.E.R.!" Napansin kong namumula sya tapos pArang kinakabahan na ewan.

"Oh, ano nang nangyare sayo dyan?!" Tanong ko sa kaniya. "Eh? Pa-palitan ko P-polo mo? H-hu-hubaran kitA? As in? B-bata pa ako eh. Fif---" I cut her off. Malala na to *iling*iling*

"It's not what you think. I mean..Aish! Huwag mo nang palitan polo ko. Papabilhin ko nalang ng bago si mama. Tsk!" Nakita ko namang medyo okay na ulit sya.

"MR. SMITH! ALAM MO BANG TAPOS NA ANG KLASE KO? PINAKUHA KO LANG YUNG FILES NA NAIWAN KO, NAKIPAGLANDIAN KA NA DYAN!" O-oh! Lagot ako neto..

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon