CHAPTER 2

8 2 0
                                    

Carmela Dawn Villalon

Tangina! Pakshet!

3 days had passed parang normal lang ang pagpasok ko sa school na'to.

Sa dalawang araw, recitation at short quizzes lang ang mas madalas naking ginagawa each subjects.

Pero! May gagang umepal sa normal na 'yon na sobrang papansin at parang walang ibang magawa sa buhay. Kung gan'on sana nagpakamatay nalang siya!

Sa ikatlong araw kase na pamamalagi ko sa school na yun! Which is kahapon, mas impyerno pa ang nangyari sa'kin kesa sa lugar ni satanas, I swear. OA lang di'ba! Pvta kase eh!

(Flashback)

~Lunch Time~

Naglalakad ako sa hallway mag-isa papuntang canteen kase dadalhan ko ng pagkain ang mga patay-gutom kong mga kaibigan na nasa library, nag-aaral kuno. Psh!

Hanggang sa...

"Bullshit!"

Nabangga o sinadya? Ng isang babaeng parang papuntang circus dahil nagmumukhang clown sa kapal ba naman ng make-up! My God Gracious!

"What did you just say?" Tanong niya.

"Bullshit!? Why?" sagot ko na naging dahilan ng paglaki ng mata niyang parang na black eye dahil sa make-up.

"At inulit mo pa talaga?" ay bobo!

"Eh! Sa nagtatanong ka!" ang low ng brain cells ne'to.

"At sumasagot ka pa talaga?! Ha! Hindi mo ba ako kilala?" Sabi niya.

Anong pinagsasabi ne'to

"Hindi! Kase ngayon lang kita nakita." Sagot ko

"At ganyan ka makitungo sa'kin?" napa-kunot ang noo ko.

Alam mo puro siya "at" ng "at" Tsk!

"Eh ano bang inaasahan mo? Sasabihin ko na 'Ohmygash! Hi! Pwede ba tayong maging friend?' gan'on? Plastik-plastikan lang? At...peste nadadamay ako sa pag-a-at mo!." naiirita nako sa babaeng 'to!

"Oh. My. God! I can't believe you!" aniya.

"Then don't believe me at all, easy!"

"Miprix!" napalingon siya sa sumigaw.

So Miprix pala pangalan ne'to!

"Wade!" mahinang sabi niya, kaya napalingon ako sa gawi nung sumigaw.

Dali-daling tumakbo si Wade papunta kay Miprix. Napa-kunot ang noo niya ng makita ako.

Bumaling siya kay Miprix

"What are you doing here?" Wade

"Nothing, binangga lang naman nang babaemg 'yan!" Miprix

The Fvck?! Binangga?

"What the hell?!" angal ko.

"Bakit ka ba namamangga? Hindi na nga kita ginugulo dahil sa pag-agaw mo sa seat ko! Pati ba naman girlfriend ko? Nananadya ka ba?" Wade.

"Oh! Just shut the fvck up Wade!" sigaw ko

So childish! Tsk!

"Ikaw Miprix o kung sino ka man! Pwede ba? 'wag mong ibaliktad ang nagyari? Ikaw ang bumangga at ako ang nabangga, stop playing innocent here! Hindi mukhang inosente ang mukha mo!" galit kong sambit.

sasampalin niya sana ako ng nauna akong dakpin ang mainit niyang palad.

"Don't you try to slap me, or you'll regret what I can do to you! Excuse Me!" sabi ko at marahas na binitawan ang kamay saka nilampasan sila papuntang canteen.

Happiness With HimWhere stories live. Discover now