After that terrible scene, napagpasiyahan naming apat na umuwi sa kanya-kanyang condo upang makaget-over sa nangyari.Nung friday naman, sinabi sa'min including Miprix na sa lunes na lang daw yung hindi nakapagpa-ID around lunch time.
Hindi rin nagparamdam ang demonyitang si Miprix. Pero ramdam ko parin ang paninitig niya sa'min tuwing class hours at tuwing nasa canteen kami. Malas nga no? Classmates pala kami, at yung paninitig niya sobrang creepy. I mean, sino ba naman ang hindi matatakot sa paninitig na 'yon? Parang papa-- Oh. My. God! 'di kaya ... gusto niya kaming patayin matapos ng ginawa namin sa kan-- Tsk! Ang OA ko na! Nahahawa na'ko sa ka-oa-han ni Blythe.
Ok back to normal tayo!
Today is Saturday, free day kumbaga. Pero napagpasiyahan naming gumalang apat.
Best friends goals daw ani Blythe.
Pesteng goals-goals na 'yan!
Ang plano namin is pupunta sila sa bahay para sabay kaming aalis.
We're going to Siargao, magre-refresh daw kami. Parang summer lang. Sarap maka-summer ang mga kaibigan ko eh June na!
Chi-neck ko ang oras...
8:00 a.m.
May 5 hours pa ako bago kami aalis. Kayo nalang mag-calculate kung anong oras yun!
Inayos ko na lahat ng gamit ko. Swimwear, summer dress, hat, sunglass and undergarments.
Anlakas namin maka bakasyon ng saglit samantalang yung mga classmates namin siguro eh gumagawa na nang reaction paper ni Sir Abarquez.May nasulat naman ako, actually nasa laptop ko yun. Hindi pa tapos, 2 paragraphs lang yun. Tapos ii-edit ko pa, at ipi-print bago maipasa.
Kumain muna ako saglit dahil parang kanina pa nagugutom ang mga alaga ko sa tiyan.
Nagprito lang ako ng bacon at egg, tapos habang nagpi-prito nagsaing na rin ako ng rice sa rice cooker.
I'm a type of person kase na hindi gaanong mahilig sa mga fast foods at mga order orders. Actually kaming dalawa ni Juliana. Kumakain naman ako pero di madalas. Kaya nga mas gusto naming sa Juliana magna-night over lagi.
Walang basagan ng trip. Ba't ba?
Nang naluto na lahat ay nagsimula na akong kumain.
Hindi pa ako nakakalahati ay tumunog ang doorbell ng condo ko.
Iniwan ko ang pagkain sa table at dali-daling pumunta sa pintuan.
Baka silang tatlo na'to!
Hindi pa ako nakarating sa pinto ay nag-doorbell ulit ito.
Atat lang?
"Sandali!" sigaw ko.
Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa'kin ang mukha ng unang lalakeng sumakit ng todo sa'kin.
Si Dad!
"D-dad!"
"Princess!"
mahina at sabay naming sambit.Dali-dali kong isinara ang pinto pero pinihioan ito ni Dad.
"Princess!" ulit niya. Kaya binuksan ko na ang pinto ng malawak.
"Ano pong kailangan niyo?" Mahina kong sambit.
"Bakit ka ba galit sa'kin?..." Ha! at tinanong niya pa talaga. "Kung tungkol to sa pag-aasawa ko ulit! Sorry! Pero anak tao lang din naman ako, umiibig. Kaya sana naman maintindihan mo!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Nadala ako sa emosyon sa pagitan namin kaya di ko na napigilan pang lumuha.
"Dad! Oo galit ako...sayo! Galit na galit ako sayo! Pero Dad okay lang naman sa'kin kung may ipapalit ka kay Mom eh! Okay na okay lang sa'kin! Kaso Dad! Nawawalan ka na nang oras sa'min! N-nawawalan ka n-na ng oras sa'kin! Para kasing yung bago mong asawa at yung anak niyo lang ang pamilya mo. Kinalimutan mo na ako... Kami na anak mo din." galit kong sambit
Kusang tumulo ang luha ko na para bang may sarili itong utak.
I'm so tired.
---
~Aya~

YOU ARE READING
Happiness With Him
Teen FictionAng storyang ito ay walang pinagkaiba sa ibang storya. Ngunit ang storyang ito ay binase sa totoong buhay ng isang tao. Ang lahat ng nilalaman, may tama sa'yo. --- Just read it! TheGorgeousMe97