J.A.P.A.N 19 - The Weak's Battle

10 3 0
                                    

■□■□■

》TRIXIE'S POV《

"FORTY?!?!?!?!?!" napasigaw ako nang nalaman kong si Forty ay nakayakap sa akin ngayon.

Natulog kami sa iisang kama magdamag?!

Dahil sa sobrang aggressive na mga galaw ko ay siyempre, nagising ito.

Kinuha ko agad ang inhaler mula sa bag ko at isinupalpal sa ilong ko habang pinapanood siya na nagi-inat-inat.

Puting sando lamang ang suot nito at hapit na hapit pa sa kanya. Hindi masyadong kalakihan ang kanyang katawan ngunit lahat ng bahagi ng katawan nito ay magaganda ang hubog dahil matitigas ang mga muscles nito, mula sa kanyang abs, braso, hita at binti.

"Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?!" pabulyaw na tanong ko sa kanya. Hindi ako natitinag sa mga ganyang klaseng katawan kaya please, huwag ako.

"Kasi ano eh----" panimula nang bigla akong may narinig sa labas.

"Trixie! May kausap ka diyan?" sigaw ni Rochelle.

"Magtago ka!" pabulong na sigaw ko sa kanya.

"Bakit?" tanong niya sa akin habang nagkukusot-kusot pa ng mata.

"Basta magtago ka na!!!" pabulong na sigaw ko sa kanya. Hinila ko siya at binangon ko siya saka siya ipinagtulakan sa aking cabinet.

"Teka, ano 'to? Anong ginagawa mo sa akin?! BAKIT MO AKO IPINAPASOK SA CABINET MO?!" pagtataka niya nang dinala ko siya sa loob ng cabinet.

"Basta 'sssh' ka lang." utos ko at isinara na ang cabinet.

At sakto namang nagbukas ang pinto.

"Hindi ka pa nakabihis? Maga-alas-nuwebe na." pahayag niya.

Tumingin ako sa relo.

Hala, 8:42 AM na. 9 AM ang una kong klase.

"Ah-oo, maga-ano na ako mamaya. Hehe." pahayag ko habang kinokontrol ang paghinga ko.

.

.

.

*krook krook*

.

.

.

"May kausap ka rito? Bakit parang may kausap ka, at bakit parang hingal na hingal ka? Napagod ka rin bang matulog?" mga sunod-sunod niyang tanong at nagsimulang mag-ikot sa kuwarto ko.

"Hindi, no." depensa ko. "Nag-ano lang ako, nag-ano...nag-linis..." palusot ko.

"Naglinis? Bakit may nakakalat na sandals na panlalaki rito?" tanong niya sa akin at iniangat ang sandals. "At ano itong mga panlalaking suot dito sa table mo?" dagdag niya.

"Kaka-ano ko lang iyan...kakabili. Ahm, regalo ko sana kay Forty, kasi ang ano niya...ang ano...ang bait niya..."

Sorry, Rochelle, dahil napaglilihiman kita. Ito naman kasing si Forty, hindi ko alam kung paano nakapasok sa kuwarto ko.

Tinalasan niya ang kanyang titig sa akin at saka ibinaba ang sandals sa sahig.

"Mauuna na ako sa school. Hindi na kita kayang hintayin, male-late na ako." pagpapaalam niya.

"Sige sige." sagot ko naman at pinanood na lamang siya na umalis sa kuwarto.

Buti na lang at hindi niya alam ang nangyari sa akin kahapon.

Agad kong ini-lock ang kuwarto at binuksan ang cabinet. Lumabas dito si Forty na basang-basa sa pawis, kaya ang kanyang sando ay naging see-through na.

J.A.P.A.N (Just A Prick And Now...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon