Chapter 4

927 20 0
                                    

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
" You're there but for some reason, I can't reach you, stop you, who's like a dream is a butterfly high to me"
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

RM's POV / Namjoon's POV

Nag-aayos na kami ng gamit dahil sa isamg araw ay pupunta kami sa Philippines para sa 2 Day concert doon. Excited na kaming lahat, lalo na ako.

" Ayos na ba gamit mo Namjoon?" tanong sakin ni Jin hyung habang nakasilip sakin sa pintuan.

"Patapos na. Ikaw?" tanong ko at nag okay sign siya sakin. Tumango nalang ako at sinara na niya yung pintuan.

Gusto ko na bumalik ulit sa Pilipinas....

***
" Ph armyyy!! Papunta na kamii!!" sabi ko sa video na si Suga hyung ang may hawak ng camera. Kumaway kaway naman silang lahat at inend na yung video.

Paniguradong madaming matutuwa pagkapunta namin sa Philippines.

***

" RM!!!"
" Taekook!!!!"
"Jiminnn!! Waahhh Sugaa!!"
" Jin!!"
" J-Hope!!"

" Welcome to the Philippines!" sigaw ng mga tao dito sa airport. Nakakatouch. Ang sweet talaga nila.

Pumunta na kami sa hotel na tutuluyan namin.

" Finally!! Aaaaaaa!!!" sabi ni Jungkook habang uunat ng katawan.

"2017 pa tayo last na nagconcert dito noh?" tanong ni J-Hope hyung at tumango kaming lahat.

"Uhm, meron pa naman tayong 3 days bago ang concert diba?" tanong ko at tumango sila.

" Oo, bakit? May pupuntahan ka ba?" tanong ni Jimin at tumango ako.

" At saan naman yannn hyung???" sabi ni Taehyung at umakbay sakin. Nilabas ko yung wallet ko at kinuha don ang isang picture at pinakita sakanila.

"O-ohmy!!! Doon sa lugar!" sabi ni Jin hyung.

"Ah okay! Gets ko na! Tulog muna ako ha!" sabi ni Jungkook habang tumatawa at pumasok na sa kwarto niya.

" Sige. Bye." baba ni Suga hyung sa phone niya. " Si Kai- Kai?" ( pronounced as keykey)
dagdag ni Suga hyung at tumango ako. Binigyan niya lang ako ng ngiti at pumasok sa kwarto niya.

Napatingin nalang ako sa labas. Hayyy!! Nakakamiss naman talaga...

KINABUKASAN
"Hoy! Ano yan ha?" tanong ko sakanila at pinuntahan si Jin hyung sa kusina.

Kakagising lang namin. Gumawa kami ng isang RUN BTS kahapon.

"Please? Doon ka lang okay? Hays. Sige. Bye" sabi naman ni Suga hyung sa kausap niya sa phone niya at binaba na iyon. Pumunta ako sakanya at inakbayan.

"Mwonga jalmos dwaessni?" tanong ko sakanya at umiling siya.

" Wala wala. Wag ka ngang OA. Tara na! Baka luto na yung niluluto ni Jin hyung" sabi niya at tumango nalang ako. Kahit hindi naman niya sabihin, nararamdaman ko eh. Ilang taon na kaming magkasama niyan noh.

***
" Anong oras alis mo Namjoon hyung?" tanong ni Taehyung sakin. Kumakain na kami ngayon.

" Baka mga 10? kasi sampung oras ang byahe papunta don sa Ilocos" sabi ko at tumango nalang siya.

"Basta umuwi ka dito the day after tomorrow ha? May rehearsal tayo at concert ha! Baka nakakalimutan mo" sabi ni J-hope hyung sakin at tumango ako.

"Alis din tayoo!! Ano si Namjoon hyung lang gagala? Dapat tayo din" sabi ni Jungkook at natawa kaming lahat.

"Kala mo ganung kadali ah" sabi ng isang staff samin at nagpout si Jungkook. Bata talaga tong isang ito.

"Hanap tayo paraan. Hindi pwedeng si Namjoon lang ang aalis. Hahahaha!" sabi naman ni Jin at pumalakpak naman si Taehyung. Napansin ko si Suga. Ang tahimik. Ano na naman kaya nangyari dito?

***

" Ingat!!! Kai-kai joke!" sabi ni Suga sakin at hinug ako.

" Bye hyung!!" sabi nilang lahat at sumakay na ako sa van. Hays!!

Can't wait...

Jerenne's POV

" Ma! Mano po. Si Ate Addison?" tanong ko kay Mama. Kakauwi ko lang. Gumala kasi kami ng mga kaibigan ko.

" Nasa taas. Kanina pa nga hindi bumababa yun simula ng tanghalian eh" sabi ni Mama habang naghuhugas ng plato.

" Ahh sige po. Ako nalang po bahala" sabi ko at umakyat na sa kwarto niya.

"Ate?" katok ko sa kwarto niya. Wala pang ilang segundo at binuksan na niya yon.

"Anyare sayo? Nagmumukmok ka ata diyan?" tanong ko habang sinasara yung pinto at umupo sa kama niya.

"W-wala. Wala lang talaga akong magawa. T-tulog din ako" sabi niya na nauutal. Anong nangyari ditoo???

" Sus. Dahil nasa Pilipinas lang yung Bangtan?" sabi ko at nakatingin padin siya sa desk niya. Nakaupo siya at nakahawak sa ulo.

"Ano ya- Ate!!! Ate!" sigaw ko sakanya at niyugyog siya. Eto na naman!!! Nakasabunot siya sa buhok niya at namumula.

" Mama!! Pataas ng tubiggg!!!" sigaw ko sa baba at rinig ko si Mama na nagmamadali.

"Arghhhhh!!! Ang sakittttt ng ulo koo!!" sabi ni Ate at naluluha. What the?

" Eto na yung gamot niya at tubig!" sabi ni Mama at pinahiga si Ate sa kama.

" Tawag ka kay Doctora. Nandun yung cellphone ko sa kwarto. Sa gilid ng loptop. Bilis!" sabi ni Mama at dali dali kong hinanap yung cellphone at dinial yung number ni doctora.

" Yes? Mrs. Vargas?" tanong ni Doc.

" Si Jerenne po ito. Si Ate po."

" Ah okay. Papunta na ako" sabi niya at binaba na yung phone.

***
" Mrs. Vargas? Usap po muna tayo sa labas" tawag ni Doc kay Mama at sinenyasan niya ako ng "ikaw na bahala diyan ha". Tumango nalang ako sakanya at sinara na nila yung pinto.

"Jerenne?" tawag ni Ate sakin habang nakahawak sa ulo niya.

" Okay ka na ba?? Masakit pa ba ulo mo?" tanong ko sakanya at ngumiti siya.

" Okay na ako. Pwede favor? Yung bracelet sa ibabaw ng desk ko, pakilagay sa isang box at pakitago sa cabinet ko. Salamat. Tulog lang ako" sabi niya at pumikit na.

Naghanap muna ako ng maliit na box. Kinuha ko yung bracelet na iyon. Isa siyang gawa sa mood at may nakaukit na...

~Ilocos R-A~

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Mwonga jalmos dwaessni?= Is there something wrong?

Always and Forever❤️ ( BTS tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon