Chapter 6

716 24 0
                                    

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
" I am afraid, I am run down, I am so afraid that you will leave me again in the end"
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Jerrene's POV

"Asan si Cielle?" tanong ko kay Iris habang kumakain kami. Recess na kasi.

"Saan magcoconcert ang Bangtan?" tanong niya.

"Philippines. Ohmy. Don't tell me na.." sagot ko at tumango siya.

"Pano?May kamag-anak ba siya don?? Di naman pwedeng magbakasyon siya dahil tambak tayo ngayon." dagdag ko.

"May kamag-anak daw siyang uuwi ng Philippines. Sana all hahahahaha" sagot ni Cielle. Nakakainggit naman! Sana all talaga.

"Beh. Sa likod mo" sabi niya at kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa likod at nakita ko ang taong ayaw kong makita.

"Ano na naman Lance?" tanong ko sakanya at nakatitig lang siya sakin.

"Ang ganda ganda mo talaga." sabi niya at umirap ako.

"Geuman dwosseo"

"Di ko alam kung bakit ka nainlove sa mga taong hindi ka naman magugustuhan. Kaya nga sabi ko sayo, sakin ka nalang. Di ka pa masasaktan" sabi niya na kumindat at umalis na.

Tss. Wala ng lalaking hindi nananakit. Except sa mga asawa ko hehehehehe. My Bangtan Boys.

"Ang daming sinabi. Hindi niya lang talaga matanggap na walang siyang chance sayo." sabi ni Cielle habang nakatingin sa grupo nila Lance.

"Hayaan mo nalang. Wala siyang mapapala sakin. Kaya kung ako sakanya, tumigil na siya dahil ang may-ari ng puso ko ay ang BTS" sabi ko at nag apir kaming dalawa at tumawa.

"Bukas na yung concert ng bangtan noh?" tanong ko and tumango siya.

RINGGGGGGGGGG!!!

Tumayo na kaming dalawa dahil bell na. Pumasok na ko sa classroom ko at siya naman ay pumasok na sa classroom niya.

***

"Tara na ate! Susunduin pala tayo ni Mama eh." sabi ko at tumango nalang si Ate. Uwian na namin. Hays! Ang dami kong dalang libro. Hirap mag-aral. Pero kapag nakatapos naman ay worth it kaya never give up.

"Sana may maglive sa concert ng Bangtan sa Philippines" sabi ko kay Ate habang nagiintay kami sa waiting shed. Tumingin ako sakanya at nakatingin siya sa malayo.

"Ate?" tanong ko at tumingin na siya sakin.

"Ah-oo. Oo sabi ko nga." sabi niya at ngumiti sakin. Tinignan ko yung wrist niya at nakasuot sakanya yung bracelet na nakita niya sa cabinet.

"Nakasuot na pala sayo yan? Bagay sayo ah. Ganda ng taste ng bumili. Sino nga ulit bumili niyan?" tanong ko at nakatulala na siya. Napahawak siya sa ulo niya. Nilabas ko agad yung tubig ko at pinainom ko sakanya.

"Okay ka lang ba ha? Ay ayan na pala si Mama. Tara na nga!" sabi ko at pumasok na kami sa loob ng sasakyan.

KINABUKASAN

"Ma! Alis lang ako ah. Kailangan ko kasing bumili ng damit eh. Para sa project namin" sabi ko kay Mama habang nagpupulbo.

"Magpasama ka na sa ate mo. Baka kung anong mangyari sayo sa labas eh" sabi ni Mama at saktong bumaba si Ate.

Always and Forever❤️ ( BTS tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon