Regrets

167 2 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon naalala ko parin siya

Na hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kong binabalikan lahat ng pangyayari.
Na kasama sya

Hindi ko alam.  Sabi ko sa sarili ko noon na lokohan lang na hindi to seryoso pero bakit?  Bakit ako nasasaktan.

Bakit hanggang ngayon hinahanap hanap ko ang presensya nya.

Bakit palagi kong naaalala lahat ng tungkol sa kanya

Bakit ako nanghihinayang na hiniwalayan ko sya.

Bakit hanggang ngayon umaasa parin ako na babalik sya

Na sa una naman talaga ako ang lumayo

Ako yung lumimot,  ako yung nanakit sa kanya

   Bakit?  Bakit ako nasasaktan ang alam ko hindi ko naman sya minahal diba!  Pero bakit ganto

Bakit ang lungkot?  Bakit ang sakit

Bakit ako nasasaktan na malaman na may iba nang nagpapasaya sa kanya

Bakit ako nasasaktan gayong dati rati ay wala naman akong pakialam sa kanya.

Mahal ko na ba sya?  Bakit ngayon pa

Bakit ngayon pa na wala na sya?

Bakit ngayon pa na may mahal na syang iba

Bakit ngayon pa Kung saan Hindi na ako ang mahal nya...

Ang Tanga ko 😭 Na kung kailan wala na sya.  Kung kailan hawak na sya ng iba

Ay dun ko lang narealize

Ang halaga nya.  Ang tunay at totoong nararamdaman ko sa kanya

Mahal ko sya.  At ngayon hindi ko alam kung ipaglalaban ko pa ba sya  O hahayaan ko nalang syang maging masaya kahit masakit,  kahit mahirap

Na makita syang hawak ng iba.

Hi Ex !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon