CAI'S POV
*uwooo*
"Ok ka lang Frey?" - Tanya
"Eh ikaw Dy?" tanong ko din kay Sandy at pinat yung likod niya
Haha. Ang lakas makapag-hamon kanina. Tapus ngayon susuka suka sila. Haha.
"Sino ngayon ang mahina? Weak?" - Tanya
*uwooo*
Sige. Suka pa. Haha.
Inaamin ko madali din akong mahilo. Pero ewan ko ba kung bakit pagdating sa mga rides ang lakas lakas ng sikmura ko. Enjoy ba. Haha. Di naman ako nagsusuka. Sumusuka talaga ako pag sumasakay ako ng bus. Ayoko talagang sumasakay sa bus. Lalo na pag di open yung bintana. Gusto ko kasi yung may nalalanghap akong hangin. Di naman polusyon sa hangin. Grabe naman. Basta, ang gusto ko, fresh air.
"Kaya pa?" tanong ko dun sa dalawa
"Water please? I need wa-" *uwoo*
"Makapag-hamon kasi kanina parang di susukain ah" pang-aasar ko kay Freya
"Tubig! Tub-" *uwooo*
Haha. Nakakatawa talaga itsura nitong dalawang to. Alam niyo yung parang lantang gulay? Ganun. Na kulang nalang mahalikan nila yung lupa at gumapang.
"Oo na. Sandali lang. Bibili lang ako"
Agad naman akong naghanap ng pagbilhan ng tubig. Bumili ako ng apat.
Tumakbo naman ako pabalik kasi naiimagine ko yung itsura nung dalawa na gumagapang na. Haha.
"Oh"
Nagmumog muna sila tsaka uminom ng tubig.
"Kaya pa? Madami pang nakapila oh" - Tanya
Pangatlo palang namin to. Yung una sa ferris wheel tapus sa caterpillar tapus...ayun nga, katatapos lang dun sa octopus kanina.
"Kaya pa! Pahinga lang saglit" - Sandy
Nagpahinga naman kami saglit.
"Tara!" - Freya
Wow. Bilis naka-gain ng energy ah.
Naglakad lakad naman kami.
"Tara dun!" turo ni Tanya sa isang bahay
Lumapit naman kami sa mala-bahay na yun. Dun ko lang napansin yung mga nakasabit na kamay, paa, mata, at kung anu-ano pang parte ng katawan.
Haunted house?
Hell. Ayoko. Takot ako. Oo. Takot ako.
Binasa ko naman yung nakasulat na karatula sa bahay na yun.
"Welcome to Lola Piting's House"
"Tara?" aya samin ni Tanya
"Ahm...ano, naiihi ako. Una na kayong tatlo. Sunod ako. Ihi lang ako" - Freya
"Teka Frey" sabay hila ni Sandy sa braso ni Freya "Naiihi din ako"
"Hey! Takas takas din pag may time?" tatawa tawang sabi ni Tanya
Oo nga. Tatakas pa talaga ah. Di nila ako gayahin. Chill lang. Para di kuno halata na takot ako. Hehe.
"Hehe" - yung dalawa
