CHAPTER 9

84 10 3
                                    

CAI'S POV

Unti-unti kong iniangat ang ulo ko.

Nakabulsa ang isa niyang kamay at yung isa, may hawak na C2.

Nakatitig siya sa'kin. Hindi ko mabasa yung mukha niya. Kalmado kasi. May headset siya sa leeg niya.

Matangkad...

Sakto lang ang pangangatawan...

Maputi...

Makinis...

Matangos ang ilong...

Red li-

"Ate wala na pong straw" narinig kong sabi ng isang estudyante

Tsaka ko naman naalala yung straw na hawak ko, na malamang...kanina pa nila hinihintay. Agad-agad akong tumayo at bumalik sa kinauupuan namin.

---------

Bumalik na kami sa room. Madami ng tao. Ang ingay nga eh. Parang nasa palengke.

"Pagpasensyahan niyo na sila. Ganyan talaga 'yang mga 'yan. Maiingay" sabi nung katabi ni Sandy

Dumating naman na yung next teacher.

"Faster"

Napatingin naman kami sa bagong dating.

Yung nasa likod ni Freya, yung nasa likod ni Sandy tapus isa pang lalake tapus...tapus...parang pamilyar 'tong isang 'to. San ko ba 'to nakita?

"Sorry ma'am" sagot nila at umupo na

Ganun din. Napansin kami tapus nagpakilala na naman. Paulit-ulit. Unli kasi eh.

----------

Natapos ang buong araw.

"Kumusta naman ang first day niyo mga anak" tanong ni Manang Sita pagkarating namin sa bahay

"Ok lang naman po" - Sandy

"Ay eh di mabuti kung ganun" sabi niya ng nakangiti "Magbihis na kayo at maya-maya kakain na"

Umakyat naman na kami para magbihis.

Tinatanggal ko yung lock ng bracelet ko nang makapa kong wala yung nakabitin na bilog.

Tinignan ko, wala nga talaga.

"San ba yun nahulog?"

*isip isip*

Pagkatapos ng subject na yun, recess. Tapus pumunta kami sa canteen, nag-order, umupo tapus walang straw tapus...tapus...

*isip isip*

Ayun! Naalala ko na. Nasabit at nahulog tapus tumigil sa dulo ng sapatos.

Naalala ko yung mukha nung lalake.

"Teka..diba isa yun sa mga late kanina?" umupo ako "Siya nga yun! Tsk. Bat kasi di ko kinuha agad eh. Nakakainis naman. Tsaka...yung straw din na yun. Nawala tuloy sa isip ko na pulutin yung bilog"

"Prinsis?"

"Po?"

"Kakain na"

"Sige po. Susunod na"

----------

His PropertyWhere stories live. Discover now