2: He Cares

77 9 18
                                    

***

Maaga kaming nag-awasan, may bisita daw kasi kami bukas kaya binigyan nila kami ng time na makapagreview na kasama yung grupo na naassign kanina, wala na yung mala a love so beautiful kong love story, sirang sira na ;<

Nandito nga pala ako ngayon sa may hindi medyo exact na gitna ng school. Sabi ni Keisha sa gitna daw ng school meeting place! Ang bobo din nun minsan pa'no ko malalaman yun gitna ng school eh di naman niya ko binigyan ng map nito na may coordinates, hayss.

Ilang oras nako nag aantay dito bat ba ang tagal nila? Kanina bago mag awasan sabi niya may bibilhin lang siya sandali kasama yung iba naming members tas mag antay nalang daw ako dito sa gitna. Halos wala na ngang katao tao dito sa school ngayon eh, padilim nadin.

Maya-maya ay naramdaman kong bumuhos na ang kanina pang nagbabdyang ulan. Badtrip wala akong payog, hays hayaan na nga, intayin ko parin sila dito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay mukha na akong basang tao. Oo tao, ewan ko yung iba parang tanga lang mukha daw silang basang sisiw ganern, baliw eh tao kaya sila... BASANG TAO period!

Kinusot ko yung mata ko na medyo napasukan na ng maalat na ulan. Maya-maya pagkamulat ko ay may naaninag akong lalaking nakapayong, medyo malabo lang kasi kakakusot ko palang ng mata ko.

Hala! Ito naba yung kapalit ng nasirang mala a love so beautiful kong story? Mala wattpad na story naman? Yiee, may ganto bang scene sa possesive? Wait isipin ko ah.

*pikit* think, think, think!

"Hoy bobita! Anong ginagawa mo dito sa gitna ng ulanan?" Napamulat ako ng marinig kung sino yin! Si Jico!

"I-ikaw ba'yan Jico? Di kaba imagination hehehe" paninigurado ko sabay poke sa pisngi ni Jico.

"Tsk. Stupid ugly girl" wow! Siya nga!

"Bat ka pala nandito? Iniintay mo'ko?" Tanong ko, nakita ko namang namula siya saka umiwas ng tingin.

"Namumula kaba?" Napa sigh siya saka umiwas ng tingin. Hinipo ko tuloy yung noo at leeg niya baka mamaya may lagnat pala 'to.

"Tsk. Bobita talaga" sabi niya sa'kin saka hinawakan yung braso ko saka ako hinigit.

"Sa-saan tayo pupunta Jico?" Tanong ko habang hila parin niya ko, pero share kami sa payong.

"Let's go home" tipid na sabi niya, teka nga magkaiba naman kami ng bahay ah? Bat sabay kami uuwi? Bobo din pala minsan si Jico.

Naglakad na nga kami papunta sa may labasan ng school.

"Shit!" Narinig kong napamura si Jico ng makitang sarado na yung gate at nakalock na.

"Shit! Sabi ko sakanya antayin niya tayong makalabas! Uliyanin talaga si tanda!" Narinig kong sabi ni Jico sa sarili niya habang nakahawak sa bridge ng nose niya.

Napatingin naman ako sa paligid.

"Anong tinitingnan mo?" Tanong niya.

"Hinahanap ko kasi yung sino yung kinakausap mo, bat di ko makita? Sabihin mo nga may third eye kaba?" Sabi ko habang palinga-linga parin sa paligid.

Iboto N'yo Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon