4: I Just Fucking Can't

70 12 10
                                    

***

Di ako mapakali sa suot ko ngayon, naka bestida kasi ako na itaas ng tuhod yung haba habang naka person shoes, doll shoes daw to sabi ni inang, pero bat sakin pinapasuot eh tao ako? Kaya ayun, this is person shoes. Ibinoknay din pala ni inang yung buhok ko na akala mo aattend ako ng debut, tapos nung nagpaalam akong iniintay nako ni Jico sa labas may pagiyak-iyak pa sila ni tatang.

Nagmano si Jico kina inang at itang saka pormal akong ipinagpaalam hihihi ang cool.

"Ba-bakit ganan ang itsura mo?" nauutal na sabi ni Jico habang namumula tapos titig na titig saakin.

"Bakit? Pangit ba?" Tanong ko naman habang tinitingnan pa yung sarili ko dun sa repleksyon ng salamin ng kotse niya.

"Y-you look stun--- I mean, mukha ka na kasing tao, hindi ako sanay." Tumawa pa siya saka pinakbuksan ako ng pinto.

"May kamay naman ako eh! Kala mo sakin lumpo? Saka marunong naman ako sumakay ng kotse kahit wala kami neto noh! Iniismall mo'ko eh!" Nakapout na sabi ko.

"Dont pout, you look like a duck" natatawa pa niyang sabi sabay gulo ng buhok ko bago iistart yung kotse.

"And when I say duck, it means you're stunning like a swan" nanlamig yung katawan ko sa ibinulong n'ya sakin.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ko kinumpara sa itek saka sa swan daw mas maganda naman ako don, pero may pakiramdam akong dapat akong kiligin sa sinabi niya...

Tahimik lang ako sa buong biyahe habang siya naman nakangiti sa kawalan.

Minsan nalinga s'ya patingin sakin kaya nagtatama yung tingin namin pero may napansin akong kakaiba...

Nakangiti siya pero malungkot yung mga mata niya...

Nakakatanga ba? Pa'no lulungkot yung mata niya eh wala namang emosyon yon noh? Hehe pero yun yung pakiramdam ko eh.

Broken hearted kaya yung mata niya? Hala baka lq silang dalawa. Gusto kong makita yung dating mata niya, yung may saya kahit laging nakasimangot yung bibig niya.

"We're here!" Sabi niya, saka labas ng kotse tapos pinagbuksan ako...

Ipinulupot ko naman yung kamay ko sa braso niya, nginitian naman niya ako.

Bumungad saamin ang pagkalaki laking mansion... grabe ang laki...

Mukhang napaka yaman talaga nila...

"Ang laki grabe" manghang-manghang wika ko. Nilibot ko yung paningin ko nung makapasok kami, malaki yung bahay nila pero walang gaanong mamahing diyamante, puro normal lamang na gamit sa bahay.

"Siguro tagong tago yung mga diyamante nyo no kaya wala dito sa displays" paninigurado ko kay Jico.

"No, wala kaming diyamante Mee, tinuruan kami ni Mom na mamuhay ng normal, ng walang gaanong luho, dahil naranasan namin mamuhay sa mahirap." Nakangiting paliwanag niya habang naglilibot din ng tingin. Pero wait, tinawag ba niya kong mee? Kinakabahan ako dito kay Jico Dee ah hehehe, wag naman sana niyang sabihin mamaya na may sakit siyang maaari niyang ikamatay hehehe wag naman sana, ganun napapanood ko sa iba eh.

Pero...

Grabe pala ano? Kahit mayaman sila namumuhay sila ng normal?
Yung iba kasi nakakalimot na basta may pera :<

Nagtungo kami sa may dining area at doon nakita kong nakangiting nagaantay ang mga magulang, kapatid ata at mga maids nila Jico Dee. Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko at medyo napayuko pa at napatago sa braso ni Jico Dee.

Iboto N'yo Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon