CHAPTER 1: Neck Kisser

70.1K 978 93
                                    

"Lia! Come on. Magsaya tayo!!!!" Sabi sa akin ng bestfriend ko. Natignan ko lang siya at nairapan ano bang nakain ng baklang to at bigla bigla nalang nag ayang mag bar. Itinunggga niya ang bote ng tequilla. Napailing nalang ako at sumimsim sa basong hawak ko.

Lagot na naman ako pag nalasing ang isang to. Ako na naman ang kawawa.

Wala akong balak maglasing ngayon.

"H-hoy? Bakit ka umiyak?" Tarantang tanong ko dahil bigla nalang nagngangawa ang baklang to. Pero hindi niya ako pinansin. Nilapitan ko na siya at tinabihan. "Ally. Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ko.

Tinignan niya ako at bigla nalang niyakap kaya natigilan ako.

"Beshy. Iniwan na ako ni Drew!" Sabay iyak nito. Drew. Napahinga ako ng malalim. Drew is his boyfriend for 2 years. May balak na nga silang magpakasal sa ibang bansa eh. Hindi na ako tumutol sa relasyon ng dalawa. Suportado pa nga niya ito. Kasi nga bestriend niya ako at sino nalang ba ako para tutulan ang ikasasaya niya.

At saka nakita ko din naman kung paano naging masaya si Ally kay Drew. Noong una nga naiinggit ako sa kasweetan nila.

"Beshy. Ang sakit sakit eh. Merlat pala ang hanap niya. Akala ko kuntento na siya sa akin eh. Yun pala may nabuntis na siyang iba." Pagrereklamo nito. Wala na akong ibang magawa pa kundi ang tapik tapikin ang balikat nito. Nabasa na rin ang balikat ko dahil sa mga luha niya na kanina pa tumutulo.

"Ok lang yan beshy. Nandito lang ako." Yan nalang ang nasabi ko. He was my bestfriend since college. Siya nga lang ang tumagal na naging kaibigan ko. Mabuti nga at natatagalan niya ang ugali ko minsan na palaging beastmode.
Lumayo na siya sa akin. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Kung hindi ko lang siguro alam na bakla ito baka kanina pa bumilis ang tibok ng puso ko. Pero hindi eh. Kahit na gwapo itong baklang ito hindi ko magawang magkagusto sa kanya. Para sa akin kasi forbidden ang bagay na yun, hindi pwedeng mangyari.

Pero napatitig ako sa mata niya na hilam ng luha. Kaya hindi ko maiwasang malungkot. He is a man but I know na napaka fragile ng puso niya. At kita sa mukha niya na nasasaktan talaga ito. Tangna Lia sino bang hindi masasaktan kapag nalaman mong iniwan ka na ng taong mahal mo kasi may iba na siya.

You should know better because you've done experiencing it.

"Wag mo akong iiwan ha." Parang batang ungot niya. Napatango nalang ako.

At hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Hinaplos ko iyon.

Paano ko siya iiwan kung siya nalang ang kaibigan kong nakakatagal sa akin. At saka paano ko siya iiwan sa mga panahong ito na kailangan na kailangan niya ako. Noon ngang panahon na kailangan na kailangan ko din siya na iniwan din ako ng taong mahal ko sa loob ng simbahan hindi niya ako iniwan eh. Hindi niya ako pinabayaan.

"Hinding hindi kita iiwan." Ngiting sabi ko sa kanya. Kaya ayun napangiti na din siya.  Binitawan na niya ako at nagpatuloy ulit sa pag inom. Napailing nalang ako. At ako hindi ko na din maiwasang sabayan siya sa pag inom dahil hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan kung saan iniwan din ako ng lalaking minahal ko.

Kinuha ko ang isang bote ng tequilla at itinungga iyon.

"Cheers! Para sa mga naiwan!" Sigaw ni Ally. Pinagtama namin ang bote at sabay naming itinungga.

Isang taon na din mula noong iniwan ako ng lalaking mahal ko sa loob ng simbahan. Yung sanang araw ng kasal namin ay ang naging araw kung saan kami naghiwalay. Kasi mas pinili niya ang babaeng nanggulo sa kasal namin at ipinagsigawang buntis ito at siya ang ama ng dinadala niya. How pathetic, matagal na pala siya nitong niloloko.

Damn all the man!

Hindi ko na namamalayan na umiiyak na din pala ako. Sawi itong kasama ko. Pati din ako sawi parin. Kaya nga hindi ko magawang magkagusto at magmahal muli diba.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sikip sikip kasi ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga ng maayos. Napatingin ako kay bakla. Napatawa ako ng mapakla. Nakayuko din ito at umiiyak.

"Drew, bakit mo ako iniwan?" Humahagulgol ito. Napailing ako.
Maya maya ay nag angat ito ng tingin sa akin.

"Bakla... Bakit lagi nalang nila tayong iniiwan? Ano bang mali sa atin?" Tanong niya. Umiling lang ako. Hindi ko alam kung anong mali sa amin. "Bakla!!!" Sabi niya at niyakap na naman niya ako. Muntikan pa akong matumba sa pagkakaupo dahil sa nahilo ako sa ginawa niya. Mukhang lasing na ako. Nagdadalawa na ang paningin ko eh. Nakayakap lang sa akin si Ally. Umiiyak lang ito. Titigil din to maya maya lang. Uminom ako ng alak sa ganoong posisyon. Tinungga ko ng minsanan ang bote ng tequilla. Wala na akong malasahan. Parang tubig nalang ang iniinom ko. Nabitawan ko ang bote dahil sa sobrang hilo. Napatawa pa nga ako konti eh. Natamaan na din ako ng alak pero alam ko pa naman ang ginagawa ko.

Magkayakap lang kami ni bakla. Tumigil na din siya sa pag iyak.

"Ano ba *hik* na..nakiki..liti ako..." Reklamo ko dito. At iniiwas ang leeg ko sa kanya kasi tumatama ang labi niya dito. Itinutulak ko siya pero hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin.

"Bakla...." Paanas na saway ko dahil naramdaman ko ang labi niya na gumalaw sa leeg ko. Nakakakiliti.

"Ano ba Alexander..." Reklamo ko pero pakiramdam ko parang naging ungol ang dating nun... "Ahhhhmm..." Napaungol ako nung maramdaman kong kinagat niya ang leeg ko. Napahinga ako ng malalim. At napahawak sa buhok niya.
Nagtatalo ang isip ko.

"Drew..." Bulong niya. Dahil doon ay bigla akong natauhan at buong lakas ko siyang itinulak dahilan para magkahiwalay kami. Napasandal siya sa sofa na inuupan namin. Habol ko ang paghinga ko at medyo nahimasmasan.

Napailing iling ako. Nilapitan ko si Ally at niyugyog ko ang balikat niya. Tulog na ata.

"Ally gising uwi na tayo." Panggigising ko. Nagmulat siya ng mata. Nagtama ang paningin namin.

"Uwi na tayo." Aya ko. Pero napatingin siya sa leeg ko.

"Bakla! Ano yan? Nakipagmakeout kaba?" Lasing na lasing na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko. Mabuti nalang mataas ang alcohol tolerance ko. Hindi katulad ng baklang ito. "Shumagotshh kashhh" parang baliw na sabi niya. Napailing nalang ako at inalalayan siyang tumayo.

Pero pagkatayo namin.

"Fuck naman bakla." Mura ko dahil isinubsob na naman niya ng ulo niya sa leeg ko. Kakaiba din talaga ang trip nito sa tuwing lasing eh. Laging nasubsob sa leeg ko. Kailan ba ako masasanay?

"Hmmm. Bangooo bangooo namanshhhh." Sabi niya hinila ko na siya palabas. At buti nalang talaga hindi niya hinahayaang mapunta lahat ng timbang niya sa akin. Pumara ako ng taxi..

"Putek ka namang bakla ka eh." Reklamo ko. Itinulak ko siya sa loob ng taxi. Tumama pa ata ang mukha niya sa gilid. Ay ewan ko sa kanya.
Pumasok na din ako.

"Dream Tower po manong." Sabi ko sa taxi driver at inayos ang pagkakaupo ni Ally. Napapalatak nalang ako noong umiyak na naman ito at paulit ulit na tinatawag ang pangalan ni Drew. Nakasandal siya sa balikat ko. Humihikbi hikbi parin.

"Ally!" Gulat na saway ko dito nung bigla na naman niyang isubsob ang mukha niya sa leeg ko. Kahilig talaga netong baklang to eh. Tas pag sasabihin ko bukas na ganun ang ugali niya kapag nalalasing sasabihin na naman niya sa akin na sinungaling ako.

Napahigit nalang ako ng hininga ko dahil naramdamn ko na naman ang labi niya na humahalik doon.

He is really a neck kisser. Ano bang trip niya?  Pukengina talaga itong baklang to eh. Ganun na ba ito kalasing para manghalik ng leeg ng may  leeg.

Ngayon lang naman kasi ito may pahalik na nalalaman eh. Manyak ngang tunay kapag nalasing.

A/N:Next chapter SPG agad. Para masaya. Hahah. Binalaan ko na kayo ha. Nasa sa inyo na kung babasahin niyo pa.
By the way support HFL do vote and comment po.

Her Feminine Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon