CHAPTER 9: Confirmed

22.9K 568 82
                                    

"Ano ba talagang gagawin natin dito at isinama mo pa ako?" Takang tanong ko kay Alex na ngayon ay hawak hawak ang kamay ko habang papunta sa opisina ng doctor daw na kakilala niya.

Pumasok kami sa isang opisina.

"Oh hi Alexander. Whats bring you here?" Tanong sa kanya ng doctor na sa tingin ko ay nasa mid forty's na. Maganda ito at sophisticated.
Binalingan ako ng tingin ng magandang doktora at nginitian ako nito. Nahiya naman ako don. Pinaupo niya kami sa upuan at hinarap.

"Tita, ipapacheck up ko lang sana tong kasama ko." Dahil nasa labas kami at mukhang kamag anak pa nito ang doctor na kaharap namin ay hindi maiwasang magpanggap na lalaking lalaki itong kasama ko. Sana everytime nalang siyang ganyan ano. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alex dito.

"Wala naman akong sakit Alex." Kontra ko dito. Napabaling ako sa doktor noong tumawa ito konti. Nahuli niya sigurong umirap si Alex.
Lumapit si Alex sa akin at binulungan niya ako.

"Minsan ang sarap mo ring tirisin na gaga ka. Ang slow mo!" Gigil na sabi niya. Kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Kainis siya eh. Bakit naman kasi ako mag papacheck up eh wala naman akong sakit.

"Aww." Daing niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Pero napako ang mata ko sa poster na nakadikit sa pader. Teka napatingin ako sa nameplate ng doktora at nanlaki ang mata ko noong mabasa iyon. This is an OB Gyne clinic for petes sake.
Hindi ako makapaniwalang tinignan si Alex na ngayon ay nakataas na ang kilay.

"O ano ngayon gets mo na?" Pang aasar niya kaya wala sa oras na napatayo ako at binatukan siya.

"Aww. Bakit ba napakasadista mo?" Reklamo niya.

"Anong kabaliwan ito Alex?" Nangigigil na tanong ko sa kanya.

Pero ayun pinaupo lang niya ako.

"Relax Lia. Relax. Hindi to kabaliwan. Naninigurado lang." Sabi niya. Napahinga ako ng malalim. Saka ko naalala ang mga kakaibang bagay na nangyayari sa katawan at sarili ko nitong mga nagdaang araw kaya binundol ng kaba ang puso ko.

Sabi kong payag na ako  na magbuntis pero hindi naman ganito na agad agaran at saka hindi ko maiwasang matakot. Nakakatakot pala.

"Relax ka lang ok." Napatingin ako sa kanya noong sabihin niya iyon. Mahinahon na siya ngayon. Hinawakan niya pa ang kamay ko at hinaplos. Kaya napakalma naman ako dahil doon.

Kahit na may takot man ay pumayag nadin ako na magpatest. Gaya nga ng sabi niya para makasigurado. Kaya pala ganun ang mga tingin niya sa akin kagabi at kaninang umaga dahil may hinala siya na may laman na nga itong tiyan ko.

Ilang oras lang naman kami doon. Hindi ko maiwasang kabahan at matakot kaya ngayon ay namamawis ang mga kamay ko.

"Congratulations Alex and Lia. You're 3 weeks and 3  days pregnant." Ngiting ngiting sabi ng doktor. Hindi ko maiwasang magbilang at nanlaki ang mata ko at napabaling kay Alex na ang laki ng ngiti. Pinandilatan ko siya. Nakakaputa lang iyong ngiti niya parang nang aasar.

"Confirmed! Made in kitchen. Ang galing ko talaga." Bulong niya sa akin kaya nahampas ko siya sa dibdib.

"Aw. Sadista " tatawa tawang sabi niya pinandilatan ko siya ng mata. Binalingan niya ang doktor.

"Thank you tita Meg." Sabi niya dito.

"Hay nako. Matutuwa si Alfonzo at Xandra nito." Sabi lang nito. She is pertaining to Alex parents. "Siya maiwan  ko muna kayo at may gagawin pa ako." Bago ito lumabas ay. "And Lia inumin mo yung mga vitamins mo ah. At ikaw naman Alexander  alagaan mo iyang mag ina mo" bilin niya pa. At iniwan na kami sa clinic na iyon.

Her Feminine Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon