CHPATER 13: Scared and Curious

16.7K 450 40
                                    

Naalimpungatan ako noong pakiramdam ko hindi ako makahinga. Pakiramdam ko may nakadagan sa akin.
Kaya kahit na antok man ay pinilit kong iminulat ang mata ko.

Naamoy ko ang amoy ni Alex at medyo amoy alak. Nakainom ba siya. Ilang gabi na siyang ginagabi sa pag uwi ni hindi ko nga alam kung saan siya nagpupunta eh. Nagtatampo na din ako, baka kasi nagsawa na siya sa akin kaya ganun.

"Alex ano ba, nakainom ka na naman ba?" Saway ko dito noong maramdaman kong hinahalik halikan niya ang leeg ko.

Simula noong araw na iyon noong nalaman ko na may isinesekreto siya sa akin naging ganyan na siya. Palaging late kung umuwi, nakainom ganun. Ano ba talagang problema niya.

"Alex naman eh." Saway ko dito at marahang itinulak siya. Pero dinaganan lang niya ako at nagsumubsob sa leeg ko. Napakunot noo ako noong basa akong naramdaman.
"Lex?" Tawag ko dito at tinignan ang mukha niya. Pilit kong inabot ang remote kung saan pwede kong iswitch on yun ilaw.

"Oh my gosh Alex! Napano yang mukha mo?" Gulat na tanong ko noong makita ang mukha niya. Basag ang gilid ng labi niya at may gasgas sa gilid ng kilay niya. Kinabahan talaga ako doon, nag alala. Tumayo ako at hinarap siya. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng kama. At saka tama ba itong nakikita ko umiiyak siya?
"Ano bang nangyari sayo napaaway kaba?" Tanong ko "At bakit ka umiiyak?" Tanong ko ulit at saka pinunasan ang tumulo niyang luha. Pero nakapikit lang siya at nakayuko ni hindi niya ako magawang tignan. Kinuha ko na yung upuan sa may harap ng vanity mirror niya pati nadin ang first aid kit. Napabuntong hininga nalang ako.

Nitong mga nagdaang araw pansin ko rin na iniiwasan niya ako. Ni hindi na niya ako kinakausap ng matagal. Kaya tahimik na lang ako habang ginagamot siya. Nasasaktan din naman ako eh. Nahihirapan din naman ako sa kaiisip kung ano ba talaga ang problema.

Noong matapos ko siyang gamutin ay napatitig ako sa kanya. Kanina pa niya ako tinititigan habang ginagamot siya.

"May problema ba tayo Alex?" Tanong ko sa kanya ni hindi ko maiwasang maghinanakit. Pero lumipas ang ilang minuto pero hindi niya ako sinasagot. Nakakapagod na ding magtanong ng magtanong pero wala naman akong sagot na nakukuha. "Sumagot ka naman Alex. Palagi ka nalang ganyan eh. Nakakastress ka ng bakla ka." Inis ng sabi ko at hindi ko na mapigilan ang umiyak. Alam niyang buntis ako kaya bawal sa akin ang mastress at nagiging emotional na din ako pero ganito pa ang pinag gagawa niya.

Pero pinunasan lang niya ang luha ko. May nakikita akong lungkot at takot sa mata niya. Pero bakit ba siya nalulungkot? Ano ba dapat ang katakutan niya?

"Hindi ka talaga magsasalita?" Inis ko ng tanong dito. Nakakasawa na din. "Bahala ka diyan. Aalis nalang ako." Banta ko dito at tumayo na ako at tumalikod sa kanya noong pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin. Nakaupo parin naman siya sa kama. Isinandal niya ang ulo niya sa likod ko.

"Don't leave me." Sabi niya. Ramdam ko din ang paggalaw ng balikat niya. Umiiyak ba siya? Inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya na agad naman niya akong niyakap ulit. Nakayuko siya habang yakap ako. Umiiyak nga siya.

"Ano ba kasing problema Alex?" Mahinahon ko ng tanong sa kanya. Kaya tiningala niya ako. Napabuntong hininga ako noong makita ang mukha niya. He is crying. Pero bakit ba siya umiiyak. Pinunasan ko ang luha niya.

"Lia..." Tawag niya sa pangalan ko. Hinaplos ko naman ang pisngi niya.
"Promise me. Whatever happened don't leave me." Parang batang sabi nito. Ang weird na talaga ng isang to.

"Kahit anong malaman mo. Promise me you wont leave me." Request nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Tungkol na naman ba ito sa sekreto niya? "Please promise me." Bakas sa mukha nito ang takot. Kaya ko ba siyang iwan sa panahon ngayon? Kaya ko ba siyang iwan sa ngayon na alam kong hulog na ako sa kanya? Kaya ko ba kung siya ang ama ng dinadala ko.

Nginitian ko siya a reassuring one. Bahala na. Bakit ba kasi ayaw niya pang sabihin sa akin.

"Ano ba kasing lihim yon Alex? Masasaktan ba ako pag nalaman ko?" Tanong ko sa kanya. Dahil doon ay mas lalo kong nabakasan ang mukha niya ng takot at humigpit din ang pagkakayap niya sa akin. Ang kilos na niya ang sumagot sa akin. Kaya pati ako ay hindi ko maiwasang matakot. Kaya kong mangako sa ngayon na hindi ko siya iiwan pero natatakot din ako paano kung hindi ko kayanin ang sakit na dulot ng sekretong iyon at sa huli'y aalis din ako.

Aalis din ako to save myself from hurting.

"Don't leave me please." Yan na naman ang pagsusumamo niya. Napabuntong hininga nalang ako. Bakit kasi ayaw niya pang sabihin sa akin. Para magkaalaman na.

"Sabihin mo na kasi sa akin kung ano yun Alex." Sabi ko dito. Pero sunod sunod ang pag iling niya na parang bata.

"No. I can't. Iiwan mo ako kapag sinabi ko." Namumula na ang mata niya dahil sa pag iyak. He's a feminine one kaya hindi na nakapagtataka na sa ngayon ay grabe na ang iyak nito.

"Hindi ko kaya pag iniwan mo ako." Sabi pa niya. Kikiligin na sana ako pero may pumipigil sa akin lalo pat alam kong may lihim siya sa akin na pwedeng ikadurog ng puso ko.
Masaya sanang malaman kung bakit hindi niya ako kayang mawala sa kanya. Why he can't afford to lose me.

Masaya sana lalo pat alam ko ng mahal ko na siya. Pero hindi ko pa masasabi sa kanya hangga't hindi nagiging malinaw ang laha't lahat sa amin. Hanggat madami pa akong katanungan sa kanya. Hanggat madami pang mga loopholes na kailangan mabigyan ng pansin.

"Wag mo akong iwan." He plead.
Yan ang paulit ulit na sinasabi niya. Hanggang sa mahiga kaming dalawa. Yan parin ang sinasabi niya.

Alam ko na kung bakit may takot akong nakikita sa mga mata niya. Takot siyang malaman ko ang sikreto niya at takot siyang iwan ko siya. Pero ano nga ba ang ginawa niyang kasalanan sa akin para isipin niyang iiwan ko siya pag nalaman ko. Now I am getting more curious. At hindi ko maiwasang matakot. Matakot sa kung anong pwedeng mangyari.

Ngayon napapaisip tuloy ako kung gusto ko pa bang malaman iyon o kung hindi na. Takot na din akong malaman kung ano iyon dahil takot din ako na baka iyon ang maging dahilan ng pagkasira naming dalawa.

Pero hindi nawawala sa akin ang curiousity na malaman din kung ano yun.

Im scared like him and at the same time Im curious.

Her Feminine Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon