CHAPTER 14: Nicolo

17.3K 459 57
                                    

Mula noong gabing yun ay hindi nawala sa mukha niya ang takot na nakikita ko sa mukha niya. He always begging me not to leave him whatever happens kaya mas lalong nagtaka na ako. At saka kulang nalang bantayan niya ako buong maghapon.  At maging bodyguard ko siya dahil lagi nalang siyang nakabuntot sa akin..

"Bruha, sigurado kang hindi ka lalabas sa ngayon?" Paninigurado niya.

"Oo nga. Kulit nito." Kahit na nawiwirdohan na ako sa kanya. Kahit na alam kong may mali sa mga ikinikilos niya ay pinipilit ko na umakto ng normal. Na parang walang nangyayaring hindi ko pinagtatakhan.

"Kung hindi lang importante yung meeting ngayon hindi na ako papasok ngayon eh." Nakasimangot na sabi niya. He kiss my forehead and my tummy.
"Alis na ako. Aagahan ko ang pag uwi promise." Sabi niya pa. Nginitian ko nalang siya. Sa totoo lang sinabi kong hindi ako lalabas sa ngayon but the truth is papasok talaga ako sa trabaho. Sinabi ko lang yun sa kanya kasi sigurado akong ikacancel na naman niya ang appointment niya ngayong araw para samahan ako. Ako lang ba ang nakapansin parang ang paranoid masyado ng baklang iyon. At saka hindi naman ako basta bastang aalis ng ganun ganun nalang eh. Im pregnant for petes sake at saka ulilang lubos na ako saan ako pupunta pag naglayas ako.

Pagkaalis niya ay nag ayos na din ako ng sarili ko. Sasaglit pa kasi ako sa mall para bumili sana ng mga pangmaternity dress. Pansin ko kasi sumisikip na yung mga damit ko. Pati nadin yung mga jeans ko.

Gaya ngayon wala na akong masuot kaya isang maluwang na summer dress nalang ang isinuot ko.

Pero habang naglalakad ako sa loob ng mall ay bigla nalang humigit sa braso ko. Nagulat akong napatingin doon.

"God its really you Lia." Sabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkakita sa mukha niya. Napakurap kurap ako at napaatras palayo doon. Bakit ngayon ko pa kailangang makita ang isang to. Its been a year hinanap ko siya noon pero hindi siya nagpakita sa akin tapos heto siya ngayon nasa harapan ko.

"Ni-Nicolo." Sa wakas ay nasabi ko ang pangalan niya. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla noong niyakap niya ako.
Nanlaki ang mata ko doon. Hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan niya sa akin kaya wala siyang karapatang yakapin ako.

"Te-teka lang Nicolo." Sabi ko sabay kumawala sa pagkakayakap niya. Tinignan ko siya ng masama. Tanga nalang ang makikipagusap sa kanya ng maayos matapos ang ginawa niya.
"Hindi ko alam kung bakit ka pa nagpakita sa akin but I am very busy person so please excuse me." Sabi ko sabay alis sa harapan niya.

"Lia. Please can we talk. Let me explain." Sabi nito kaya walang ano anoy pinadapo ko ang palad ko sa pisngi niya na sana ay matagal ko ng ginawa. Nanginginig ako sa inis. Sa galit. Sa galit sa lalaking ito. After what he have done to me magpapakita siya sa akin na parang wala siyang kasalanan.

"F*ck you Nicolo. Wala na tayong dapat pag usapan pa. And explain what? Paano mo ipapaliwanag ang pag iwan sa akin sa loob ng simbahan sa araw ng kasal natin?" Napapunas na ako sa pisngi ko. Yeah I am crying. Akala ko kasi noon kapag nakita ko ulit siya okay na ako. Okay na ako ngayon lalo pat sa ngayon naamin ko na sa sarili ko na maaring mahal ko na si Alex. Pero mali pala masakit din pala ang makita siya.

"At saka pamilyado kana Nicolo." Sabi ko sa kanya. "Masaya na din ako. Kaya please lang wag mo na akong guluhin." Pakiusap ko dito.

"Hindi pa ako pamilyado Lia." Sabi nito. Pero paano ko siya paniniwalaan kung sa araw mismo ng kasal namin ay mas pinili niya ang babaeng nagsabing siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. Napailing nalang ako.

"Pakiusap Nicolo wag ka ng magsinungaling." Napailing iling ako. "Tama na, matagal na tayong tapos."

"Pero Lia. Totoo ang sinasabi ko. Mahal kita. Hindi naman tayo magkakasira kung hindi dahil sa bestfriend mong bakla eh." Dahil idinamay na din niya si Alex sa kasinungalingan niya ay nasampal ko ulit siya.

Her Feminine Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon