Chapter 5

8.4K 190 13
                                    

"Are you sick?"

"Are you sick?"

"Are you sick?"

'Yan ang paulit-ulit na salita na pumapasok sa utak ko. Habang pauwi ako sa bahay ko 'yun parin ang laman ng utak ko, matapos ko kasing hainan ng pagkain ang maarteng lalaking 'yon, agad na akong umuwi dahil ayokong manatili pa nang matagal du'n kasi bumabalik sa 'king alaala 'yung pag kuha ko ng condom niya. Like hell! Sana naman hindi niya napansin 'yun dahil laking kahiyaan ang aabutin ko. Alam kong mali 'yung ginawa ko pero hindi niyo ako masisisi dahil gusto kong magka-anak, desperada na talaga ako. Mawawala na kasi ako sa kalendaryo eh. Ewan ko ba bakit ang tagal dumating ng future husband ko, siguro na traffic na 'yun ngayon.

And about pala sa unknown number? Hindi ko tinanong si Dash about du'n dahil ang alam niya lang naman ay may sakit ako. Kinabahan tuloy ako kasi alam niyang pumunta ako ng pharmacy na 'yon, Hindi ko lang talaga napansin na nakita niya ako at isa pa? Sino iyong nag text sa'kin? Alam niya kung sino ako? Alam niya kung ano ako? Anong pinagsasabi ng taong 'yun?

Nang makarating na ako sa bahay ko. Duon ko lang naramdaman ang pagod, uminom ako ng tubig tapos tiningnan ko ang mesa, nagbabakasali na may hinain duon na masarap na pagkain. Hindi naman ako nagkamali dahil meron nga, napangiti tuloy ako, talagang mahal ako ng mga kaibigan ko.

Dinampot ko ang sticky note na nasa lalagyan. Andun parin ang matamis ko na ngiti.

"Eat well, Carmela, please take care of yourself... and the baby..."

"I saw you at the hospital with someone, please, ayaw kong nakikita kang lumalapit sa taong 'yon, he's quite dangerous, Carmela."

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko, alam ko ang sulat kamay ng mga kaibigan ko, iba ito sa lahat ng note na pinadala nila sa akin. Kanino 'to?

***

"Ano na? Carmela? May nabuo ba?" tanong ni Alex habang binibigyan niya nang pagkain 'yung bunso niyang anak na si Seros. Nasa mansyon kasi nila ako ngayon, gusto ko munang manahimik ngayon, wala rin naman akong duty ngayon sa mansyon kasi may outing sina Dash so walang tao roon. Kakalinis ko lang din do'n kahapon.

"Tigilan mo ako, Alex, kay aga-aga, 'yan na naman ang bukang bibig mo." Naiiling na sagot ko. Tinawanan niya lang naman ako tapos umupo na s'ya sa tabi ko.

"Nakikibalita lang naman ako sa buhay mo, Carmela, kailan ko ba makikita 'yang inaanak ko?"

"Wala pa nga eh, mas excited ka pa sa akin ah, kaloka ka talaga,"

Muli ay tinawanan niya na naman ako, kasabay nu'n ang pag baba ng mag-Ama. Lumalaki na talaga ang dalawang anak ni Alex, sobrang gwapo ni Sander lalo na si Sandra ang ganda nito, manang-mana kay Alex. Pati ang asawa niya sobrang gwapo din, mala-adonis ang mukha at shems mga bes, makalaglag panty, kung 'di ko lang 'to kaibigan si Alex baka nilandi ko na 'tong asawa niya. Pero? Ayaw ko 'yong gawin kasi? Mapaaga ang hukay ko nito pag nagkataon, mahal na mahal nga ni Sendrix si Alex eh, imposible na maghiwalay pa ang dalawang 'to. Alam ko ang totoong kwento nila, nasabi sa akin ni Alexandra lahat at bilib na bilib talaga ako sa katapangan niya. Isang maempluwensiya naman kasing tao si Sendrix. Buhis buhay ang kwento niya eh, ayoko ng ganu'n dahil ang hassle.

"Uy tita Carmela? Why are you here po?" Pansin sa akin ni Sandra na may ngiti sa labi. Nilapitan niya ako at niyakap, kung mababae man 'yung anak ko sana maging ganito ka-ganda tulad ni Sandra.

"May pinag-uusapan lang kami ng Mommy niyo. Pupunta na kayo ng school?"

"Yes po tita, we have to go! Bye po!" Paalam niya, tumango naman ako. Inirapan lang ako ni Sander 'saka ito lumabas ng mansyon kasunod ang kambal. Tingnan mo ang batang 'yun, napaka-snobbero talaga at walang pakialam sa mundo. Gwapo sana eh. Saan ba 'yun nilihi ni Alex?

Nilapitan ni Sendrix ang asawa at binigyan ito ng halik sa labi. Bwesit! Ang PDA ng mga 'to, ang sarap tuloy mag walk out. Sige sila na ang may asawa! Jusko! KAILAN BA DARATING 'YUNG FUTURE HUSBAND KO?! Saan ka nang hinapuyak ka!

"See you later, hon." Paalam ni Sendrix matapos nilang maglambingan sa harapan ko.

"Kamusta na pala 'yung pakiramdam ni Dash? Okay lang ba s'ya?" biglang tanong ni Alex na sanhi ng pag irap ko sa hangin. Sa totoo lang hindi naman 'yun malala, sadyang maarte lang talaga ang hinapuyak na 'yon.

"Okay pa sa okay. 'Di pa naman s'ya ma-mamatay eh," sagot ko.

"Ikaw talaga, huwag kang ganiyan. Magiging ama pa siya ng anak mo." nakangiti nitong saad, inilingan ko naman s'ya. Kaloka talaga.

"Tigilan mo akong bruhilda ka. Hindi pa nga ako sure kung may laman na talaga eh."

"Edi mag nakaw ka ulit ng condom ni Dash! Wala naman s'ya ngayon sa mansyon 'diba?"

"ANO?!"

"Tangina mo! Siraulo ka!"

"Hehe, para sure Carmela damihan mo. 'Wag ka ng pa feeling inosente diyan." Sabi niya na parang ang dali lang gawin lahat, palibhasa kasi wala s'ya sa posisyon ko ngayon.

"Inosente ako letche ka talaga!"

Halos lagutan na nga ako ng buhay nuong malapit niya na akong mahuli. Ngayon uulitin ko pa talaga?!

"Sabihin mo PA INOSENTE KAMO."

Wala na. Ano kaya ang pinakain ni Sendrix dito bakit nagkaganito ang maganda kong kaibigan. Ako 'yung naloloka eh.

***

"Hello po manang? Bakit po kayo napatawag?" tanong ko kay manang. Nagising ako dahil sa lakas ng ringtone ko. Pambihira. 

(Carmela, pwede mo bang puntahan si Dash sa Mandrin beach? Lasing na lasing kasi ang batang 'yon at ayaw pang umuwi, pasensya ka na talaga Carmela wala na kasi akong ibang matawagan eh,)

Swerte ba ito or malas?

Ako na naman?

"Sige po, manang ako na po ang bahala."

Kahit na ayaw ko sige na lang. Kawawa 'yong crush ko eh, baka mamaya niyan ni rape na s'ya ng mga babae duon. Wait? May ibubuga naman ako noh, 'wag kayo.

(Salamat, iha.)

"No prob, manang."

Pagkatapos kong sabihin iyon kay manang, hinalungkat ko ang mga damit ko, dinampot ko ang red two piece, tapos ang black shades ganu'n din ang summer hat. Aba readying ready yata to. Nilagay ko ito sa bag ko 'saka tiningnan ko kung may pera pa 'ko kung kakasya pa s'ya papuntang beach.

Bakit ba kasi ang kapos na kapos ko ngayon. 'Di bale na sasabay na lang ako pauwi kay Dash, libre pamasahe.

Bakit ba kasi nag palasing 'di naman pala kaya.

Bukas ko na lang iispin 'yung sinabi ni Alex. Langya! Ang bad influence talaga ng babaeng 'yun. 'Yung virgin ears ko! Pakshet!

INOSENTE AKO.

WGS02: Accidentally Having A BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon