Chapter 3

7.4K 202 10
                                    

Nakatitig ako sa syringe na hawak ko. Nasa loob kasi nito ang sperm ni Dash, naloloka ako kung ano ang gagawin ko. Sana naman may mabuo kahit 'tong baby na lang, sapat na sapat na sa akin kahit walang Daddy. Kahiyaan naman kasi ang aabutin ko pag sinabi ko kay Dash na "Dash panagutan mo 'ko dahil kinuha ko 'yung sperm mo at nabuntis ako." Ano 'yon katangahan?

"Carmela! Yuho! Where are you? May dinala kaming pagkain ni Hanna oh, papasukin mo naman kami sa lungga mo,"

Agad kong tinago ang syringe sa ilalim nang unan ko. Inayos ko ang sarili ko ganu'n din 'yung mga gamit na nasa mesa ko. Ilang dangkal lang naman 'yung hahakbangin ko dahil nakatira lamang ako sa isang kubo, wala kasi akong pera eh kaya tiis-tiis muna ang peg ko ngayon. Pag nakuha ko na 'yong sweldo ko, gora! Mag rerent ako sa condo ni Penelope. Mayaman ang isang 'yon eh.

"Carmela, buhay ka pa ba!" sigaw ni Calli. Inirapan ko naman sila tapos bahagya ko nang binuksan ang pinto ng kubo ko.

Bumungad naman sa akin ang nakangiting mga mukha ng mga kaibigan ko. 'Buti pa sila sobrang blooming, parang araw-araw yata eh. Palibhasa kasi anak mayaman at alagang-alaga ng mga asawa. Ngayon lang tuloy ako nag-sisisi na dapat talaga magpakasal na ako, este! Mag hanap na ng jowa, kainis naman 'to oh!

"Kay aga-aga parang nabwe-bwesit ka na naman sa amin." sabi ni Hanna habang nilalapag duon sa lamesa ko ang dinala nilang mamahalin na pagkain.

"Nabwe-bwesit naman talaga ako sa inyo. Hindi pa nga ako naliligo oh andito na agad kayo." mataray na sagot ko pero tinawanan lang ako ng mga kaibigan ko 'saka sila kumuha ng tatlong plato. Nilapag nila iyon sa harapan.

"Concern lang naman kami sa'yo, Carmela, these days kasi parang tinatadtad mo na ang sarili mo sa trabaho. Nag-offer nga kami sa'yo na duon ka na lang tumira sa condo ni Pen para libre pero ayaw mo, gusto mo talaga pinagpaguran mo," saad ni Calli na kinasang-ayunan naman ni Hanna. Ayaw ko lang talaga na umasa sa kanila, gusto kong mamuhay ng sarili kong sikap, 'yung pinagpaguran mo talaga. Iba ako sa kanila dahil hindi na nila kailangan mag trabaho para magkapera kasi marami silang mga negosyo. Ewan ko nga bakit ko naging kaibigan ang mga mayayaman na 'to.

"Malamang. Ayaw kong umasa sa inyo, okay na 'yong nagdadala kayo ng pagkain dito para iwas gastos na rin."

"Bahala ka nga. Anyways kamusta nga pala 'yung plan mo na magkaroon ng baby?" tanong bigla ni Hanna. Tsk kahit kailan talaga 'di mawawala ang topic na 'to.

Nasa harapan pa naman kami ng pagkain tapos malalaswa ang mga pinaguusapan. Langya!

"Nakuha mo na ba 'yung sperm ni Dash?"

"Ano ba! 'Yang bibig mo Calli ha. Nasa harap tayo ng pagkain tapos 'yang mga bibig ninyo iba ang lumalabas tsk."

Pwede naman siguro na mamaya na lang pagkatapos kumain 'diba? Bakit mas mukhang excited pa ang dalawang 'to sa'kin? Hindi ba nila alam na parang nag suicide ako sa ginawa kong 'to?

"Ang damot mo talaga, mamaya na nga lang tayo kumain, Hanna. Takpan mo muna 'yan. Feeling virgin."

"Seryoso kayo?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Oh my God! Gutom na gutom na ako tapos papatagalin pa nila.

"Oo naman. Mukha ba kaming nagbibiro? So ano na?" usisa ni Hanna sabay ngiti ng malaki. Talagang wala na akong magagawa kundi sabihin sa kanila ang nangyari. Kaimberna naman nito.

"Wah! So nasayo ang sperm ni Dash ngayon? Ginamit mo na ba! I mean nilagay mo na ba?"

"Hindi pa nga eh! Nagdadalawang isip ako." sabi ko naman. Parang ayaw ko kasi na gusto? Basta ewan ko!

"Wag ka na ngang magdadalawang isip diyan kaloka ka talaga!" saad ni Calli tapos hinampas ang braso ko. Tingnan mo 'to! Harassment 'yun!

"Baby na 'yan, Carmela, 'wag mo hayaang maging bato. Tandaan mo mahirap mag-hanap ng jowa pag matanda na."

***

Habang naglalakad ako papunta sa pharmacy, may nakita akong kotse na sobrang familiar sa'kin. Hindi ko na nga sana 'yon papansinin pero? Lumabas ang may ari nito. Niluwa nito si Dash na nakapamulsa at may suot na shades. Papasok yata s'ya sa Hanz restaurant katabi nitong pharmacy na papasukan ko.

Mga mayayaman lang naman ang kumakain diyan. Di bale pag yumaman ako araw-arawin ko ang restu na 'yan. Nag iwas ako ng tingin nang tuluyan nang makapasok si Dash sa loob. Ako naman? Pumasok na sa pharmacy, nag-hanap ako ng pregnancy test. Nang makita ko ito agad ko na 'tong binili.

Gagamitin ko to pag sumapit na ang 3 weeks. Para sure talaga, baka mamaya nyan? Walang laman 'diba? Kawawa ako.

Pagkauwi ko sa kubo kong bahay. Ginawa ko na ang ritwal ko, kinuha ko ang syringe na nasa ilalim ng unan at sinimulan ko nang ilagay 'yung sperm sa akin. Inubos ko talaga, pagkatapos ay tinapon ko sa basurahan.

Sana naman may mabuo. Sana naman.

GUMISING ako nang maaga para ihanda ang sarili ko sa trabaho. Siguradong marami akong lilinisin ngayon dahil kagabi may naganap na party sa mansyon. Inaantok pa nga ako eh pero kaya ko pa naman.

Kinuha ko ang jacket na nasa sampayan ko, sinuot ko ito 'saka ko nilabas ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko nang may unknown number na nag text sa'kin.

"Bakit ka bumili ng pregnancy test? Are you pregnant, Carmela?"

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Sino ang nag text? Sino 'to? Isa rin kaya 'to sa mga kalaban ko?

Akala ko 'yun na ang huling text niya pero meron na naman. And just now pa, how did...Paano niya nakuha ang number ko?

"I know who you are."

Bigla kong nabitawan ang cellphone. Nanginginig ang kamay ko, hindi ko maiwasan na luminga sa paligid. Anong klaseng mensahe ba 'to? Kanino 'to galing?

"CARMELA! 'YUNG BOSS MO NA SI DASH NASA HOSPITAL NGAYON!"

Napalingon ako kay Alex na kararating lang.

"What?"

"Nasa hospital ang ama ng anak mo!"

What the fvck was that for?

****

Ilang minuto pa lang ay ma-mamatay na agad ang sperm. But base sa story ko? Iba siya since this is a work of fiction. This is my own idea kaya 'wag po kayong magtaka, keke. Happy reading!

WGS02: Accidentally Having A BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon