Prelude

10 2 0
                                    

"It's been a month girl! Grabe, ba't wala ka man lang paramdam?" Jhes pushed me.

"Aw, miss mo naman ako ka-agad?" sabay ngisi.

"Nope, we're just wondering ba't hindi ka nag paramdam for a month" she rolled her eyes.

"Oo nga, knowing na sating lahat ikaw palaging nambubulabog." sabat ni Kristel.

I looked at her, kagulat 'tong babaeng 'to. Hindi kasi siya yung tipong gaganyan-ganyan.

"Oh, what's wrong? May dumi ba'ko sa mukha?" at inayos 'yung eye glasses n'ya. Weird.

Sasabat pa sana ako kaso biglang napasigaw si Jhesa.

"Errrrr! Nasan naba si Aneca, I miss her. Mas na iintindihan niya trip ko kesa sa inyo"

"De lumayas ka." sabay naming sabi ni Kristel.

Umalis na'ko sa harap nila. Nothing's new, ang boring talaga minsan ng mga kaibigan ko. Lalo na't pag kompleto kami.

Nandito ako ngayon sa labas ng tambayan namin sa Pazzo, hinihintay ko sila Rina at Aneca. Nababagot na'ko sa loob, 'di ko makausap si Kristel. Si Jhesa, busy sa boyfriend niya sa FaceTime.

I miss them.

Si Jhesa Castro kahit mukha at astang bad girl 'yun, she's nice. Nakaka-hawa 'yung halakhak niya.

Si Rina Martin, siya 'yung ratatat yung bunganga, galit palagi. Taguriang nanay samin.

Si Aneca Villafuerte, tahimik lang 'yan, mabait, laging sumusunod pero babad siya sa social media. Isang classy shitposter.

Si Kristel Euda, masungit pero malakas ang trip. Tahimik rin pero baliw pag samin na. Magugulat ka nalang sa ginagawa niya. Malihim din minsan.

Ewan ko ba't nabuo kami. Joke, nabuo kami dahil, simple lang.

Isa kaming Ferox Militibus, we shine brighter than diamonds.

WE ARE REAL TO EACH OTHER.

Biglang nag ring 'yung phone, sasagutin ko na sana kaso biglang namatay. Shems 'tong Rina na 'to ba't kaya tumawag?

Pumasok ako sa loob ng tambayan, nakita kong nag uusap si Jhesa at Kristel. Napakunot 'yung noo ko, hindi kasi normal 'yung ganito. Yes, isang grupo kami but Jhesa and Kristel having a conversation? Nakakapag-taka 'yun. Lalapit sana ako sakanila para alamin 'yung pinag uusapan nila ng biglang napatingin si Jhesa na parang gulat na gulat.

"Oh, para kayong nakakita ng multo. Ano pinag uusapan niyo d'yan ha?"

"W-wala. Hahahaha." Saad ni Jhesa, hindi siya maka tingin sakin. May iba e.

"Okay, uwi na'ko. Tagal nila Rina e. See you bukas, punta kayo sa school ng hindi late ha?" I chuckled.

Kinuha ko na yung gamit ko. I kissed them.

Act normal, Ruth.

Hindi ko talaga maiwasang isipin 'yung pag uusap nila ni Jhes at Klio (Kristel's Nickname) hanggang sa naka uwi nako. Iba talaga 'yung datingan ng pag uusap nila e.

Well, magkaibigan naman kami. Pwede mangyari 'yun.

Bahala na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ferox MilitibusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon