i. Back

46 1 0
                                    

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw

Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw

Pagmamahal mo lang ang tanging pag-asa

'Di ko kayang mabuhay kung lalayo ka

Hearing this song in the middle of the day, traffic pa. Si Manong talaga tanghaling tapat nagsisente na naman.

"Kuya, nagsisente ka? Brokenhearted?" Biro kong tanong kay Manong Carlos, driver namin.

"Ay naku iha, paborito kong kanta yan, kaya nga nasa pang-una sa listahan ng cd ko yan eh." Sabi ni Manong Carlos na parang kinikilig pa.

"Ay, kala ko naman po brokenhearted, inlove pala. Haha. Kuya, kanino po?" Excited na tanong ko sa kanya.

Nahihiyang nangamot ng ulo si Manong. Di pa siya sanay sa pagkaprangka ko? Nakakatawa siya. "Ay, crush lang naman yun iha."

Natawa nalang ako kay Manong. May nalalaman pang crush.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan kami magkwentuhan ni Manong. Close kami ni Manong noon, siguro naman close parin naman kami after 5 years na wala ako 'di ba? Nakakausap ko naman siya sa skype pag tumatawag sakin si Mae, kapatid kong bunso. Close kasi kami sa mga kasama namin sa bahay, parang pamilya talaga kami.

Yup, I wasn't around for 5 short years. It's short for me. Time flew so fast na parang kahapon lang ako nasaktan at umalis dito sa Pilipinas. And now, I'm finally back with bitterness. Masakit pa eh, lalo na pag naiisip ko kung ano ba ang kulang sakin?

Pero, I'm moving forward naman na. Ayokong ma-stock sa kagagahan ko noon. Having one mistake is enough, but two in a row is so d*mn stupid.

Kaya mahirap umasa sa mga pangakong napapako lang din naman eh. Pangako ng pangako pero hindi naman ginagawa. Kaya sobra nalang siguro ang tatag ng paniniwala ko na "Promises are made to be broken!"

Anyway, I'm Kaylie Mitch Gomez. 23 years of age. 5' 5" tall. The first daughter of Mr.&Mrs. Cruz-Gomez. Middle of the three.

Want to know me better? Be friendly..

----------------------------------------------------

Always smile.. Take care 😊

I Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon