ii. Him

53 1 0
                                    

"Hi Ate. Welcome back. Ganda natin ah. Sino?" Bating tanong sakin ni Mae pagbaba ko palang sa kotse.

"Hi baby. Sinong sino?" Tanong kong pagtataka pabalik sa kanya.

"Sino 'yong maswerteng guy na nakapagpatibok ulit ng puso mo?" Sagot naman niya agad na may pataas-taas pa ng kilay.

"Kaw talaga, kung ano-ano na naman ang pinagsasasabi mo. Wala. Walang-wala. Hindi ko pa to maturuan magmahal ng totoo ulit eh." Sabay turo sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.

"Ehh si guy, you know, the cute one na nililigawan ka?" Tanong niyang kinikilig na kulang nalang sabihin niyang, 'Ate crush ko siya, I think I like him na!' Hayy, nagdadalaga na talaga ang baby girl namin.

"Ah si Nathan, we're good. Friends? Best of friends? Something like that. Actually, he'll be coming here too. Though, dont know when. Siguro the day of your graduation na. Gusto din daw niya kayo mameet nila mommy ehh."

"Ah, oo nga pala, Nathan pala 'yon. He added me a month ago and you know who's our main topic?" I looked at her asking who? "Sino pa nga ba, syempre ikaw na ikaw Ate. Naku, kung alam mo lang kung ano-anong mga tanong niya. Pero Ate, you know what, he really likes you." Sabi nitong parang kinikilig pero 'yong mata niya biglang nag-iba, parang may halong guilt? I dont know, iba talaga eh. Hindi ko lang mapin-point kong ano.

"Oh I see, he told me nga rin na he added you daw, pero my lihim pala kayong conversations about me. Pero maiba nga, ikaw ba, meron na bang nakahuli jan sa puso mo?" Seryosong tanong ko sa kanya sa pag-iiba ng usapan. Baka kung saan pa mahantong eh.

"Ate talaga. Merong nagpaparamdam, pero ayaw ko muna pag-aksayahan ng oras. Gusto ko muna mafeel ang happy life being single. Ayoko pang ma-stress jan Ate, stress na nga sa mga Prof sa school eh, maghahanap pa ba ako. At tsaka di ba, I promised you na 'no boyfriends allowed' muna?" Sabay tawa niya.

"Buti naman. Dahil kung hindi babalik ako ng States ngayon din at hindi aattend ng graduation mo. Sige ka." Sabi ko naman ng paloko.

"Ate talaga. As if naman kaya mo kong tiisin." Sabay dilat sakin. Kinurot ko nga sa tagiliran niya.

Well, hindi ko talaga kayang tiisin ang baby girl namin. Parang baby ko na rin kasi si Mae. I was 9 years old when she came. And since excited ako sa kanya, I was always with her, unless my pasok syempre. Kaya super close kami to the point na mas open ako sa kanya kesa kila Mommy and vice versa. Maituturing na magbestfriends talaga kami sa pagkaclose.

"Ay Ate, ahh.. Ahhhm, pupunta pala si Kuya Ivan sa graduation. For support na din daw sa'kin and kay Mico." Pag-iinform niya sa'kin pero my konting pag-iingat sa mga binibitawan niyang mga salita.

Si Mico nga pala, bunsong kapatid din ni Ivan, my Ex. Graduating narin ng Highschool. Batchmates sila ni Mae.

"Ah, I see. Let's go na muna sa kitchen, I'm really hungry na rin and miss ko na ang luto ni Nay Rita." Pag-iiba ko ng usapan. Open naman ako kay Mae pagdating kay Ivan, pero h'wag muna ngayon. Wala pa ako sa mood tsaka jet-lag nadin.

Habang naglalakad na kami papuntang kitchen, nagtanong ulit si Mae. "Ate, okay lang ba sayo na magkita na kayo ni Kuya?" Seryoso niyang tanong.

"We'll see Mae. We'll see. Haven't thought of it yet. I'll just cross the bridge when I get there? Maybe. Let's talk about it later nalang kay? Medyo wala pa sa tantsa 'yong mood ko eh. Leka na, sabayan mo nalang ako maglunch." Sabi ko sa kanya. Naintindihan naman niya agad dahil sa tinawag ko na siya sa pangalan niya. Tatawagin ko lang naman kasi siya sa pangalan niya pag seryoso na ang usapan at pag wala talaga ako sa mood.

Pagpasok namin sa kitchen, andun si Nay Rita tsaka si Ate Marie, bagong pasok lang siya dito months ago kaya hindi ko pa siya masyado kilala pero nakakapaghi and hello's din naman kami 'pag nakakakausap ko sina Mae sa skype.

I Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon